[Iga City] Multicultural Coexistence Awareness Event 2017 [伊賀市] 多文化共生啓発イベント2017 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/10/26 Thursday Kultura at Libangan Ginanap ng sabay-sabay noong October 8 ang Multicultural Coexistence Awareness Event 2017 at ang International Exchange Festival sa Iga City. Ang araw na ito ay ipinagpala ng magandang panahon at nagkaroon ng stalls ng iba’t ibang bansa at booths ng mga iba’t ibang organisasyon, nagkaroon din ng mga performances na sayaw, Piñata (Piñata) sa stage atbp. Nagtipon tipon ang maraming residente na may iba’t-ibang nasyonalidad at nagkaroon ng isang masayang araw. Sa opening ceremony, nagkaroon ng pagbati mula sa Iga City Human Rights Department Director, Member of the City Council at Executive Committee Chairperson at tinalakay ang halaga ng pag promote ng mga efforts patungo sa isang multicultural coexistence society para sa mga dumalo. Sa Iga City, ang ratio ng foreign residents ay nasa bandang 4.8%, na kung saan nasa doble ng national average. Datapuwat madami sa mga foreigners ang nakakapag-contribute sa pag develop ng local community, kahit na ito ay isang rehiyon na kung saan tumitibay ang multicultural coexistence, kinakailangan pa din ang patuloy na pag suporta upang mas lalong mapatibay at mas mapadalas pa ang pakikipagtulungan ng mga Japanese residents at foreign residents. Sa ganitong dahilan, Ito ay isang importanteng opurtunidad para sa madaming tao upang makasalamuha ang isa’t-isa sa ganitong klaseng event. Nagkaroon ng mga presentations ng iba’t-ibang kultura sa stage at sa paligid nito. Sa umpisa ng event, nag perform ng sayaw ang Ryukyukoku Matsuridaiko Mie Shibu at pinasali nila sa sayaw ang ilang sa mga nanonood. Isa sa mga aktibong miyembro ng grupo na ito ay si Mr. Kohatsu Pablo ng Peru. Mr. Kohatsu Pablo – Ryukyukoku Matsuridaiko (Spanish) “Ako po ay si Kohatsu Pablo, isang Peruvian. Dumating ako sa Japan 5 taon ng nakakaraan. Kasalukuyan akong nakatira sa Iga City, Mie Prefecture. Actually, kaya gusto ko ang Okinawa dance na ito dahil ang aking paternal grandparents ay taga Okinawa. Natutunan ko ang kultura na ito sa aking pamilya kaya’t mas lalo akong naging interesado. Nakakapagpahiwatig din ng mensahe sa pamamagitan ng sayaw na ito ang Peru, Brazil, Argentina, Bolivia at United States. Personally, gusto ko na hindi lamang sa mga Peruvians kundi mas malaman pa ng ibang mga Foreigners ang tungkol sa Japanese culture na ito. Gusto ko na malaman ng mga foreigners na nakatira sa Japan ang kultura dito. Importante na malaman kung ang last name ba ay galing sa Okinawa o Honshu. Magandang bagay na malaman ang kultura.” May itinayo din na International Yatai mura o Intenational fair stalls sa event. Ang mga dumalo ay nakatikim ng local cousines ng iba’t-ibang bansa. Isa sa mga booth ay nagserve ng Philippine cuisine. Ms. Ikeda Maki (Tagalog) “Ako ay si Ikeda Maki. 12 years na ako dito sa Japan. Ngayon, mayroon kaming omise, Philippine foods at cuisine at Peruvian foods. Sa Philippine food, mayroong pork barbeque at Philippine “Turon”, sa Hapones ay banana no harumaki. Then mayroon din kaming Peruvian donuts, ang tawag dito sa Peru ay “Picarones” na gawa ito sa pumpkin at sweet potato. Ang Philippine barbeque ay may similarities sa Yakitori, matamis siya kaya ok siya sa panlasa ng mga Hapon.” Bukod pa dito, nagkaroon