Pagbubuntis, Panganganak at Pagbakuna ng mga bata

日本での妊娠・出産、子どもの予防接種について

2016/03/15 Tuesday Kalusugan

Ang panganganak at pag-aalaga ng bata ay isang malaking kaganapan sa ating buhay.

Sa video na ito, ipapaalam ang mga impormasyon kaugnay sa panganganak at pagpapalaki ng anak dito sa Japan.

gravidez japao

Pagbubuntis

Sa sandaling malaman ang pagbubuntis, magsumite agad ng “Report of Pregnancy” (Ninshin Todoke) sa City and Town Government office.

Dito sa Japan, Kapag nabuntis, ay binibigyan ng  “Maternal and Child Health Handbook” (Boshikenkou Techou) at mayroon din mga classroom na nagtuturo tungkol sa impormasyon at teknolohiya na may kinalaman sa pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng bata.

Maternal and Child Health Handbook

Ito ay nilikha upang gabayan ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, tulad ng Health Checkups at Pagbabakuna, mga resulta ng health checkup ng ina at ng bata at mga rekord tungkol sa growth ng inyong anak.

Mayroong mga Government offices na naghanda para sa mga non-Japanese ng Maternal and Child Health Handbook sa wikang Ingles, Chinese, Korean, Portugues,Spanish,Thailandese, Indonesian,tagalog atbp. Mangyaring humingi nito sa oras ng pagsumite ng Report of Pregnancy.

Health Examination for Pregnant Woman

Sa bawat lungsod at bayan, kapag nagsumite ng Report of Pregnancy ay mabibigyan ng “Maternal and child health Bookmark” (母子保健のしおり Boshi Hoken no Shiori)  Ito ay 14 Doses ng Prenatal Care Consultation Ticket

Kapag ginamit itong Consultation ticket tuwing bibisita sa Medical Institution,ay magiging libre ang inyong bayad sa medical examination.

Mother ・Parents Classroom

Sa bawat lungsod at bayan,  mayroon mga classroom na nagtuturo tungkol sa pangaraw-araw na kaalaman at teknolohiya na may kinalaman sa pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng bata.

pregnancy japan

Gastos sa panganganak

Dahil ang normal na panganganak ay hindi kasali sa health insurance, Ang gastos sa mga kinakailangang regular health checkups sa panahon ng pagbuntis ay aabutin ng malaking halaga.

Ang pagpa-ospital sa Japan tuwing manganganak ay nasa 4-5 araw, at ang gastos na kinakailangan ay hindi bababa sa 500,000 yen. Subalit, Kapag may National Health Insurance o Health Insurance ay makakatanggap ng “Lump Sum Birth Allowance” Ang halaga ng pera ay principle 420,000 Yen.

vacinas japao

Pagbabakuna

Ang pagbabakuna ay para mabawasan ang sintomas, maiwasan ang paglusob o impeksyon ng sakit. At ang bakuna na ito ay para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Ang pagbabakuna ay nakasaad sa mga paraan upang maiwasan ang impeksyon. Ang batay sa paraan ng pagbabakuna ay maaring makatanggap ng libre.

Routine Vaccination na nakasaad sa Preventive Vaccination Law

(from May 2015 hanggan sa kasalukuyan)

Type of Vaccine

Ideal age

Doses
Hib Influenza B Gata (Influenza type B) 2 months old- 5 years old 4 beses
 Haien kyūkin (Pneumococcus) 2 months old- 5 years old 4 beses
DPT-IPV 3 months old-7 and a half years old 4 beses
BCG Immediately after birth-1 year old 1 beses
(MR)Hashika fūshin kongō

(Measles-rubella)

1 year old-2 years old 1 beses
5 years old-7years old 1 beses
Suitō (Varicella) 1year old-3years old 2 beses
Nihon’nōen (Japanese encephalitis) 6 months old-7and a half years old 3 beses
9 years old-13 years old 1 beses
DT (Tetanus and Diphtheria) – period II 11 years old-13 years old 1 beses
HPV Human papillomavirus
*female only
11 years old-17 years old 3 beses

