Emergency Assistance Training para sa mga Dayuhan

災害時外国人支援のための図上訓練の参加者を募集します

2019/12/23 Monday Seminar at mga events

Magbibigay kami ng impormasyon sa mga dayuhan na naapektuhan ng kalamidad at magsasagawa ng pagsasanay upang malaman kung paano tumugon nang praktikal.  Kung interesado kang tumulong sa mga dayuhan sa panahon ng isang sakuna, mangyaring mag-apply.

  1. Petsa: January 26, 2020 (Linggo) – 1:30 pm hanggang 4:30 pm
  2. Lugar: Mie Kenmin Koryu Center Information and Event Venue at UST Tsu 3F
    (Tsu-shi Hadokoro-cho 700)
  3. Nilalaman:
    1 – Lecture: Tulong sa mga dayuhang residente kung sakaling bumaha
    2 – Practical Lesson: Management Training at Pagtatag ng Multilingual Natural Disaster Relief Center sa Mie
    * Walang itong translators.  Lahat ng nilalaman ay ituturo sa wikang Hapones.
  4. Target Audience: Government representatives, disaster prevention specialists, provincial citizens na interesado na tulungan ang mga dayuhan kung sakaling may mga sakuna, atbp.
  5. Kapasidad: humigit-kumulang 40 katao
  6. Participation Fee: Libre
  7. Punan ang mga kinakailangang item sa form ng application at ipadala sa pamamagitan ng FAX, email o mail.
    I-click dito upang buksan ang signup flyer.
  8. Application Deadline: January 17, 2020 (Biyernes)
    * Kung naabot na ang kapasidad, maaaring magsara ang  aplikasyon kahit bago pa ang deadline ng aplikasyon.
  9. Makipag-ugnayan sa
    Mie International Exchange Foundation (MIEF)
    Person in charge: Uehara at Ikari
    Address: Tsu-shi Hadokoro-cho 700 (UST Tsu 3F)
    TEL: 059-223-5006
    FAX: 059-223-5007
    E-mail: mief@mief.or.jp

Year-end at New Year holidays sa Ise Shrine – Paalala tungkol sa trafic control ng Park & ​​Bus Ride (2019 – 2020)

2019/12/23 Monday Seminar at mga events

年末年始 伊勢神宮 初参り パーク&バスライド、交通規制のお知らせ(2019~2020)

Inaasahan na magiging ma-traffick sa paligid ng Ise Jingu tuwing holidays ng bagong taon.

Bilang isang countermeasure laban sa pagbigat ng daloy ng traffic, maglalagay ng karagdagang parking lot sa paligid ng prefectural managed na San Arena, at mago-operate ng shuttle bus mula sa Ise Shrine hanggang sa loob ng B parking lot. Paalala lang na ang oras ay maaaring magbago depende sa araw.

Kahit na libre ang shuttle bus, ang parking rental fee na 1,000 yen ay kailangang bayaran sa kada isang sasakyan. Mangyaring ipakita ang resibo ng parking fee sa clerk tuwing sasakay ng bus.

Temporaryong parking lot

Sa paligid ng Mie Peefectural San Arena

〒516-0021 Mie Ken Ise Shi Asama Cho Kamodani 4383-4 (Bumaba sa “Asama Higashi IC” ng Ise Futami Toba Line)

Schedule ng shuttle bus

December 31, 2019 (Martes) 10:00pm ~ January 1, 2020 (Miyerkules) 4:00pm
January 2 (Huwebes) ~ January 4 (Sabado), 2020 – 9:00am ~ 4:00pm
January 11 (Sabado) to January 12 (Linggo), 2020 – 9:00am ~ 4:00pm

*Last trip ng Shuttle Bus (sa paligid ng Shrine at sa loob) 6:30pm
*Ang Omoiyari shuttle bus ay mago-operate galing sa loob ng shrine B2 hanggang Ujibashi Bashi.

Ang mga pwedeng gumamit ng Park & ​​Bus Ride ay ang mga sumusunod na bilang 1-4:

1. Mga matatanda (over 75 years old)
2. Mga taong may kapansanan
3. Mga nagdadalang tao
4. Ang mga tagapag-alaga at mga pamilya ng mga nabanggit sa itaas na numbers 1-3.

Regulasyong pantrapiko

Sa oras ng park & ​​bus ride, dahil sa exit regulation, ang mga general passenger na mga sasakyan ay hindi pwedeng lumabas sa Ise west IC · Ise IC (maaaring makapasok sa entrance).

On January 5, 2020, and on weekends and holidays between January 13 ~ February 2, the Ise Nishi IC will be restricted on 9:00am to 3:00pm.

Bukod pa dito, sa January 5 at Sabado, Linggo at holidays sa January 13 hanggang February 2, ng 9:00am hanggang 3:00pm, ay babaguhin din ang lugar ng exit sa Ise Nishi IC.

Para sa iba pang detalye, tignan ang homepage.

Impormasyon sa traffic (Japanese only): http://www.rakurakuise.jp/content/regulation.php

English Homepage: http://www.rakurakuise.jp/en