din ng booth na may handog na Brazilian coffee at mga handicrafts. Ang taong in charge sa booth ay nag enjoy sa pagpakilala ng kultura ng sariling bansa. Ms. Fukuoka Mara (Portugues) “Ako ay si Mara. Nakatira ako sa Japan simula 17 years ng nakakaraan. Pumunta ako dito kasama ng aking pamilya at nag handcraft ako kasama ng mga kaibikan ko sa Iga City. Kami ay gumagawa ng handicrafts, baby gifts, garlands, drawing, atbp. Ngunit ang pinaka paborito ko ay ang pagserve ng Brazilian coffee, na kung saan isa itong importanteng kultura ng Brasil at malapit sa aming puso. Nagustuhan talaga ng mga Hapon ang aming kape. Napaka-gandang experience ito. Nagustuhan ng mga Hapon ang mga ipinakilala naming music, pagkain at kape. Kapag tinatanong namin na “Masarap ba ang kape ng Japan?” “Kalasa ba ito ng Brazilian Coffee?” ang sagot nila ay “Hindi, mas masarap pa ito keysa sa Japanese coffee!”.” Ang Chinese native na si Ms. Nakahara Eibin ay nakatira sa Iga City ng 25 years. Ibinahagi niya ang importansya ng kaalaman sa kultura ng ibang mga residente at ang merits kapag natatanggap ang kultura ng bawat isa. Ms. Nakahara Ebin (Chinese) “Hello, ako si Nakahara Ebin. Dumating ako dito galing Shanghai China 20 years ago. Para saakin, ang buhay ay isang paglalakbay. May makikilala tayong iba’t-ibang tao along the way, makakakita ng iba’t-ibang kultura at kaugalian, ito ay nagsisilbing tanawin sa ating paglalakbay sa buhay at pagdating sa society, ang pagdagsa ng iba’t-bang mga kultura ay katulad ng pag-inject ng sariwang dugo na magbibigay sigla at buhay. Sa lipunang ito, ang buhay natin ay magiging makulay sa pamamagitan ng pag-alam, pag-intindi, pakikipagsalamuha at pagpatibay ng kultura ng bawat isa.” Ang American na si Mr. Timothy Spicuzza ay lumahok din sa event. Binigyang diin niya ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kultura at ibinahagi ang nakakatuwang karanasan na nakuha niya sa event na ito. Mr. Timothy Spicuzza (English) “Ang pangalan ko ay si Spicuzza Timothy. Dumating ako sa Japan mga sampung taon na ang nakaraan. Nakatira ako ng pitong taon dito, ngunit pansamantala akong bumalik sa aking bansa sa loob ng dalawang taon. Mahalaga na malaman ang iba’t ibang kultura. Napakahalaga para sa iba’t ibang mga bansa na makipag-usap sa bawat isa upang malaman ang tungkol sa bagong kultura. Upang makagawa ng isang mapayapang mundo, sa palagay ko pinakamahalaga na makilala ang isa’t isa at magpapasaya ito sa lahat. Talagang gusto ko ang kultura ng Okinawa at gustung-gusto ko ang sumayaw. Maraming nakakatuwang bagay na malalaman sa ibang kultura at maraming mga masasarap na pagkain, ito ang gusto ko dito.” Ipinakita din ang tradisyon ng South America na tinatawag na Piñata. Kinausap namin si Uehara Giancarlo isang tauhan na mula sa Peru ng Mie Prefecture International Exchange Foundation. Mr. Uehara Giancarlo – Mie Kokusai Koryu Zaidan (Mie International Exchange Foundation) “Madaming foreigners ang nakatira sa Iga City at sa Mie Prefecture, kaya sa palagay ko ang co-existence (multicultural) awareness ay kailangang mabuo upang mapaalam at maibahagi nila sa mga Japanese ang kanilang kultura. Kaya’t sa palagay ko ay napaka-importanteng magkaroon ng ganitong exchange festival. Ang Piñata ay ginagamit tuwing birthday party sa mga bansa sa South America. ito ay originally na nanggaling