*Japan’s Regular/ Random Vaccination Schedule (May 18,2015 or later) (National Institute of Infectious Diseases)

This was created in reference to: http://www.nih.go.jp/niid/images/vaccine/schedule/2015/JP20150518.pdf

*Para sa mga karagdagang paraan sa pagbabakuna at mga schedule, kumunsulta sa pediatrician o kaya sa person-in-charge sa vaccination ng lungsod.

*Ang pagbabakuna ay maaring magbago sa batas at patakaran.

[Source]

Counsel of Autonomous Bodies for Internationalization

http://www.clair.or.jp/tagengo/index.html

National Research Center of Infectious Diseases Homepage

http://www.nih.go.jp/niid/ja/

Benepisyo para sa bata (mula taong 2012)

2016/03/15 Tuesday Kalusugan

「児童手当について」(平成24年4月分以降)

jido-teate

Layunin

Sa pagkakaloob ng benepisyong ito para sa pagpapalaki ng bata, layunin nitong mapabuti ang pamumuhay ng bata sa kanilang tahanan, kasama na ang pangangalaga para maging maayos ang pagpapalaki sa mga kabataan ng susunod na henerasyon.

Sino ang magbebenepisyo

Para sa nag-aalaga ng bata hanggang makapagtapos ng Junior High School (edad 18 taon hanggang dumating ang Marso 31)

  1. Bilang pamantayan, kailangang naninirahan sa Japan ang bata para makatanggap ng benepisyo.(Maaari ding makatanggap ng benepisyo depende sa kondisyon, ang mga batang naninirahan sa ibang bansa para sa pag-aaral)
  2. Kung sumasailalim sa isang divorce negation at kasalukuyang magkahiwalay ang mag-asawa, ipagkakaloob ito sa magulang kung saan nakatira ang bata.
  3. Kung sakaling ang magulang ay maninirahan sa ibang bansa at ipapa-alaga ang bata sa ibang tao, ipagkakaloob ang benepisyong ito sa taong inatasan ng magulang na mag-alaga sa bata.
  4. Kung sakaling menor de edad ang tumatayong guardian ng bata, ipagkakaloob ito sa nasabing guardian.
    5 .Kung ang bata ay nasa pangangalaga ng shelter o bahay ampunan, ipagkakaloob ang benepisyong ito sa nasabing shelter o bahay ampunan.

Halaga ng benepisyo

Classification

Halaga ng benepisyo
(1 katao kada buwan)

Edad 3 taon pababa

Pantay lahat 15,000 yen

Edad 3 taon pataas hanggang bago makapagtapos ng  Elementarya Ika 1 at ika 2 anak

 10,000 yen

Ika 3 anak pataas

15,000 yen

Batang nasa junior high school

Pantay lahat 10,000 yen

 Panahon ng Benepisyo

Makakatanggap ng benepisyo 3 beses sa 1 taon kada buwan ng Pebrero, Hunyo at Oktubre mula sa araw nang magpasa ng aplikasyon at ang benepisyong ito ay ipapadala sa inyong bangko.

Beneficial Period

Buwan ng pagtanggap

Reference

Oktubre~Enero

Pebrero

Magkakaiba ang araw ng pagtanggap ng benepisyo depende sa tinitirhang lungsod.

Pebrero~Mayo

Hunyo

Hunyo~Septyembre

Oktubre

  • Kung malaki ang income ng tagapag-alaga ng bata at lumagpas sa pamantayang itinalaga, tatanggapin nito ang special allowance sa halagang 5000 yen kada buwan. (ang pinagsamang benepisyo na child allowance at special allowance ay tinatawag na 「Jido Teate to」)
    • Ang 「Dai 3 ko Ikou」o (ika-3 anak pataas) na tinatawag ay para sa mga magulang na maraming anak na nagpapa-aral ng kanyang pangatlong anak hanggang sa makapagtapos ng senior high school (edad 18 taon hanggang dumating ang Marso 31).

