Mga dayuhang residente na aktibo sa komunidad patungo sa lipunan ng multicultural symbiosis

多文化共生社会に向けて地域社会で活躍する外国人住民

2018/12/27 Thursday Impormasyon

Habang ang lahat ay may kanya-kanyang paniniwala at kultura, maraming mga tao na naninirahan bilang isang residente at mga taong nagsisikap na aktibong maka-adopt sa kultura , kaugalian, pamumuhay,at wika ng Japan, at aktibo sa komunidad bilang miyembro ng lipunan.

Kabilang sa mga dayuhang naninirahan na ipapakilala sa pagkakataong ito, nakipag-usap kami sa dalawang tao na mula sa China at Brazil at aktibong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad.

Uma nating makakapanayam si Son san na isang mag-aaral na nagtapos sa Mie University at isang kinatawan ng isang pangkat ng internasyonal na mag-aaral na Chinese na tinatawag na “Gakuyu-kai”, ito ay tungkol sa internasyonal na palitan at karanasan na nakikilahok sa mga aktibidad na patuloy sa lugar.

Interview – Son – Nicchu Gakuyū-kai

A: Ngayong taon minarkahan ang ika-40 na anibersaryo ng Japan – China Friendship Peace Treaty, kami ay lumahok sa event na tinatawag na “Chiji to Hanasou”, na layuning makipag-usap sa gobernador, na may suporta ng Japan – China Friendship Association, ang Office Mie Prefectural Government at ang aming grupo.

Tatlong estudyanteng Japanese at tatlong estudyanteng Chinese ng Mie University ang nakipag-ugnayan sa Gobernador ng Mie at nagsalita tungkol sa kanilang mga saloobin sa Prepektura ng Mie.

Sa bandang huli, bilang isang embahador ng mag-aaral, ang mga international student at mga Japanese student ay nagpanukala na magpatuloy na mapayapa at magiliw na relasyon as bawat isa sa youth oriented independent na paraan.

Mayroon ding “Wai Wai Gaya Gaya Festa” na ginaganap tuwing taon sa lungsod ng Tsu. Sa taon na ito ay ginanap noong ika-11 ng Nobyembre, nagkaroon ng pop-up booth sa lungsod. Sumasali kami palagi bawat taon. Mayroon din mga opera, katutubong sayaw atbp.

Sa iba pang aktibidad, nilinis namin ang beach na malapit as aming paaaralan at pagkatapos ng paglilinis, tumatanggap kami ng isda at iba pa mula sa mga lokal na mangingisda.

Q: Ano ang mahalaga para sa Mie Prefecture upang maging isang mas multicultural symbiosis na lipunan?

A: Nagtuturo ako ng Chinese sa foreign language classroom ng Japan – China Friendship Association. Ang ilan sa aking mga estudyante ay nakikilahok sa isang chinese speech contest, ito ay isang paligsahan sa pagsasalita ng chinese kung saan ang mga nilalaman ng speech ay tungkol sa multicultural symbiosis.

Narinig ng isa sa aking mag-aaral na Japanese na may isang Chinese na babae na lilipat as kanyang klase, noong una hindi siya interesado dahil sa isip niya ay hindi naman sila magiging magkaibigan. Gayunpaman, nang dumating ang mag-aaral na transfer, naging mabuting kaibigan sila. Ang unang paniniwala na magiging mahirap na makasama ang isang dayuhan ay hindi tama. Natutunan ng estudyante ko ang kahalagahan ng pasuot ng isang makulay na glasses upang hindi makita ang mga dayuhan na iba.

Kung ikaw ay nagtatayo ng isang mas mahusay na diverse na lipunan, ang pangunahing punto ay ang makinig, tignan at danasin. Mahalaga na aktwal na makipag-ugnayan sa mga dayuhan. Sa paggawa nito, ang mga tao sa iba’t ibang bansa ay maaaring magkaroon ng pag-unawa sa isa’t isa.

At sa huli, nakapanayam namin si Sai na nanirahan sa Mie Prefecture sa loob ng 20 taon. Siya ay nakapagtapos ng pagaaral sa Mie University. Siya ay nagsalita tungkol sa mga even na kanyang sinalihan sa lugar at tungkol sa relasyon sa paaralan.

Interview – Mrs. Sai

A: Ang aming mga anak ay nakikilahok sa mga asosasyon ng mga lokal na bata. Ang lahat ng mga magulang din sunud-sunod nanpapaplano at nakikilahok sa mga aktibidad.

Bawat taon, may mga welcome party para sa mga bagong mag-aaral, koleksyon ng mga scrap sa tagsibol at taglagas, mga trips kasama ang pamilya sa tag-init, at may bowling competition na ginaganap sa taglamig.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad, ang mga bata ay nagkakaroon ng higit na komunikasyon sa mga bata na may iba’t ibang mga background at ang pakikipag-relasyon ay lalong lumalalim. Dahil ang mga magulang ay mayroon ding mga activities, ang mga magulang ay nage-enjoy din habang ang mga bata ay may isang masayang karanasan. May isang malaking event ng kompetisyon sa sports bawat taon sa aming lugar. Ang aming mga anak ay aktibong nakikilahok. Kung pinili nila na maging isang manlalaro, ginagawa nila ang kanilang pinakamahusay at nagsusumikap kasama ang kanilang team members.

Ako ay masuwerteng nakalahok sa aktibidad na ito. Nagsisilbi rin ako bilang isang miyembro ng headquarters ng PTA at sumasali sa mga aktibidad sa mga magulang at bata. Ito ay isang mas mahusay na paraan upang maunawaan ang istraktura ng paaralan, malaman kung ano ang sitwasyon ng iyong anak sa paaralan, at magkaroon ng isang mahusay na exchange sa guro. Kaya ito ay isang magandang bagay para sa akin. Nakatanggap ako ng isang magandang pagkakataon upang maging isang miyembro ng lipunan (sa pamamagitan ng pakikilahok sa PTA).

Q: Mayroon ka bang mga pagkakataon upang makasalamuha ang mga Hapon maliban pa sa mga asosasyon ng bata at PTA? At paano ka nakikipag-ugnayan?

A: Oo, Marami. Ako ay nakikipag-usap sa iba kong kapwa nanay. Kumakain kami as labas ng magkasama, pinag-uusapan ang sitwasyon ng mga bata at ang sitwasyon ng paaralan. Nag-iimbita rin ng iba pang mga nanay sa bahay, ginagawa namin ang aming sariling mga espesyal na pagkain at pinagsasaluhan ito. Napakasaya namin pag ganon.

At isa pa, ang relasyon sa mga kapitbahay ay napakahusay din. Ang aking mga kapitbahay ay madalas na nagbabahagi ng masarap na mga bagay na ginawa nila at magdadala ako ng masarap na mga bagay na ginawa ko.

Mayroon kaming music school sa bahay. Bukod sa pakikipagpalitan ng musika, may mga new year’s party kami kada taon at iba pang parties katulad ng cherry-blossom viewing at barbecue bawat taon kung saan nagpapatuloy ang exchange as bawat isa.

Lalo na noong 2011, nagkaroon kami ng charity concert upang matulungan ang kakatapos lang na Great East Japan Earthquake. Pagkatapos nito, pinagpatuloy namin ng 2 hanggang 3 taon, dinala ko ang pera na kinita ng charity concert at ang nakolekta na donasyon sa mga apektadong lugar ng Tohoku ng personal. Nagsagawa kami ng concert sa mga lokal na parke at mga pampublikong bulwagan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, sa palagay ko ay napakahalaga para sa amin na makapag salamuha sa isang malawak na hanay, hindi lang sa maliit na hanay ng aming lugar kung saan ako nakatira.

Napakahalaga para sa atin na makabuo ng isang lipunan ng multicultural symbiosis sa pamamagitan ng pag-alam sa pagkakaiba ng bawat isa at kahalagahan ng komunikasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad.

Ang pagpapalakas ng exchange sa loob ng mga komunidad ay humahantong sa paglikha ng isang klima kung saan ang mga naninirahang Japanese at mga dayuhang residente ay maaaring maunawaan ang iba’t ibang mga kaugalian at opinyon at paggalang sa pagkakaiba-iba ng lahat. Bigyan ang mga tao ng mga pagkakataon upang aktibong makipag-ugnay sa mga locals at sa mga taong may iba’t ibang pinagmulan upang bumuo ng lipunan na magkakasama bilang mga lokal na residente.

Pagpapakilala ng mga events sa katapusan ng taon at bagong taon simula 2018 hanggang 2019

2018/12/27 Thursday Impormasyon

2018~2019年 年末年始のイベントの紹介

Ipapakilala namin ang mga events na naka-iskedyul para sa mga pistang opisyal ng Bagong Taon. Halina’t lumabas kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.

* Ang iskedyul, bayad atbp ay maaaring magbago. Kung kailangan mo ng detalyadong impormasyon, pakitingnan ang homepage o contact address. (Japanese only)

Nagashima Spa Land Countdown New Year’s Party

Ito ang pinakamalaking countdown event sa Tokai area. May live na countdown sa na pangungunahan ng mga sikat na artist, all-you-can-ride na attractions, at maaari ring pumasok sa hot spring! Mayroon ding mga fireworks upang ipagdiwang ang Bagong Taon

Petsa at oras: Disyembre 31, 2018 (Lunes) 20: 00 – Enero 1, 2019 (Miyerkules) 3:00

Address: Nagashima Spa Land(Kuwana-shi Nagashima-cho Urayasu 333)

Mga Rate at Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_39628.html

Countdown Official Page→click here

Contact address: 0594-45-1111

Takada Honzan Senshuuji Houonku (Oshichiya)

Ang Takada Honzan Senshuuji ay itinalaga bilang pambansang kayamanan sa 2017, maaari mong maabot ang Joya no Kane o ang Night Bell ng Bagong Taon sa Bisperas ng Bagong Taon (Disyembre 31) (May limitasyon sa bilang ng mga tao). Sa “Oshichiya” sa ika-9 ng Enero – ika-16, china-chant ang Vol. 7 ng “Hoke-kyo Sutra” (ang Lotus Sutra), at ang mga stalls ay naka-linya sa nakapalibot na Jinai-cho kung saan maraming tao ang nagtitipon.

