Mie-ken: Isang mahusay na multicultural na lipunan

国際化・多文化共生が進む三重県

2018/05/07 Monday Kultura at Libangan

Ang mga taong mula sa Brazil, China, Pilipinas at mula sa iba’t ibang bansa at rehiyon ay naninirahan sa Mie Prefecture at ang bilang ng nasyonalidad ay higit sa 100. Hanggang sa katapusan ng 2017, ang bilang ng mga dayuhang residente ay nadagdagan ng humigit-kumulang 4,200 mula sa nakaraang taon, mayroong 47,665 na mga dayuhan na naninirahan sa Mie Prefecture. Ang ratio ng mga dayuhan ay umabot ng mga nasa 2.6% ng kabuuang populasyon sa prefecture, at ito ay isang mataas na ratio sa buong bansa.

Sa Mie Prefecture kung saan ang internationalization at multicultural symbiosis ay sumusulong sa ganitong paraan at sa lungsod ng Suzuka kung saan nakatira ang maraming dayuhan, ang mga Hapon at dayuhang residente ay nagtatrabaho nang sama-sama bawat taon upang lumikha ng international festival exchange na may isang keyword na “Collaboration” at “Cross-cultural Experience”. Gamit ang keyword na ito, ginanap ang “WaiWai Spring Festival”. Marami sa mga naninirahan na may iba’t ibang nasyonalidad ang nagtipon ngayong taon at nagkaroon ng isang masayang araw. Ininterbyu namin ang mga kalahok tungkol sa kahalagahan ng pag-unawa sa cross-cultural at multicultural symbiosis.

[LimaCeasar at MatsumotoSonia – Brazilian]

“Sa palagay ko ang pakikihalubilo sa mga Hapon ay mahalaga. Hindi lamang ang Brazilians, pati na din ang Pilipino, Peruvian, Hapon, atbp., ay nakikilahok din sa event na ito upang makipag-usap sa isa’t isa, makipagpalitan ng impormasyon tungkol sa Japan at sa kanilang sariling kultura. Sa tingin ko iyan ay isang magandang bagay.

Sa ganitong uri ng event, maaari naming matugunan ang mga tao na may iba’t ibang mga nasyonalidad. Sa tingin ko iyan ay mahalaga. Sinisikap kong lumahok pa sa iba’t ibang mga events.”

 [Ao – Mongolian]

“Ako ay nakatira sa Japan sa loob ng 15 taon. Pagkatapos ng lahat, nakatira ako bilang dayuhan sa Japan. Masayang makipag-ugnay sa mga tao mula sa iba’t ibang bansa sa ganitong international festival exchange. Mula ngayon, kung may mga event na tulad nito, siguradong mage-enjoy ako, hindi lamang as pagkain kundi mas makikipag-usap pa ako sa lahat ng tao.”

 [Alex and Zaida – Peruvian]

“Sa tingin ko (Multicultural symbiosis) ay mahalaga. Dahil maaari kang makipag-ugnay at lumikha ng internasyonal na komunidad. Iyon ay talagang mahalaga para sa ating mga anak na lumaki sa Japan. Sa paglipas ng panahon, sa palagay ko ay mas tatatag ang multicultural symbiosis. Ito ay isang bagay na dapat ipasalamat at mahalaga sa aking buong pamilya.”

[Apollo – Filipino]

“Nagsimulang sumali ang grupo ng Pilipinas sa event ng Mie Prefecture 8 taon na ang nakakaraan. Ang grupong ito ay hindi lamang para sa mga Pilipino. Nais kong mag-enjoy din ang mga tao na galing as iba’t ibang bansa.”

Tinanong namin si Ms. Nakano ng Suzuka International Friendship Association (SIFA) na nag-organisa ng event na ito tungkol sa layunin ng Wai Wai Spring Festival.

[Nakano Chizuko – Organizer (Suzuka International Friendship Association)]

“Sa event na ito, maaari mong maranasan ang lasa ng iba’t ibang mga bansa. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga dayuhan na malaman ang panlasa ng iba pang mga bansa at magkaroon ng isang exchange. Kahit na sa entablado, mayroon kaming mga sayaw mula sa iba’t ibang bansa, kaya ang pakikilahok sa ganitong event ay nakakatulong na maging pamilyar as kultura ng ibang bansa. Sa palagay ko ay mahalaga na ang komunikasyon ay magsimula sa pamamagitan ng trigger na ganito.

Pagkatapos ng lahat, dahil magkakasamang nakatira sa Suzuka, nais kong magkaroon ng ganitong pagkakataon upang lumahok sa lipunan at magtayo nang sama-sama, hindi lamang maging isang Hapon na nakatingin sa lahat mula sa gilid.

May mga dayuhan din na nasa executive committee. Hindi lamang ang mga Hapon ang nagtatrabaho sa lugar sa araw na ito. Ito ay isang event kung saan ang mga tao mula sa iba’t ibang bansa ay magkakasamang isinasagawa ito. Ito ang layunin (Wai Wai Spring Festival).”

