Sesyon para sa Impormasyon Tungkol sa Immigration Services Agency’s Specified Skilled Worker System

2025/09/25 Thursday Anunsyo, Paninirahan

Ang Japan Immigration Services Agency ay magsasagawa ng online na sesyon ng pagpapaliwanag tungkol sa “Tokutei Ginou” (Specific Skills) visa system, na nagpapahintulot sa iyo na legal na magtrabaho sa Japan. Ang pagdalo ay libre.

Maaaring magparehistro ang mga interesadong partido gamit ang QR code na available sa flyer.

Petsa at Horas

Oktubre 29, 2025 (Miyerkules)

  • Session 1: 4:00 PM ~ 4:45 PM (sa Japanese, English, at Indonesian)
  • Session 2: 5:00 PM ~ 5:45 PM (sa Japanese, Thai, at Vietnamese)

Enero 31, 2026 (Sabado)

  • Session 3: 4:00 PM ~ 4:45 PM (sa Japanese, English, at Indonesian)
  • Session 4: 5:00 PM ~ 5:45 PM (sa Japanese, Thai, at Vietnamese)

Deadline ng Pagpaparehistro

  • Para sa Sessions 1 at 2: pagsapit ng October 22, 2025 (Miyerkules)
  • Para Sessions 3 at 4: pagsapit ng Enero 24, 2026 (Sabado)

Target Audience

  • Mga dayuhan na 18 years old at pataas

Registration at Contact

Specific Skills Explanation Session Operations Office (Tokutei Ginō Seido Setsumeikai Unei Jimukyoku)

Company: K.K. Rhino Connect

E-mail: tokuteiginou@plan-sms.co.jp

Pamphlet sa English: available dito  

Pamphlet sa Japanese: available dito

Ang National Census ay madali at convenient kapag kinumpleto online.

2025/09/25 Thursday Anunsyo, Paninirahan

Ang National Census ay isasagawa simula sa katapusan ng Setyembre 2025.

Lahat ng taong naninirahan sa Japan (kabilang ang mga dayuhan) ay kinakailangang tumugon.

Ang mga tugon ay gagamitin lamang para sa istatistikal na layunin at hindi gagamitin para sa anumang iba pang layunin.

Hinihiling namin ang inyong kooperasyon sa National Census.

Ang deadline ng pagtugon ay Miyerkules, Oktubre 8, 2025.

  • Upang rumesponde sa National Census, tignan ang support website na nasa foreign languages:
    https://www.kokusei2025.go.jp/language/
  • Kapag may mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa amin sa foreign language sa pamamagitan ng pagtawag sa numero sa ibaba:

National Census Contact Center
0570-02-5901
(Para sa IP phones o prepaid cell phones: 03-6628-2258)

Horas: 9:00 a.m. hanggang 9:00 p.m.

* Ang mga operators ay Japanese, pero may mga interpreters na available.

* Ang service na ito ay libre, pero may bayad ang call charge.

Available ang National Census pamphlet para sa mga foreigners dito .

Contact (sa wikang Japanese lamang):

Mie-ken Seisaku Kikaku-bu Toukei-ka (三重県 政策企画部 統計課)

Tel: 059-224-2044