Petsa: Enero 9, 2019 (Linggo) – Enero 16, 2019 (Linggo)

Address: Takada Honzan Senjuuji ( Tsu-shi Ishinden-cho 2819)

Bayad: Libre

Mga Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_34902.html

Contact info: 059-232-7234

Mokumoku no Oshougatsu

Mayroong maraming mga events, kabilang ang pagguhit ng ema (votive picture tablet ng isang kabayo), rice cake making, rice cake wrapping, spinning tops battle championship! Mayroon ding events ng Japanese art / Japanese drum at isang mini-pig show

Petsa: Enero 2, 2019 (Miyerkules) – Enero 6, 2019 (Araw)

Address: Iga no Sato Mokumoku tedzukuri farm (Iga-shi Nishi Yubune 3609)

Bayad: Ang bayad sa entrance ay 500 yen (Kinakailangan ang ilang karagdagang bayad depende sa event)

Mga Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_13407.html

Contact Info: 0595-43-0909

Bell farm no Tanoshii Oshougatsu

May mga traditional Japanese play events tulad ng kite flying, (sa loob lamang ng 2 araw, makakansela kapag nag snow / malakas na hanging), Kendama, spinning top, mayroon din mga aktibidad tulad ng cake making experience (may bayad) kung saan ang mga elementary school at mas mababang edad ay maaaring sumali. Magbebenta din ng Matsusaka beef gourmet.

Petsa: Enero 2, 2019 (Miyerkules), Huwebes 3 (Huwebes)

Address: Matsuzakashi Nogyo Koen Bell Farm (Matsusaka-shi Ise Dera machi 551 – 3)

Bayad: Libre (may bayad ang iba)

Mga Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_39688.html

Contact Info: 0598-63-0050

Isejingu Hatsumairi Park at Bus Ride Traffic Regulation

Ang trapik ay inaasahan sa paligid ng Ise Jingu sa mga official event ng Bagong Taon. Bilang isang countermeasure laban sa kasikipan ng trapiko, nag-set up kami ng isang pansamantalang parking lot sa paligid ng Ken’ei San Arena, at gagamitin ang shuttle bus papunta sa Ise Shrine gateway inner parking lot. Dahil magbabago ang oras depende sa araw, mangyaring mag-ingat.

Para sa mga detalye, pakibisita ang homepage ng “Rakuraku Ise Moude.”

Transportation Information (Japanese): http://www.rakurakuise.jp/content/regulation.php

Homepage: http://www.rakurakuise.jp/en

Nenmatsu kii Nagashima Minato Ichi

Humigit-kumulang na 80 booths ang magbubukas, na magbebenta ng mura at sariwang seafood at mga espesyal na produkto ng Kihoku-cho. Mayroon ding isang libreng booth kung saan maaaring mag-ihaw at kainin ang iyong binili sa lugar. Ang pang-araw-araw na event tulad ng tuna filleting show ay gaganapin.

Petsa at oras: Disyembre 21, 2018 (Biyernes) – Disyembre 30, 2018 (Linggo) 09: 00-14: 00

Address: Nagashimako-nai Tokusetsu Kaijo (Kitamuro-gun  Kihoku-chō  Kiinagashima-ku)

Bayad: Libre ang pagpasok

Mga Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_17460.html

Contact Info: 090-4865-5303

Toba WanAgo Wan Hatsuhi no de Cruise

Gamit ang isang espesyal na cruise upang masilayan ang pagsikat ng araw sa karagatan, maaari kang kumuha ng mga larawan ng magandang dagat sa Bagong Taon. Magse-serve din ng Miki sake.

Petsa at oras: Enero 1, 2019 (Miyerkules) 06: 30 ~

Lugar ng Departure: Toba-wan Cruise Toba Marine Terminal (Toba-shi Toba 1 – 2383 – 51)

Ago-wan Cruise Kashikojima-ko (Shima-shi Ago-cho Shinmei 752 – 11)

Mga Rate at Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_7040.html

Toba-wan Cruise official page→click here

Ago-wan Cruise official page →click here

Contact Info: Toba-wan Cruise 0599-25-3145

Ago-wan Cruise 0599-43-1023