(Enero/2018) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura (2019年1月)県営住宅の定期募集について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/01/10 Thursday Paninirahan Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Enero Hanggang Enero 31, 2018 (Jueves) Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito. I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version) I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa), (mga patakaran sa pag-upa) atbp. http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm *Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang. *Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Enero 31. Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply) Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office Araw ng bunutan Araw ng pag-upa Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1 Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1 Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1 Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1 ※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas. Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Kendo Seibibu Jutakuka Kanri Group TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang) Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod (1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802 (2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city, Nabari city) TEL: 059-221-6171 (3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Mihama district) TEL: 059-222-6400 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tungkol sa Tax Return 2019 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students » ↑↑ Next Information ↑↑ Tungkol sa Tax Return 2019/01/10 Thursday Paninirahan 確定申告について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Tiyak maraming mga tao ang nakarinig na ng salitang “tax return”, ngunit alam mo ba kung anong uri ng mga bagay ang dapat mong i-declare o sa anong oras? Kung ang kumpanya na iyong pinagtatrabahuhan ay gumagawa ng mga year-end adjustments sa inyong taxes, katulad ng karamihan na mga kaso, hindi na kailangang mag-file ng tax return. Gayunpaman, kapag mayroon kang isang part time na trabaho at kita ng higit sa 200,000 yen sa isang taon o kapag tumatanggap ka ng suweldo mula sa 2 o higit pang mga lugar, maaaring kailangan mong mag-file ng tax return. Bilang karagdagan, posibleng makatanggap ng refund (medical expenses deduction) sa pamamagitan ng pag-file ng isang tax return, tulad ng kapag ang gastos sa medikal ay lumagpas sa 100,000 yen sa isang taon. Sa video na ito, ipakilala namin ang kahalagahan ng tax return at lalo na ang mga punto kung saan dapat mag-ingat ang mga dayuhan. Ano ba ang tax return? Ang tax return ay isang pamamaraan ng pagkalkula ng income tax (income tax and reconstruction special income tax) at para malaman kung magkano ang buwis na dapat mong bayaran. Hindi lahat ng buwis ay awtomatikong binabawas. Sa ibang kaso, may mga pagkakaiba as pagitan ng halaga ng tax na nabayaran na, katulad ng withholding taxes, at mga tax na kailangan pang bayaran. Kaya, ang tax return form kasama ang mga kinakailangang dokumento tulad ng iba’t-ibang certificate, at nakolektang income at mga expenses na nagastos simula January 1 hanggang December 31 kada taon ay dapat na ideklara mula February 16 hanggang March 15 (ay magbabago sa Lunes kung sakaling ang petsa ay pumatak sa Sabado at Linggo). Sa paggawa nito, malalaman ang halaga ng buwis na dapat bayaran, at kung nagbayad ka ng labis, ibabalik ang buwis na sobra. Mga pangunahing kaso kung saan kinakailangang mag tax return Kung ang kumpanya na iyong pinagtatrabahuhan ay hindi nagawa ang year end adjustments para sa taxes. Kung ang income ay lumagpas sa limit Kapag nakakatanggap ng employment income mula sa overseas employer, na hindi cover ng withholding tax, atbp. Kung ang pangalawang kita tulad ng side job o part-time na trabaho ay lumampas sa 200,000 yen. Kung ang severance pay ay binabayaran ng isang dayuhang kumpanya, at iba pa, at walang income na na-withheld. Mga dokumentong kinakailangan para sa tax return Tax return form, i-download mula as Website of National Taxation Bureau o maaari mo itong makuha sa tax office. Mga dokumento na magpapatunay sa income tulad ng withholding slip My number card o My number notification card + Identification card (residence card, driver’s license atbp.) Iba’t-ibang certification documents na kailangan sa deduction Seal o sign atpb. Ang mga maaaring i-deduct Mayroong maraming mga deductible items sa tax return. Ngunit mayroong iba’t ibang mga kondisyon, halimbawa, kung ang kabuuan ng mga medikal na gastos (kasama ang nag file at dependent na pamilya) para sa isang taon ay lumagpas sa 100,000 yen, ang sobrang halaga ay itinakda bilang ” medical expenses deduction”, maaaring mabawasan ang mga ito mula sa halaga ng income. Bilang karagdagan, kung ang isang dayuhang mamamayan sa Japan ay nagpapadala ng pera upang suportahan ang isang pamilya na naninirahan sa ibang bansa, maghanda ng “dokumento ng kamag-anak” at “dokumento ng remittance” upang patunayan ang suporta at relasyon sa pinapadalhan. Sa paggawa nito, makakatanggap ng ‘dependent deduction ‘. Gayunpaman, kung ang mga dokumento ay nakasulat sa wikang banyaga, kinakailangan ang pagsasalin sa wikang Hapon. Bukod pa rito, para sa kita na nabuo sa labas ng Japan, kahit na ang pagbabayad ng buwis ay ginawa sa ibang bansa, ang mga taxable sa Japan ay maroon din na “Foreign Tax Deduction” na nagpapahintulot ng pag deduct sa fixed amount ng taxes para sa taxes na babayaran sa Japan *I-Click dito para sa higit pang mga detalye (Japanese only) Bukod sa mga ito, mayroong iba’t ibang mga deductions tulad ng “deduction para sa mga taong may kapansanan” at “social insurance fee deduction”. Kung nais mong matuto nang higit pa, mangyaring kumunsulta sa isang tax office o isang tax accountant, o kumunsulta sa site ng National Tax Agency. I-Click dito para sa higit pang mga detalye (Japanese only) Saan maaaring mag file ng tax return? Maaari kang mag file ng declaration sa mga declaration venue. I-Click dito para sa tax return filing venue ng taong 2018 (Japanese only) Sa venue, makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa tax return, kunsultasyon, at intsruksyon kung paano punan ang mga form. Malamang maraming mga tao ang nag-iisip na “hindi ko masyadong alam ang tungkol sa taxes” o “mukhang mahirap magfile ng taxes”, ngunit upang magbayad ng wastong buwis nang hindi labis o kaulang, kapag alam mo na kailangan mong mag-file para sa tax return at makatanggap ng deduction, paki-check at konsultahin ang mga eksperto. Maghanda tayo ng mga kinakailangang dokumento bago pa dumating ang deadline. Listahan ng mga tax offices as kada rehiyon ng Mie prefecture https://www.nta.go.jp/about/organization/nagoya/location/mie.htm *Kinakailangan ang reservation para sa konsultasyon sa tax office maliban sa ilang panahon tulad ng tax return filing period. *Ang konsultasyon sa tax office ay sa wikang Japanese lamang. Kung ikaw ay isang banyagang residente na hindi makapagsalita ng wikang Hapon, mangyaring dalhin ang isang tao na maaaring magpaliwanag para sa iyo. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp