Impormasyon tungkol sa Mie Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente (MieCo)

2025/09/11 Thursday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang Mie Prefecture ay nagsasagawa ng iba’t ibang hakbang upang matiyak na ang mga Japanese at dayuhang residente ay maaaring igalang ang pagkakaiba ng bawat isa pagdating sa pamumuhay at kultura at magtulungan upang bumuo ng isang lokal na komunidad na walang diskriminasyon at panghuhusga.

Bilang bahagi ng inisyatiba na ito, itinatag ng prefecture ang Mie Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente (MieCo), isang serbisyo ng kunsultasyon sa iba’t-ibang wika na tumatanggap ng mga katanungan mula sa mga dayuhang naninirahan sa prefecture tungkol sa mga residency procedures, trabaho, medical care, at iba pang aspeto ng pang-araw-araw na buhay.

Kung mayroong anumang problema o alalahanin, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa more information about MieCo, i-click dito.