Gabay sa Japanese para sa trabaho (Libreng Japanese language course) 定住外国人向けしごとのための日本語(無料の日本語学習コース)のご案内 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/05/07 Tuesday Edukasyon, Seminar at mga events Ang Japan International Cooperation Center (JICE) ay magsasagawa ng Practical Japanese Useful for Work 2019 Training Course para sa pag-promote ng stable na trabaho para sa mga dayuhang residente simula sa katapusan ng Mayo 2019. Ang kurso na ito ay beginner’s course (Level 1). Ang mga nilalaman ng kurso ay para sa mga taong nag-aaral ng wikang Hapon sa unang pagkakataon, mga taong hindi nakakapagsalita ng wikang Hapon, at para sa mga hindi marunong magbasa at magsulat ng hiragana at katakana. Maaaring makapag-apply sa pinakamalapit na Hello Work. Sino ang maaaring sumali Sa mga gustong makahanap ng stable na trabaho Sa mga 16 taong gulang at pataas na may status of residence na “Spouse of Japanese, etc.”, “Permanent Resident”, “Spouse of Permanent Resident, etc.” at “Long Term Resident” ※ Ang pagbubukas ng kurso ay maaaring kanselahin kung ang klase ay may konting aplikante. ※ Ang antas ng klase ay naka-planado at maaaring magbago. Schedule・Lugar・Paraan ng pag-apply Host City Placement Test Opening Period Araw ng linggo Oras Kuwana Mayo 23 Mayo 30 ~ Setyembre 9 Lunes~Biyernes 18:45~20:45 Yokkaichi Mayo 22 Mayo 29 ~ Hulyo 30 Lunes~Biyernes 9:00~12:00 Suzuka Mayo 28 Hunyo 5 ~ Huly 31 Martes~Biyernes 9:00~13:00 Iga Hunyo 4 Hunyo 11 ~ Setyembre 24 Martes, Huwebes, Biyernes 9:00~12:00 Tsu Mayo 27 Hunyo 3 ~ Setyembre 30 Lunes, Miyerkules~ Biyernes 18:30~20:30 ※ Mangyaring tingnan ang mga sumusunod na flyer para sa mga nilalaman ng kurso, mga lugar, mga application (Hello Work), atbp. Flyers (Japanese, English, Chinese, Portuguese, Spanish) Para sa Kuwana City, Yokkaichi City, Suzuka City, Tsu City Para sa Iga city Inquiry (Japanese only) Japan International Cooperation Center (JICE) Tel. 052-201-0881 Kuwana City, Yokkaichi City, Suzuka City (Portuguese / Spanish) Mylena→Tel. 080-4336-1832 Tsu City (Portuguese / English) Flávia→080-4335-8133 Iga City (Portuguese) Mary→080-4336-3511 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Ang bagong era “Reiwa” (Simula sa ika-1 ng Mayo 2019) at tungkol sa mga pagbabago sa limited holiday ng 2019 Tayo ay magbayad ng 2019 Automobile Tax sa takdang petsa » ↑↑ Next Information ↑↑ Ang bagong era “Reiwa” (Simula sa ika-1 ng Mayo 2019) at tungkol sa mga pagbabago sa limited holiday ng 2019 2019/05/07 Tuesday Edukasyon, Seminar at mga events 新しい元号「令和」(2019年5月1日から)及び2019年限定の休日の変更について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Crown Prince ay kokoronahan na sa Mayo 1, 2019, at simula sa araw na iyon, ang “Heisei” ay mapapalitan at gagamitin ang bagong era na “Reiwa”. Ang pangalang ng era na “Reiwa” ay kinuha mula sa “Manyoshu” na siyang pinakalumang Wakashu o antolohiya ng mga tula sa Japan. (Source: Prime Minister’s Office Website) https://www.kantei.go.jp/jp/headline/singengou/singengou_sentei.html *Ano ang Gengo? Ito ay isang pangalan ng era na ibinigay upang makilala ang mga taon tulad ng “Showa” at “Heisei”. Sa bansang Hapon, ang “Taika” era ng taong 645 ay itinuturing na unang napangalangang era sa kasaysayan. Sa kasalukuyan, ang era ay nagbabago kapag mayroong bagong uupo sa trono. (Reference: Daijirin) <Mga pagbabago sa mga holiday dahil sa abdication ng Emperor at enthronement> Kasabay ng pag-abdicate ng Emperador at enthronement, ang Mayo 1 at Oktubre 22 sa taong 2019 lamang ay magiging holiday (public holiday). Kasabay nito, ang Abril 30, 2019 at Mayo 2 ay magiging holiday din. Ang kaarawan ng Emperor (Holiday) ay mababago mula Disyembre 23 at maggiging Pebrero 23. (Source: Cabinet Office Website) https://www8.cao.go.jp/chosei/shukujitsu/gaiyou.html *Mayroong 10-araw na magkakasunod na bakasyon mula Abril 27 (Sabado) hanggang Mayo 6 (Lunes). Sa panahong ito, ang iba’t ibang mga lugar tulad ng mga tanggapan ng gobyerno ng prefecture, mga city hall, mga tanggapan ng imigrasyon, mga embahada, atbp. Ay sarado at ang mga oras ng pagbubukas ay patuloy na magbabago kaya’t mangyaring suriin nang maaga. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp