About security during [Ise Shima Summit]

伊勢志摩サミット警備について

2016/03/18 Friday Anunsyo, Kaligtasan, Selection

summit mie police

Dalawang buwan na lang ang natitira hanggang sa dumating ang May 26 at 27 na Ise Shima Security Summit. Simula ng nakaraang taon, ang Mie Prefectural Police ay mahigpit na nagpo-promote ng mga iba’t ibang mga panukala para sa seguridad. Gayunpaman, may mga nangyayari ng terorismo sa mundo. Sa sitwasyon kung saan tumataas ang banta ng terorismo sa bansang hapon ay naglalayon upang masiguro ang Seguridad ng mga World Leaders, Matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga kaugnay na mga events at Matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.

Para sa matagumpay na summit, ang Mie Prefectural Police ay nagsusumikap na gumawa ng mga panukala upang maiwasan ang terorismo.

Noong nakaraang taon ng Oktubre, Sa Mie Prefectural Police Headquarters inilunsad ang Counter-terrorism Mie Partnership Promotion Conference at noong katapusan ng Enero ng taong ito, inilunsad sa lahat ng Police Station sa Mie Prefecture ang Counter-terrorism Partnership Regional Edition at nagtataguyod din counter-terrorism ang pinagsamang pwersa ng lahat ng tao sa public at private sectors.

Hinihiling namin ang kooperasyon ng lahat, kung may napansing kakaibang sitwasyon kaysa sa normal na pang araw-araw na buhay.

Halimbawa:

*Kapag may napansing tao na kumikilos ng kakaiba at pabalikbalik sa parehong lokasyon.

*May naka-park na hindi kilalang sasakyan ng mahabang horas.

*Kapag may nag iwan ng kahinahinalang gamit sa lugar.

Kapag may mga ganitong napansing bagay tumawag agad sa 110 at i-report ang tungkol dito.

Upang masiguro ang seguridad ng Summit Venue ay magsasagawa ng Checkpoint sa paligid ng Kashikojima.

Sa karagdagan, alinsunod sa galaw ng mga World leaders, ay magpapatupad ng Temporary Traffic Control kung saan inaasahang magkakaroon ng mabigat na trapiko. Mangyaring gumamit ng pampublikong sasakyan at iwasan ang paggamit ng pribadong sasakyan at ang pag-adjust ng operation sa mga sasakyang pangnegosyo. Hinihiling namin ang inyong pag-unawa at kooperasyon.

Pagbubuntis, Panganganak at Pagbakuna ng mga bata

2016/03/18 Friday Anunsyo, Kaligtasan, Selection

日本での妊娠・出産、子どもの予防接種について

Ang panganganak at pag-aalaga ng bata ay isang malaking kaganapan sa ating buhay.

Sa video na ito, ipapaalam ang mga impormasyon kaugnay sa panganganak at pagpapalaki ng anak dito sa Japan.

gravidez japao

Pagbubuntis

Sa sandaling malaman ang pagbubuntis, magsumite agad ng “Report of Pregnancy” (Ninshin Todoke) sa City and Town Government office.

Dito sa Japan, Kapag nabuntis, ay binibigyan ng  “Maternal and Child Health Handbook” (Boshikenkou Techou) at mayroon din mga classroom na nagtuturo tungkol sa impormasyon at teknolohiya na may kinalaman sa pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng bata.

Maternal and Child Health Handbook

Ito ay nilikha upang gabayan ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, tulad ng Health Checkups at Pagbabakuna, mga resulta ng health checkup ng ina at ng bata at mga rekord tungkol sa growth ng inyong anak.

Mayroong mga Government offices na naghanda para sa mga non-Japanese ng Maternal and Child Health Handbook sa wikang Ingles, Chinese, Korean, Portugues,Spanish,Thailandese, Indonesian,tagalog atbp. Mangyaring humingi nito sa oras ng pagsumite ng Report of Pregnancy.

Health Examination for Pregnant Woman

Sa bawat lungsod at bayan, kapag nagsumite ng Report of Pregnancy ay mabibigyan ng “Maternal and child health Bookmark” (母子保健のしおり Boshi Hoken no Shiori)  Ito ay 14 Doses ng Prenatal Care Consultation Ticket

Kapag ginamit itong Consultation ticket tuwing bibisita sa Medical Institution,ay magiging libre ang inyong bayad sa medical examination.

Mother ・Parents Classroom

Sa bawat lungsod at bayan,  mayroon mga classroom na nagtuturo tungkol sa pangaraw-araw na kaalaman at teknolohiya na may kinalaman sa pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng bata.

pregnancy japan

Gastos sa panganganak

Dahil ang normal na panganganak ay hindi kasali sa health insurance, Ang gastos sa mga kinakailangang regular health checkups sa panahon ng pagbuntis ay aabutin ng malaking halaga.

Ang pagpa-ospital sa Japan tuwing manganganak ay nasa 4-5 araw, at ang gastos na kinakailangan ay hindi bababa sa 500,000 yen. Subalit, Kapag may National Health Insurance o Health Insurance ay makakatanggap ng “Lump Sum Birth Allowance” Ang halaga ng pera ay principle 420,000 Yen.

vacinas japao

Pagbabakuna

Ang pagbabakuna ay para mabawasan ang sintomas, maiwasan ang paglusob o impeksyon ng sakit. At ang bakuna na ito ay para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Ang pagbabakuna ay nakasaad sa mga paraan upang maiwasan ang impeksyon. Ang batay sa paraan ng pagbabakuna ay maaring makatanggap ng libre.

Routine Vaccination na nakasaad sa Preventive Vaccination Law

(from May 2015 hanggan sa kasalukuyan)

Type of Vaccine

Ideal age

Doses
Hib Influenza B Gata (Influenza type B) 2 months old- 5 years old 4 beses
 Haien kyūkin (Pneumococcus) 2 months old- 5 years old 4 beses
DPT-IPV 3 months old-7 and a half years old 4 beses
BCG Immediately after birth-1 year old 1 beses
(MR)Hashika fūshin kongō

(Measles-rubella)

1 year old-2 years old 1 beses
5 years old-7years old 1 beses
Suitō (Varicella) 1year old-3years old 2 beses
Nihon’nōen (Japanese encephalitis) 6 months old-7and a half years old 3 beses
9 years old-13 years old 1 beses
DT (Tetanus and Diphtheria) – period II 11 years old-13 years old 1 beses
HPV Human papillomavirus
*female only
11 years old-17 years old 3 beses

*Japan’s Regular/ Random Vaccination Schedule (May 18,2015 or later) (National Institute of Infectious Diseases)

This was created in reference to: http://www.nih.go.jp/niid/images/vaccine/schedule/2015/JP20150518.pdf

*Para sa mga karagdagang paraan sa pagbabakuna at mga schedule, kumunsulta sa pediatrician o kaya sa person-in-charge sa vaccination ng lungsod.

*Ang pagbabakuna ay maaring magbago sa batas at patakaran.

[Source]

Counsel of Autonomous Bodies for Internationalization

http://www.clair.or.jp/tagengo/index.html

National Research Center of Infectious Diseases Homepage

http://www.nih.go.jp/niid/ja/