Challenger’s Awards 2018

チャレンジャーズ・アワード2018

2018/07/27 Friday Seminar at mga events

Naghahanap kami ng participants para sa “Challengers Award 2018” upang maparangalan at masuportahan ang iba’t-ibang mga “challenges” na hinaharap ng mga babaeng nagta-trabaho sa Mie Prefecture.

Kahit anong uri ng okupasyon at kahit gaano man kalaki o kaliit ang industriya ng trabaho, mangyaring ibahagi saamin ang challenges na inyong nararanasan sa inyong kapaligiran.

  1. Kwalipikasyon sa pagsali
    1. Mga babaeng nagta-trabaho sa Mie Prefecture na nakakaranas ng kung anong challenge sa trabaho.
    2. Kapag napili bilang finalist, posibleng makasali sa “Challengers Award 2018” bilang isang parte ng “Mie no Kagayaku Joshi Forum 2018” na gaganapin sa Oktubre 25, 2018 (Huwebes) sa Matsusaka City.
    3. Kayang makapag-participate sa training na gaganapin para sa presentasyon sa forum (Setyembre 29 (Sabado) mula 1:30 pm hanggang 4pm, Oktubre 8 (Lunes · Holiday) mula 10am hanggang 4pm (gaganapin sa Tsu City)
    4. Hindi tumatanggap ng personal-recommendation o iba pang rekomendasyon. Kung nais mong magrekomenda ng ibang tao, mangyaring kumuha ng pag-apruba muna bago isumite ang entry.
    5. Hindi mahalaga kung ano ang nasyonalidad, lugar ng tirahan o edad.
      *Ang mga entry, pagsasanay, mga presentasyon atbp ay isasagaw sa wikang Hapones lamang.
  2. Entry period
    Agosto 31, 2018 hanggang 5pm
  3. Paraan ng pagsali
    Mag fill-up at i-submit ang entry form na nasa link sa ibaba:
    https://mie-w.com/awardform1
    Kapag ibang tao ang gustong inominate:
    https://mie-w.com/awardform2
  4. Tungkol sa qualifying round
    1. Ayon sa selection committee, pagkatapos na masusing suriin ang mga dokumento ay pipili ng 10 finalist.
    2. Ang resulta ng preliminary na pagsusuri ay indibiduwal na ipapaalam mula sa Setyembre 15 (Sabado).
      Para sa mga finalist, mabibigyan ng presentasyon sa “Challengers Award 2018” na kung saan ito ay parte ng “Mie no Kagayaku Joshi Forum 2018”, at magde-desisyon ang judging committee kung sino ang mananalo sa mismong araw.
  5. Mga awards at pa-premyo
    1. Mie Model Award (1 person) Mabibigyan ng Award Certificate, cash prize na ¥300.000.
    2. Audience Award (1 person) Mabibigyan ng Certificate of Recognition at ¥100.000 cash prize
      *Magbibigay din ng prizes ang ibang mga sponsors
  6. Makipag-ugnayan sa
    Mie no Kagayaku JoshiForum 2017 Management Secretariat (Awards representative: E Presence Co., Ltd.)
    E-mail:award@mie-w.com  TEL: 059-336-4002

Para sa detalye at iba pang recruitment, tignan ang homepage: https://mie-w.com/award (Japanese only)

Paghahanda para sa baha at sediment-related disaster

2018/07/27 Friday Seminar at mga events

水害・土砂災害に備えよう!

May humigit-kumulang na 1,000 na mga sediment-related disasters ang nangyayari taun-taon sa iba’t ibang lugar sa Japan. Kapag may malakas na pag-ulan o bagyo, mahalaga na kumuha ng weather information at impormasyon ng evacuation mula sa TV, radyo, internet, at iba pa at maghanda para sa paglisan sa lalong madaling panahon.

Upang malaman ang kahulugan ng impormasyon sa evacuation at impormasyon ng paghahanda para sa evacuation, pakitingnan ang sumusunod na URL.

http://mieinfo.com/tl/video-tg/kurso-tungkol-sa-kalamidad/tayoy-maghanda-sa-paglisan-kapag-may-sakuna/index.html

  • Mga puntos na dapat isaalang-alang kapag may inaasahang pinsala sa baha
    • Huwag gamitin ang elevator
    • Huwag tumakbo sa basement
    • Dahil ang evacuation sa gabi ay mapanganib, lumikas sa lalong madaling panahon
  • Mga puntos na dapat isaalang-alang kapag may inaasahang sediment-related disaster
    • Kolektahin ang weather information at impormasyon ng evacuation at pag-desisyon sa pag-evacuate
    • Mag-desisyon sa pag-evacuate sa pagtingin ng mga senyales ng sediment-related disaster (http://www.bosaimie.jp/static/X_MIE_nd000)
  • IMPORTANTE
    • Kung sa tingin mo ay may panganib, mabilis na lumayo
    • Kapag hindi ka maaaring pumunta sa labas, lumikas sa mataas na lugar tulad ng pinakamataas na palapag ng gusali at maghintay ng tulong
    • Matapos ang paglisan, huwag bumalik sa bahay at iba pa hanggang sa makumpirma ang kaligtasan

Reference

Bosai Mie (Portuguese, Spanish, English, Chinese, Korean)

http://www.bosaimie.jp/X_MIE_PUB_VF_index

English: http://www.bosaimie.jp/static/X_MIE_en_nd000