sa Mexico, ito ay may disenyo ng isang karakter na puno ng candies sa loob (Kusudama na puno ng sweets sa loob) at ito ang bumubuo ng isang birthday party. Papaluin ito ng mga bata gamit ang stick ng naka-blindfold upang mawasak ito at mahulog ang mga candies, laruan atbp. Ngayong araw, ipapakita namin ang traditional Peruvian costumes. Nakasuot ako ngayon ng charan costume. Ito ay ang costume sa coastal area ng Peru. Maaari ding masubukan ang mga musical instruments sa booth namin, Ito ay ang tinatawag na Zampoña.” Sa buong araw na ito, nakaranas ang mga dumalo ng kultura at tradisyon ng iba’t ibang bansa. Mr. Hisakazu Ohashi – Iga-shi Jinken Seikatsu Kankyo Bucho (Director, Human Rights and Living Environment Section, Iga City) “Sa ngayon, mayroong 4,700 na foreigners na galing sa 45 countries sa Iga City. Madami ang bilang nila ngunit malimit pa din ang pakikipag-interact ng mga Hapon sa kanila. Base sa ganitong sitwasyon, nais ko na mas mapalalim pa ang exchange sa pamamagitan ng paggawa ng ganitong event at pagpapakilala ng mga foreign food stalls o foreign cultures. May mga punto na minsan mahirap ipahiwatig sa salita lamang. Sa partikular, sa tingin ko ang pagkakataon na makilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng paggawa ng event na ganito ay napaka-halaga.” Ang kultura at tradisyon ay kadalasang mahirap maunawaan sa pamamagitan lamang ng impormasyon sa kasulatan o imahe. Mas mauunawaan kapag ito ay nakikita, nahahawakan at nararanasan. Sa hinaharap, iniimbitahan naming kayo na lumahok sa mga international exchange events na gaganapin sa bawat lungsod. Sigurado kami na magkakaroon kayo ng isang makabuluhang oras at mayroong panibagong matutuklasan. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Autumn Festival ng Mie· Event Special Feature 2017 Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme! ② ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ » ↑↑ Next Information ↑↑ Autumn Festival ng Mie· Event Special Feature 2017 2017/10/26 Thursday Kultura at Libangan 三重の秋祭り・イベント特集 2017 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ipapakilala namin ang mga autumn festival na gaganapin sa iba’t-ibang mga lugar sa Mie Prefecture. Dahil ito ay ang pinaka best season upang pumasyal, halina’t dumalo sa mga event ng kada lungsod. Dito, ipapaalam namin ng magkakasunod-sunod ang mga impormasyon tungkol sa mga events na naka-schedule sa ilang mga lugar. Para sa mga detalye, mangyaring tignan ang website ng Mie Prefectural Tourism Federation. (Link here) Kuwana Festival 2017 Araw at Oras:October 28・29 2017 (Sabado・Linggo) 10am ~ 4pm Lugar:Kuwana City Apita Kuwana Branch parking lot area Hachikendori・Kuwana Rakuichi special venue, sa paligid ng Teramachidori Shoten-gai I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38237.html Para sa flyers, i-click dito Gaganapin ang Kuwana Autumn Event “Kuwana Festival”. Gaganapin din ang magkasamang pagtutulungan ng “Kuwana Shoko Matsuri”, “Ekitopia”, “Kuwana Matsuri-haku”, Kuwana Rakuichi”, kaya’t ang buong lungsod ay dadagsain ng napakadaming tao. ※Ekitopia URL http://eki-mae.com/ekitopia/ Nabari Aki Matsuri 2017 “Nabari Autumn Festval” Araw at Oras:October 28・29 2017 (Sabado・Linggo) 8am ~ 10pm Lugar:Nabari City Hira・Urufushine Jinja at Old city area I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38123.html Isang malaking autumn festival ang gaganapin sa Urufushine Jinja. Sa October. 