 Maximum na halaga ng kita

Ang income ng magulang na lumagpas sa maximum na halagang nakasaad sa ibaba ay makakatanggap pa rin ng special allowance ayon sa itinalaga sa bata (5,000 yen para sa lahat)

Chart o batayan ng income ng magulang (simula 2012 ng Hunyo)

Miyembro ng pamilya

Limitadong halaga ng kinikitaby thousand

Standard na Kinikita
by thousand

0 katao

622.0

  833.3

1 katao

660.0

 875.6

2 katao

698.0

  917.8

3 katao

736.0

 960.0

4 katao

774.0

 1002.1

5 katao

812.0

 1042.1

Tandaan na ang halaga ng standard income ay kakalkulahin para malaman kung magkano ang kinita

Paano ang proseso

Recognition demand

Para makatanggap ng benepisyo, kinakailangan ipasa sa kinabibilangan siyudad ang isang recognition demand kung sakaling may bagong panganak o bagong lipat na beneficiary.

Kung hindi magpapasa ng aplikasyon sa munisipyo, hindi makakatanggap ng benepisyo. Bukod dito, matatanggap ang benepisyo mula sa araw ng pagpasa ng aplikasyon ayon sa itinalagang buwan ng pagtatanggap ng benepisyo.
Subalit kung mahuhuli sa pagpasa ng aplikasyon, maaaring mabawasan ang tatanggapin benepiso kaya tandaan itong mabuti.

Subalit kung hindi makapagsumite ng aplikasyon dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad ng kalamidad o paglilipat ng tirahan, magbibigay ng palugit na 15 araw para maipasa ang nasabing aplikasyon at maaaring makatanggap ng benepisyo mula sa araw ng paglipat.

Mga papeles na kakailanganin para recognition demand

①Kopya ng Medical insurance
Kung empleyado, ipasa ang insurance ng kompanya

②Certificate of Income para sa benepisyo sa bata
Magpasa ng papeles kung sa araw ng Enero 1 ang tinirhang address ay hindi ang kasalukuyang  address.

③Magdala o ipakita ang inyong bank account number

④ May iba pang papeles na maaaring hilingin. (Para sa mga magulang na nakahiwalay sa anak)

Genkyou Todoke (Present Condition Form)

Sa mga tumatanggap ng benepisyong ito, kailangan magpasa ng genkyou todoke kada buwan ng Hunyo.

Ang papeles na ito ay pinapasagutan kada taon sa buwan ng Hunyo para alamin ang mga kondisyon kung dapat pa bang ipagpatuloy ang pagbibigay ng benepisyo.
Tandaan na kung wala ang papeles na ito, maaaring hindi makatanggap ng benepisyo mula sa buwan ng Hunyo.

Mga papeles na kailangan i-attached sa Genkyo Todoke

①Kopya ng medical insurance
Kung empleyado, ipasa ang insurance ng kompanya
②Certificate of Income para sa benepisyo ng bata mula sa dating munisipyo kung saan nakatira
Magpasa ng papeles kung sa araw ng Enero 1 ang tinirhang address ay hindi ang kasalukuyang  address.

③May iba pang papeles na maaaring hilingin.

Para sa mga katanungan
Jidou Teate Tantou Division ng tinitirhang munisipyo

Maaari ding magtanon sa Mieken Kenkou Fukushibu Kodomo Katei Kyoku Kosodate Katei Shien

Mie Department of Health and Welfare Children and Family Affairs Bureau

TEL:   059-224-2271    FAX: 059-224-2270   E-mail: kodomok@pref.mie.jp

HOMEPAGE:    http://www.pref.mie.lg.jp/D1KODOMO/72685000001.htm