Tungkol sa Tax Return

確定申告について


Tiyak maraming mga tao ang nakarinig na ng salitang “tax return”, ngunit alam mo ba kung anong uri ng mga bagay ang dapat mong i-declare o sa anong oras? Kung ang kumpanya na iyong pinagtatrabahuhan ay gumagawa ng mga year-end adjustments sa inyong taxes, katulad ng karamihan na mga kaso, hindi na kailangang mag-file ng tax return. Gayunpaman, kapag mayroon kang isang part time na trabaho at kita ng higit sa 200,000 yen sa isang taon o kapag tumatanggap ka ng suweldo mula sa 2 o higit pang mga lugar, maaaring kailangan mong mag-file ng tax return.

Bilang karagdagan, posibleng makatanggap ng refund (medical expenses deduction) sa pamamagitan ng pag-file ng isang tax return, tulad ng kapag ang gastos sa medikal ay lumagpas sa 100,000 yen sa isang taon.

Sa video na ito, ipakilala namin ang kahalagahan ng tax return at lalo na ang mga punto kung saan dapat mag-ingat ang mga dayuhan.

Ano ba ang tax return?

Ang tax return ay isang pamamaraan ng pagkalkula ng income tax (income tax and reconstruction special income tax) at para malaman kung magkano ang buwis na dapat mong bayaran. Hindi lahat ng buwis ay awtomatikong binabawas. Sa ibang kaso, may mga pagkakaiba as pagitan ng halaga ng tax na nabayaran na, katulad ng withholding taxes, at mga tax na kailangan pang bayaran.

Kaya, ang tax return form kasama ang mga kinakailangang dokumento tulad ng iba’t-ibang certificate, at nakolektang income at mga expenses na nagastos simula January 1 hanggang December 31 kada taon ay dapat na ideklara mula February 16 hanggang March 15 (ay magbabago sa Lunes kung sakaling  ang petsa ay pumatak sa Sabado at Linggo). Sa paggawa nito, malalaman ang halaga ng buwis na dapat bayaran, at kung nagbayad ka ng labis, ibabalik ang buwis na sobra.

Mga pangunahing kaso kung saan kinakailangang mag tax return

  1. Kung ang kumpanya na iyong pinagtatrabahuhan ay hindi nagawa ang year end adjustments para sa taxes.
  2. Kung ang income ay lumagpas sa limit
  3. Kapag nakakatanggap ng employment income mula sa overseas employer, na hindi cover ng withholding tax, atbp.
  4. Kung ang pangalawang kita tulad ng side job o part-time na trabaho ay lumampas sa 200,000 yen.
  5. Kung ang severance pay ay binabayaran ng isang dayuhang kumpanya, at iba pa, at walang income na na-withheld.

Mga dokumentong kinakailangan para sa tax return

  1. Tax return form, i-download mula as Website of National Taxation Bureau o maaari mo itong makuha sa tax office.
  2. Mga dokumento na magpapatunay sa income tulad ng withholding slip
  3. My number card o My number notification card + Identification card (residence card, driver’s license atbp.)
  4. Iba’t-ibang certification documents na kailangan sa deduction
  5. Seal o sign atpb.

Ang mga maaaring i-deduct

Mayroong maraming mga deductible items sa tax return. Ngunit mayroong iba’t ibang mga kondisyon, halimbawa, kung ang kabuuan ng mga medikal na gastos (kasama ang nag file at dependent na pamilya) para sa isang taon ay lumagpas sa 100,000 yen, ang sobrang halaga ay itinakda bilang ” medical expenses deduction”, maaaring mabawasan ang mga ito mula sa halaga ng income.

Bilang karagdagan, kung ang isang dayuhang mamamayan sa Japan ay nagpapadala ng pera upang suportahan ang isang pamilya na naninirahan sa ibang bansa, maghanda ng “dokumento ng kamag-anak” at “dokumento ng remittance” upang patunayan ang suporta at relasyon sa pinapadalhan. Sa paggawa nito, makakatanggap ng ‘dependent deduction ‘. Gayunpaman, kung ang mga dokumento ay nakasulat sa wikang banyaga, kinakailangan ang pagsasalin sa wikang Hapon.

Bukod pa rito, para sa kita na nabuo sa labas ng Japan, kahit na ang pagbabayad ng buwis ay ginawa sa ibang bansa, ang mga taxable sa Japan ay maroon din na  “Foreign Tax Deduction” na nagpapahintulot ng pag deduct sa fixed amount ng taxes para sa taxes na babayaran sa Japan

*I-Click dito para sa higit pang mga detalye (Japanese only)

Bukod sa mga ito, mayroong iba’t ibang mga deductions tulad ng “deduction para sa mga taong may kapansanan” at “social insurance fee deduction”. Kung nais mong matuto nang higit pa, mangyaring kumunsulta sa isang tax office o isang tax accountant, o kumunsulta sa site ng National Tax Agency.

I-Click dito para sa higit pang mga detalye (Japanese only)

Saan maaaring mag file ng tax return?

Maaari kang mag file ng declaration sa mga declaration venue. I-Click dito para sa tax return filing venue ng taong 2018 (Japanese only)

Sa venue, makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa tax return, kunsultasyon, at intsruksyon kung paano punan ang mga form.

Malamang maraming mga tao ang nag-iisip na “hindi ko masyadong alam ang tungkol sa taxes” o “mukhang mahirap magfile ng taxes”,  ngunit upang magbayad ng wastong buwis nang hindi labis o kaulang, kapag alam mo na kailangan mong mag-file para sa tax return at makatanggap ng deduction, paki-check at konsultahin ang mga eksperto. Maghanda tayo ng mga kinakailangang dokumento bago pa dumating ang deadline.

Listahan ng mga tax offices as kada rehiyon ng Mie prefecture

https://www.nta.go.jp/about/organization/nagoya/location/mie.htm

*Kinakailangan ang reservation para sa konsultasyon sa tax office maliban sa ilang panahon tulad ng tax return filing period.

*Ang konsultasyon sa tax office ay sa wikang Japanese lamang. Kung ikaw ay isang banyagang residente na hindi makapagsalita ng wikang Hapon, mangyaring dalhin ang isang tao na maaaring magpaliwanag para sa iyo.

Mga dayuhang residente na aktibo sa komunidad patungo sa lipunan ng multicultural symbiosis

多文化共生社会に向けて地域社会で活躍する外国人住民

Habang ang lahat ay may kanya-kanyang paniniwala at kultura, maraming mga tao na naninirahan bilang isang residente at mga taong nagsisikap na aktibong maka-adopt sa kultura , kaugalian, pamumuhay,at wika ng Japan, at aktibo sa komunidad bilang miyembro ng lipunan.

Kabilang sa mga dayuhang naninirahan na ipapakilala sa pagkakataong ito, nakipag-usap kami sa dalawang tao na mula sa China at Brazil at aktibong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad.

Uma nating makakapanayam si Son san na isang mag-aaral na nagtapos sa Mie University at isang kinatawan ng isang pangkat ng internasyonal na mag-aaral na Chinese na tinatawag na “Gakuyu-kai”, ito ay tungkol sa internasyonal na palitan at karanasan na nakikilahok sa mga aktibidad na patuloy sa lugar.

Interview – Son – Nicchu Gakuyū-kai

A: Ngayong taon minarkahan ang ika-40 na anibersaryo ng Japan – China Friendship Peace Treaty, kami ay lumahok sa event na tinatawag na “Chiji to Hanasou”, na layuning makipag-usap sa gobernador, na may suporta ng Japan – China Friendship Association, ang Office Mie Prefectural Government at ang aming grupo.

Tatlong estudyanteng Japanese at tatlong estudyanteng Chinese ng Mie University ang nakipag-ugnayan sa Gobernador ng Mie at nagsalita tungkol sa kanilang mga saloobin sa Prepektura ng Mie.

Sa bandang huli, bilang isang embahador ng mag-aaral, ang mga international student at mga Japanese student ay nagpanukala na magpatuloy na mapayapa at magiliw na relasyon as bawat isa sa youth oriented independent na paraan.

Mayroon ding “Wai Wai Gaya Gaya Festa” na ginaganap tuwing taon sa lungsod ng Tsu. Sa taon na ito ay ginanap noong ika-11 ng Nobyembre, nagkaroon ng pop-up booth sa lungsod. Sumasali kami palagi bawat taon. Mayroon din mga opera, katutubong sayaw atbp.

Sa iba pang aktibidad, nilinis namin ang beach na malapit as aming paaaralan at pagkatapos ng paglilinis, tumatanggap kami ng isda at iba pa mula sa mga lokal na mangingisda.

Q: Ano ang mahalaga para sa Mie Prefecture upang maging isang mas multicultural symbiosis na lipunan?

A: Nagtuturo ako ng Chinese sa foreign language classroom ng Japan – China Friendship Association. Ang ilan sa aking mga estudyante ay nakikilahok sa isang chinese speech contest, ito ay isang paligsahan sa pagsasalita ng chinese kung saan ang mga nilalaman ng speech ay tungkol sa multicultural symbiosis.

Narinig ng isa sa aking mag-aaral na Japanese na may isang Chinese na babae na lilipat as kanyang klase, noong una hindi siya interesado dahil sa isip niya ay hindi naman sila magiging magkaibigan. Gayunpaman, nang dumating ang mag-aaral na transfer, naging mabuting kaibigan sila. Ang unang paniniwala na magiging mahirap na makasama ang isang dayuhan ay hindi tama. Natutunan ng estudyante ko ang kahalagahan ng pasuot ng isang makulay na glasses upang hindi makita ang mga dayuhan na iba.

Kung ikaw ay nagtatayo ng isang mas mahusay na diverse na lipunan, ang pangunahing punto ay ang makinig, tignan at danasin. Mahalaga na aktwal na makipag-ugnayan sa mga dayuhan. Sa paggawa nito, ang mga tao sa iba’t ibang bansa ay maaaring magkaroon ng pag-unawa sa isa’t isa.

At sa huli, nakapanayam namin si Sai na nanirahan sa Mie Prefecture sa loob ng 20 taon. Siya ay nakapagtapos ng pagaaral sa Mie University. Siya ay nagsalita tungkol sa mga even na kanyang sinalihan sa lugar at tungkol sa relasyon sa paaralan.

Interview – Mrs. Sai

A: Ang aming mga anak ay nakikilahok sa mga asosasyon ng mga lokal na bata. Ang lahat ng mga magulang din sunud-sunod nanpapaplano at nakikilahok sa mga aktibidad.

Bawat taon, may mga welcome party para sa mga bagong mag-aaral, koleksyon ng mga scrap sa tagsibol at taglagas, mga trips kasama ang pamilya sa tag-init, at may bowling competition na ginaganap sa taglamig.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad, ang mga bata ay nagkakaroon ng higit na komunikasyon sa mga bata na may iba’t ibang mga background at ang pakikipag-relasyon ay lalong lumalalim. Dahil ang mga magulang ay mayroon ding mga activities, ang mga magulang ay nage-enjoy din habang ang mga bata ay may isang masayang karanasan. May isang malaking event ng kompetisyon sa sports bawat taon sa aming lugar. Ang aming mga anak ay aktibong nakikilahok. Kung pinili nila na maging isang manlalaro, ginagawa nila ang kanilang pinakamahusay at nagsusumikap kasama ang kanilang team members.

Ako ay masuwerteng nakalahok sa aktibidad na ito. Nagsisilbi rin ako bilang isang miyembro ng headquarters ng PTA at sumasali sa mga aktibidad sa mga magulang at bata. Ito ay isang mas mahusay na paraan upang maunawaan ang istraktura ng paaralan, malaman kung ano ang sitwasyon ng iyong anak sa paaralan, at magkaroon ng isang mahusay na exchange sa guro. Kaya ito ay isang magandang bagay para sa akin. Nakatanggap ako ng isang magandang pagkakataon upang maging isang miyembro ng lipunan (sa pamamagitan ng pakikilahok sa PTA).

Q: Mayroon ka bang mga pagkakataon upang makasalamuha ang mga Hapon maliban pa sa mga asosasyon ng bata at PTA? At paano ka nakikipag-ugnayan?

A: Oo, Marami. Ako ay nakikipag-usap sa iba kong kapwa nanay. Kumakain kami as labas ng magkasama, pinag-uusapan ang sitwasyon ng mga bata at ang sitwasyon ng paaralan. Nag-iimbita rin ng iba pang mga nanay sa bahay, ginagawa namin ang aming sariling mga espesyal na pagkain at pinagsasaluhan ito. Napakasaya namin pag ganon.

At isa pa, ang relasyon sa mga kapitbahay ay napakahusay din. Ang aking mga kapitbahay ay madalas na nagbabahagi ng masarap na mga bagay na ginawa nila at magdadala ako ng masarap na mga bagay na ginawa ko.

Mayroon kaming music school sa bahay. Bukod sa pakikipagpalitan ng musika, may mga new year’s party kami kada taon at iba pang parties katulad ng cherry-blossom viewing at barbecue bawat taon kung saan nagpapatuloy ang exchange as bawat isa.

Lalo na noong 2011, nagkaroon kami ng charity concert upang matulungan ang kakatapos lang na Great East Japan Earthquake. Pagkatapos nito, pinagpatuloy namin ng 2 hanggang 3 taon, dinala ko ang pera na kinita ng charity concert at ang nakolekta na donasyon sa mga apektadong lugar ng Tohoku ng personal. Nagsagawa kami ng concert sa mga lokal na parke at mga pampublikong bulwagan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, sa palagay ko ay napakahalaga para sa amin na makapag salamuha sa isang malawak na hanay, hindi lang sa maliit na hanay ng aming lugar kung saan ako nakatira.

Napakahalaga para sa atin na makabuo ng isang lipunan ng multicultural symbiosis sa pamamagitan ng pag-alam sa pagkakaiba ng bawat isa at kahalagahan ng komunikasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad.

Ang pagpapalakas ng exchange sa loob ng mga komunidad ay humahantong sa paglikha ng isang klima kung saan ang mga naninirahang Japanese at mga dayuhang residente ay maaaring maunawaan ang iba’t ibang mga kaugalian at opinyon at paggalang sa pagkakaiba-iba ng lahat. Bigyan ang mga tao ng mga pagkakataon upang aktibong makipag-ugnay sa mga locals at sa mga taong may iba’t ibang pinagmulan upang bumuo ng lipunan na magkakasama bilang mga lokal na residente.