28 (Sabado), Ang Kamishi (Nakasuot ng damit ng Samurai) na may hawak na torch ay magsasagawa ng lantern ceremony, at magkakaroon din ng handog na Lion dance. Sa Oct. 29 naman ay magkakaroon ng parada ng Mikoshi, Danjiri atbp., at nagiging isang kulay ang festive mood. ※Official URL http://www.kankou-nabari.jp/?p=635 15th Shinonkansha Nihon Taiko Matsuri “Shinonkansha Japanese Drum Festival” Araw at Oras:October 28, 2017(Sabado)10am ~ 5:30pm, Oct. 29(Linggo)9:30am ~ 5:30pm I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_10151.html Ang mga grupo ng Taiko na galing sa buong bansa ay magtitipon sa Ise City, ang lugar na malapit sa puso ng mga Japanese. Ang tugtog ng mga drums ay nagpapahiwatig ng pasasalamat, sayang nararamdaman sa araw-araw at ihahandog nila ang performance sa panginoong. ※Official URL http://www.okageyokocho.co.jp/news.php?no=20150914135839 56th Ujisato Matsuri “Ujisato Festival” Araw at Oras: November 3, 2017 (Biyernes) 9am ~ 4pm Lugar:Matsuzaka City Matsuzaka Castle market at central urban area I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5260.html May kabuuang 200 Samurai Warriors ang magpaparada sa lungsod bukod pa sa taunang Gamo Uji Sato (Na kung saan napakasaya na nito) at Samurai na nakasuot ng armor at armas. Gaganapin din ang Matsuzaka Shongai Ondo, atbp. sa festival plaza. ※Official URL http://www.matsusaka-kanko.com/ Isshindenjinaicho Matsuri “Isshindenjinai Town Festival” Araw at Oras: November 12, 2017 (Linggo) 9am ~ 4pm(may panandaliang pag-ulan) Lugar:Tsu Ishinden Cho I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_14699.html Ang lungsod ng Ishinden kung saan nabuo ito 640 taon nang nakakaraan, ay isang lungsod ng kasaysayan at kultura. Magkakaroon ng masayang festival at mae-enjoy ang mga binebentang bazaar ng mga espesyal na produkto habang naglalakad sa makasaysayang kalsada ng lungsod. Naka-schedule ang maraming events tulad ng sayaw, mikoshi ng mga bata atbp. ※Official URL http://www.tsukanko.jp/event/14/ 14th Owase Umi・Yama “2-day walk” Araw at Oras:November 18・19, 2017(Sabado・Linggo) Lugar:Owase City Main Venue: Mie Ken Tachi Kumanokodo Center “Mie Prefectural Kumano Kodo Center” (Start / Goal) I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38890.html Mae-enjoy ninyo ang kasaysayan ng Owase City at ang biyayang handog ng kalikasan, kasali na dito ang World Heritage na “Kumanokodo”. Ito ay walking competition na naglalayon na maintindihan ang kasaysayan at walking courses na kinikilala ng Japan Walking Association. ※Official URL http://owasekankou.com/info/2017/08/000456.html Suzuka Baloon Festival 2017 Araw at Oras:November 24~26, 2017 (Biyernes・Sabado・Domingo) Lugar:Suzuka City Suzuka River riverbed (near Shono-Cho Shono Bridge) and Suzuka Circuit I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_17116.html Mag enjoy sa Hot Air Balloon at Sky Sports events katulad ng Hot Air Balloon lecture room at Mooring Flight sa paligid ng Suzuka River riverbed at Suzuka Circuit. Magkakaroon din ng photo contest, sketch contest, flea market at lokal na mga pagkain. ※Maaaring magbago ang impormasyong tungkol sa event depende sa panahon. Mangyaring i-check sa official URL(http://suzuka-balloon.jp/) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp