Tayo ay mag-ingat sa Tigdas 麻しん(はしか)に注意しましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/05/02 Wednesday Kalusugan at kapakanan Sa kasalukuyan, may mga ulat na may isang pagtaas sa bilang ng mga pasyente na may tigdas sa Okinawa Prefecture atbp. Gayundin, may mga bansa at mga lugar sa ibang bansa kung saan ang epidemya ng tigdas ay nakumpirma rin. Dahil ang tigdas ay lubhang nakakahawa, ang pagkuha ng isang preventive vaccination ay ang pinaka-epektibong preventive measure. Kung hindi ka pa nagkaroon ng tigdas dati at hindi sigurado kung nakatanggap ka ng bakuna o hindi, mangyaring isaalang-alang ang pagpapabakuna. Ano ang tigdas Ito ay isang acute infection na dulot ng isang Rubeola Virus. Dahil ang tigdas ay lubhang nakakahawa at ang impeksiyon ay kumakalat sa hangin, hindi ito maiiwasan sa pamamagitan lamang ng paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng mask. Humigit-kumulang 100% ng mga tao na walang immunity sa tigdas ang nahahawa kapag nakakasalamuha ang mga nahawaang tao. Pangunahing sintomas Lumilitaw ang mga sintomas sa loob ng 10 hanggang 12 araw pagkatapos ng impeksiyon. Pagkatapos nito, ang mataas na lagnat, ubo, sipon ay tatagal ng ilang araw, at isang maliit (mga 1 mm) pulang pantal ang maaaring mabuo sa bibig. Kahit na ang lagnat ay bumaba nang isang beses, ito ay tataas muli, pagkatapos nito, ang mga pulang pantal ay lilitaw sa buong katawan. Mawawala ito pagkatapos ng 7 hanggang 10 araw kung walang ibang kasamang sakit. Tungkol sa Pagbabakuna Kung ikaw ay dalawang beses ng nagpabakuna laban sa tigdas, o nakaranas ng magkaroon ng tigdas, bukod sa mga taong may antibodies, mangyaring isaalang-alang ang pagkunsulta sa inyong family health care provider at pag-isipan ang pagbabakuna laban sa tigdas. Kumunsulta sa iyong institusyong medikal at pag-isipan ang tungkol sa pagbabakuna laban sa tigdas. Walang bayad kung magpapabakuna ka sa panahon na tinukoy ng batas sa pagbabakuna (1 hanggang 2 taon sa unang pagkakataon, 5 hanggang 7 taon sa ikalawang pagkakataon), kayo ay sisingilin kapag sa ibang mga panahon. *Kapag may nakahalubilo ka na isang pasyente na may tigdas o kapag pumunta ka sa isang lugar na may epidemya ng tigdas at may lumitaw na sintomas, mangyaring ipagbigay-alam sa institusyong medikal nang maaga sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, abisuhan sila tungkol sa mga pinaghihinalaang tigdas, at sundin ang mga tagubilin. Sanggunian Mie-ken Iryo Hoken-bu Yakumu Kansen-sho Taisaku-ka Kansen-sho Taisaku Han page http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0014900229.htm Schedule ng pagbabakuna sa Japan(ayon sa Kokuritsu Kansensho Kenkyu-jo) https://www.niid.go.jp/niid/ja/component/content/article/320-infectious-diseases/vaccine/2525-v-schedule.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Patakaran sa pag-promote ng Diversity Mie ~Gayun din ang maaliwalas at diverse na lipunan~ Mie-ken: Isang mahusay na multicultural na lipunan » ↑↑ Next Information ↑↑ Patakaran sa pag-promote ng Diversity Mie ~Gayun din ang maaliwalas at diverse na lipunan~ 2018/05/02 Wednesday Kalusugan at kapakanan ダイバーシティみえ推進方針 ~ともに輝く、多様な社会へ~ 三重県の方針およびキックオフイベントのご案内 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Impormasyon tungkol sa patakaran ng Mie Prefecture at kick-off event Ang Mie prefecture ay naglalayon ng isang diverse na lipunan kung saan ang lahat ay maaaring humamon, sumali, at maging aktibong parte kahit ano pa ang kasarian, edad, kung may kapansanan, nasyonalidad / cultural background, sexual orientation, gender identity, atbp. Ginawa ang patakaran na ito noong Desyembre ng 2017, at magsasagawa ng “Diversity Mie Talk Event” bilang isang kickoff event para sa pag-promote ng diverse na lipunan. Araw at Oras May 21, 2018 (Lunes) 1:30 pm hanggang 3 pm Ang deadline ng application ng paglahok ay Mayo 14 (Lunes) Lugar Ust-Tsu 3F Mie Kenmin Koryu Center (Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Tema at mga nilalaman ※Lahat ng mga event ay gaganapin sa wikang Hapon. [Makinig, tignan at pakiramdaman. Magsimula na tayo! Hamon para sa isang diverse na lipunan] Ang Gobernador ng Mie Prefecture (Suzuki Eikei) ay magpapakilala ng mga pagsisikap upang mai-promote ang diversity sa prefecture. Pagkatapos nito, magsasagawa ng isang talk event. Mangyaring tingnan ang sumusunod na URL para sa aplikasyon at mga detalye. (Sa wikang Hapones lamang) Tungkol sa event : http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0011500105.htm Flyers・Application: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000778770.pdf Tungkol sa patakaran ng pag-promote ng Diversity Mie (sa wikang Hapones lamang) http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000774643.pdf Summary leaflet Portugues: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000774678.pdf Spanish: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000774679.pdf Chinese: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000774677.pdf English: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000774680.pdf Japanese: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000774645.pdf Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp