Hinihiling ng Mie Prefecture ang Inyong Pakikipagtulungan sa Pagsagot ng isang Questionnaire tungkol sa Mga Panggabing Klase para sa Mga Matanda (Yakan Chugaku) 夜間中学(やかんちゅうがく)についてのアンケート(あんけーと)に協力(きょうりょく)してください Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2020/01/06 Monday Edukasyon Ang Komite ng Edukasyon ng Mie (Mie-ken Kyouiku Iinkai) ay naghahanap kung may mga taong nais mag-aral ng edukasyon sa gabi (yakan kyouiku). Hinihiling ng lalawigan ang mga makakabasa nito na makipagtulungan sa pagsagot ng questionnaire. < Narito ang questionnaire para sa mga nais mag-aral sa mga panggabing klase (yakan chugaku)> Português Spanish Filipino Chinese English Japanese Korean Vietnamese < Questionnaire para sa mga may kakilalang gustong makapag aral as panggabing klase (yakan chugaku)> Questionnaire para sa mga interesado * Para lamang sa mga taong nakatira sa Mie Prefecture. * Ang deadline para sa pagsagot ng questionnaire ay sa Pebrero 14, 2020. * Kung wala kang access sa internet, mangyaring tawagan ang contact sa ibaba. <Ano ang panggabing klase (yakan chugaku)> Ito ang mga paaralan na may mga klase sa gabi para sa mga taong hindi nakumpleto ang kanilang highschool na edukasyon (chugakko). Maaari silang mag-aral pagkatapos ng trabaho o pagkatapos ng kanilang gawaing bahay. Sa kasalukuyan walang mga klase sa gabi sa Mie. Makipag-ugnayan sa Mie Education Committee Office (Mie-ken Kyouiku Iinkai) – Shochugakko Kyouiku-ka Shouchugakkyo Kyouiku-han 〒514-8570 Tsu-shi Komei-cho 13 (7th floor) TEL: 059-224-2963 FAX: 059-224-3023 E-mail: gakokyo@pref.mie.lg.jp HP: http://www.pref.mie.lg.jp/GAKOKYO/HP/m0205100062.htm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Emergency Assistance Training para sa mga Dayuhan (Enero/2020) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura » ↑↑ Next Information ↑↑ Emergency Assistance Training para sa mga Dayuhan 2020/01/06 Monday Edukasyon 災害時外国人支援のための図上訓練の参加者を募集します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Magbibigay kami ng impormasyon sa mga dayuhan na naapektuhan ng kalamidad at magsasagawa ng pagsasanay upang malaman kung paano tumugon nang praktikal. Kung interesado kang tumulong sa mga dayuhan sa panahon ng isang sakuna, mangyaring mag-apply. Petsa: January 26, 2020 (Linggo) – 1:30 pm hanggang 4:30 pm Lugar: Mie Kenmin Koryu Center Information and Event Venue at UST Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Nilalaman: 1 – Lecture: Tulong sa mga dayuhang residente kung sakaling bumaha 2 – Practical Lesson: Management Training at Pagtatag ng Multilingual Natural Disaster Relief Center sa Mie * Walang itong translators. Lahat ng nilalaman ay ituturo sa wikang Hapones. Target Audience: Government representatives, disaster prevention specialists, provincial citizens na interesado na tulungan ang mga dayuhan kung sakaling may mga sakuna, atbp. Kapasidad: humigit-kumulang 40 katao Participation Fee: Libre Punan ang mga kinakailangang item sa form ng application at ipadala sa pamamagitan ng FAX, email o mail. I-click dito upang buksan ang signup flyer. Application Deadline: January 17, 2020 (Biyernes) * Kung naabot na ang kapasidad, maaaring magsara ang aplikasyon kahit bago pa ang deadline ng aplikasyon. Makipag-ugnayan sa Mie International Exchange Foundation (MIEF) Person in charge: Uehara at Ikari Address: Tsu-shi Hadokoro-cho 700 (UST Tsu 3F) TEL: 059-223-5006 FAX: 059-223-5007 E-mail: mief@mief.or.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp