2019/12/20 Biyernes Mie Info
Kultura at Libangan
年末年始 伊勢神宮 初参り パーク&バスライド、交通規制のお知らせ(2019~2020)
Inaasahan na magiging ma-traffick sa paligid ng Ise Jingu tuwing holidays ng bagong taon.
Bilang isang countermeasure laban sa pagbigat ng daloy ng traffic, maglalagay ng karagdagang parking lot sa paligid ng prefectural managed na San Arena, at mago-operate ng shuttle bus mula sa Ise Shrine hanggang sa loob ng B parking lot. Paalala lang na ang oras ay maaaring magbago depende sa araw.
Kahit na libre ang shuttle bus, ang parking rental fee na 1,000 yen ay kailangang bayaran sa kada isang sasakyan. Mangyaring ipakita ang resibo ng parking fee sa clerk tuwing sasakay ng bus.
Temporaryong parking lot
Sa paligid ng Mie Peefectural San Arena
〒516-0021 Mie Ken Ise Shi Asama Cho Kamodani 4383-4 (Bumaba sa “Asama Higashi IC” ng Ise Futami Toba Line)
Schedule ng shuttle bus
December 31, 2019 (Martes) 10:00pm ~ January 1, 2020 (Miyerkules) 4:00pm
January 2 (Huwebes) ~ January 4 (Sabado), 2020 – 9:00am ~ 4:00pm
January 11 (Sabado) to January 12 (Linggo), 2020 – 9:00am ~ 4:00pm
*Last trip ng Shuttle Bus (sa paligid ng Shrine at sa loob) 6:30pm
*Ang Omoiyari shuttle bus ay mago-operate galing sa loob ng shrine B2 hanggang Ujibashi Bashi.
Ang mga pwedeng gumamit ng Park & Bus Ride ay ang mga sumusunod na bilang 1-4:
1. Mga matatanda (over 75 years old)
2. Mga taong may kapansanan
3. Mga nagdadalang tao
4. Ang mga tagapag-alaga at mga pamilya ng mga nabanggit sa itaas na numbers 1-3.
Regulasyong pantrapiko
Sa oras ng park & bus ride, dahil sa exit regulation, ang mga general passenger na mga sasakyan ay hindi pwedeng lumabas sa Ise west IC · Ise IC (maaaring makapasok sa entrance).
On January 5, 2020, and on weekends and holidays between January 13 ~ February 2, the Ise Nishi IC will be restricted on 9:00am to 3:00pm.
Bukod pa dito, sa January 5 at Sabado, Linggo at holidays sa January 13 hanggang February 2, ng 9:00am hanggang 3:00pm, ay babaguhin din ang lugar ng exit sa Ise Nishi IC.
Para sa iba pang detalye, tignan ang homepage.
Impormasyon sa traffic (Japanese only): http://www.rakurakuise.jp/content/regulation.php
English Homepage: http://www.rakurakuise.jp/en
2020/11/03 Martes
2020/08/05 Miyerkules
2019/06/18 Martes
2017/02/07 Martes
2015/04/21 Martes