Ang WaiWai Spring Festival sa taong ito ay isa sa mga pagsisikap ng “Mie International Week 2018”. Ininterbyu namin ang taong namamahala sa “Mie International Week 2018”.

[Yamane Natsuki – Mie Ken Koyo Keizai-bu Kokusai Senryaku-ka]

“Sa Mie Prefecture, mga dalawang linggo bago at pagkatapos ng ika-26 ng Mayo at ika-27 ng petsa na isasagawa summit, ang “Mie International Week” ay itinakda upang masulit ang karanasan ng Ise Shima Summit, ang International Week ay isang panahon para sa intensive international effort. Sa pamamagitan ng mga pagsisikap na mapatupad ang event ng linggong ito, inaasahan na ang mga tao ng prefecture ay mas lalong maging interesado sa ibang bansa at gawing aktibo sila sa global field.

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ginanap ang Ise Shima Summit, ngunit inaasahan ko na patuloy na mapag-aralan ang ibang bansa sa pamamagitan ng mga international effotts, umaasa ako na ang mga tao sa buong prefecture ay tatamasahin ang international week.”

Ang WaiWai Spring Festival ay isang event na nagpapahintulot sa atin na makaranas ng multicultural symbiosis. Sa pamamagitan ng naturang mga international efforts, ang pananaw ng multicultural symbiosis ay binibigyang diin din sa Mie Prefecture kung saan ang internationalization ay higit na kinikilala. Ang mga taong may magkakaibang kultura at paniniwala ay kinikilala ang bawat pagkakaiba at hinihiling sa bawat mamamayan na bumuo ng isang komunidad habang nagbibigay ng paggalang sa isa’t isa.

Tayo ay mag-ingat sa Tigdas

2018/05/07 Monday Kultura at Libangan

麻しん(はしか)に注意しましょう

Sa kasalukuyan, may mga ulat na may isang pagtaas sa bilang ng mga pasyente na may tigdas sa Okinawa Prefecture atbp. Gayundin, may mga bansa at mga lugar sa ibang bansa kung saan ang epidemya ng tigdas ay nakumpirma rin.

Dahil ang tigdas ay lubhang nakakahawa, ang pagkuha ng isang preventive vaccination ay ang pinaka-epektibong preventive measure. Kung hindi ka pa nagkaroon ng tigdas dati at hindi sigurado kung nakatanggap ka ng bakuna o hindi, mangyaring isaalang-alang ang pagpapabakuna.

 

Ano ang tigdas

Ito ay isang acute infection na dulot ng isang Rubeola Virus. Dahil ang tigdas ay lubhang nakakahawa at ang impeksiyon ay kumakalat sa hangin, hindi ito maiiwasan sa pamamagitan lamang ng paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng mask. Humigit-kumulang 100% ng mga tao na walang immunity sa tigdas ang nahahawa kapag nakakasalamuha ang mga nahawaang tao.

 

Pangunahing sintomas

Lumilitaw ang mga sintomas sa loob ng 10 hanggang 12 araw pagkatapos ng impeksiyon. Pagkatapos nito, ang mataas na lagnat, ubo, sipon ay tatagal ng ilang araw, at isang maliit (mga 1 mm) pulang pantal ang maaaring mabuo sa bibig. Kahit na ang lagnat ay bumaba nang isang beses, ito ay tataas muli, pagkatapos nito, ang mga pulang pantal ay lilitaw sa buong katawan. Mawawala ito pagkatapos ng 7 hanggang 10 araw kung walang ibang kasamang sakit.

 

Tungkol sa Pagbabakuna

Kung ikaw ay dalawang beses ng nagpabakuna laban sa tigdas, o nakaranas ng magkaroon ng tigdas, bukod sa mga taong may antibodies, mangyaring isaalang-alang ang pagkunsulta sa inyong family health care provider at pag-isipan ang pagbabakuna laban sa tigdas.

Kumunsulta sa iyong institusyong medikal at pag-isipan ang tungkol sa pagbabakuna laban sa tigdas.

Walang bayad kung magpapabakuna ka sa panahon na tinukoy ng batas sa pagbabakuna (1 hanggang 2 taon sa unang pagkakataon, 5 hanggang 7 taon sa ikalawang pagkakataon), kayo ay sisingilin kapag sa ibang mga panahon.

*Kapag may nakahalubilo ka na isang pasyente na may tigdas o kapag pumunta ka sa isang lugar na may epidemya ng tigdas at may lumitaw na sintomas, mangyaring ipagbigay-alam sa institusyong medikal nang maaga sa pamamagitan ng pagtawag sa  telepono, abisuhan sila tungkol sa mga pinaghihinalaang tigdas, at sundin ang mga tagubilin.

 

Sanggunian

Mie-ken Iryo Hoken-bu Yakumu Kansen-sho Taisaku-ka Kansen-sho Taisaku Han page

http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0014900229.htm

 

Schedule ng pagbabakuna sa Japan(ayon sa Kokuritsu Kansensho Kenkyu-jo)

https://www.niid.go.jp/niid/ja/component/content/article/320-infectious-diseases/vaccine/2525-v-schedule.html