Paano magsagawa ng emergency na tawag 警察・救急車・消防の呼び方がわかりますか Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/08/01 Wednesday Araw-araw na Pamumuhay at Batas Alam mo ba kung paano tumawag ng ambulansya, bumbero o kung paano makipag-ugnayan sa pulisya kung bigla kang magkasakit, makaranas ng sunog o aksidente? Upang maprotektahan ang iyong pamilya, kabilang ang iyong sarili, napakahalaga na malaman muna kung saan at kung paano makipag-ugnayan tuwing magka-emergency. Sa video na ito, ipapakita namin sa inyo kung paano ang tamang paghatid ng impormasyon sa pulisya at bumbero tuwing magkakaroon ng emergency. Numero ng telepono na pang-emergency Ang mga numero na pang-emergency ay ayon sa sumusunod na limang mga sitwasyon. Available ang lahat ng 24 na oras. Sa kaso ng aksidente sa trapiko: 110 (pulisya) Sa kaso ng krimen / insidente: 110 (pulisya) Kapag kailangan mo ng ambulansiya, tulad ng biglaang pagkakasakit o masugatan: 119 (bumbero) Para sa sunog: 119 (bumbero) Sa kaso ng aksidente sa dagat: 118 (Coast Guard) Mga pantawag na maaaring magamit sa pang-emergency Para sa mga numerong 110 (pulisya) at 119 (kagawaran ng bumbero) maaari kang tumawag mula sa pampublikong telepono, landline, mobile phone, o PHS. Kapag naman sa pampublikong telepono, maaari mong pindutin ang “emergency call button”, hindi kailangan ng barya o card. Iangat ang handset, pindutin ang pulang “emergency call button”, pagkatapos ay i-dial ang “119” “110”. Pulisya: 110 daloy ng tawag Kapag magre-report sa pulisya, tumawag sa numerong 110 (Hyakutouban) Itatanong ng pulisya ang mga sumusunod na katanungan, mangyaring manatiling kalmado at sagutin. Anata wa nanigo wo hanashimasuka? (Anong language ang gamit mo?) Jikendesu ka? Jikodesu ka? Nanika arimashita ka? (Ito ba’y isang insidente? Ito ba’y isang aksidente? Anong nangyari?) Kega wa arimasu ka? (Nasugatan ka ba?) Basho wa doko desuka? (Saan ba ang lugar?) Itsu okimashitaka? (Kailan ito nangyari?) Hannin o miemashitaka? (Nakita mo ba ang suspek?) Ima dou natteimasuka? (Ano na ang nangyayari ngayon?) Anata no namae o oshiete kudasai (Pakisabi ang iyong pangalan) Kung ikaw ay nasangkot sa isang aksidente sa trapiko, naging biktima ng snatching o pagnanakaw, pati na rin ng karahasan, stalking, harrasments mula sa mga gangs, at iba pa, mangyaring kumunsulta sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa lalong madaling panahon. Kung ito ay isang emergency, tumawag sa 110. Bumbero: 119 daloy ng tawag Kapag magre-report sa bumbero, tumawag sa 119 (Hyaku jukyu ban). Kapag naka-dial ka sa 119, ang opisyal ay magtatanong sa iyo ng ilang mga katanungan. Mangyaring huwag mag-panic, manatiling kalmado at sagutin ang mga tanong. Bumbero Caller 119 fire department. Ito ba’y sunog? Ito ba’y isang emergency? Sunog po Paki-sabi ang address. Ang address ay ○○cho 1-chome 2-ban 3-go. May mga palatandaan ba sa paligid (madaling mapansn na building)? Katabi siya ng library. Ano ang nasusunog? Yung bahay ko ang nasusunog, yung katabi ng library. Anong pangalan mo at kasalukuyang gamit na phone number. Ang pangalan ko ay Shobo Hanako, ang number ko ay 123-4567. Ok, papunta na kami dyan. Ok ka lang ba? Mag-evacuate ka sa mas safe na lugar. Ok, po. Sa panahon ng sunog at emerhensiya, ang sasakyan na kanilang ipapadala ay iba. Sa kaso ng sunog, malinaw na magsabing “kaji desu.” Sa kaso ng sakit o pinsala, malinaw na magsabing “kinkyu desu.” Depende sa magnitude ng sunog o aksidente, maaari silang magpadala ng karagdagang ladder car o isang rescue vehicle. Hangga’t maaari sabihin ang sitwasyon ng sunog at aksidente ng tumpak at madaling maunawaan. Pagkatapos maipadala ang sasakyan, maaari silang tumawag muli. Mangyaring huwag patayin ang telepono na ginamit mo sa pag-report. Mga puntos na dapat tandaan kapag magre-report Sa kaso ng emerhensiya, krimen, sunog, aksidente sa trapiko o pagnanakaw, tawagan ang emergency number nang mahinahon at huwag mag-panic. Kapag nag-report at hindi alam ang address ng iyong kasalukuyang lokasyon, maaaring tumagal ng ilang oras bago dumating ang mga pulis at mga bumbero. Hangga’t maari ibigay ang tamang address at ipaliwanag ang sitwasyon. Gayundin, kung ipaalam mo sa kanila ang palatandaang mga gusali at direksyon tulad ng “Ito ay ○ ○ ng ○ ○ paaralan”, magiging madali itong maunawaan. Sa kasalukuyan, ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at departamento ng bumbero ay nasa wikang Hapon lamang. Kapag magre-report, mahalaga na makipag-usap nang malinaw at sabihin kung saan at ano ang nangyari. Kung hindi ka makapagsalita ng wikang Hapon, humingi ng tulong sa mga taong maaaring makipag-usap as wikang Hapon. Ang mga tawag na pang-emergency (110 at 119) ay mga numero para humingi ng tulong sa kaso ng emerhensiya. Mangyaring huwag gamitin ito para sa mga konsultasyon at mga katanungan. * Sanggunian * https://www.police.pref.mie.jp/index.php http://www.pref.mie.lg.jp/D1BOUSAI/17168007955.htm http://www.fdma.go.jp/html/life/tel.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Challenger’s Awards 2018 Mga inirerekomendang libangan sa Mie! » ↑↑ Next Information ↑↑ Challenger’s Awards 2018 2018/08/01 Wednesday Araw-araw na Pamumuhay at Batas チャレンジャーズ・アワード2018 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Naghahanap kami ng participants para sa “Challengers Award 2018” upang maparangalan at masuportahan ang iba’t-ibang mga “challenges” na hinaharap ng mga babaeng nagta-trabaho sa Mie Prefecture. Kahit anong uri ng okupasyon at kahit gaano man kalaki o kaliit ang industriya ng trabaho, mangyaring ibahagi saamin ang challenges na inyong nararanasan sa inyong kapaligiran. Kwalipikasyon sa pagsali Mga babaeng nagta-trabaho sa Mie Prefecture na nakakaranas ng kung anong challenge sa trabaho. Kapag napili bilang finalist, posibleng makasali sa “Challengers Award 2018” bilang isang parte ng “Mie no Kagayaku Joshi Forum 2018” na gaganapin sa Oktubre 25, 2018 (Huwebes) sa Matsusaka City. Kayang makapag-participate sa training na gaganapin para sa presentasyon sa forum (Setyembre 29 (Sabado) mula 1:30 pm hanggang 4pm, Oktubre 8 (Lunes · Holiday) mula 10am hanggang 4pm (gaganapin sa Tsu City) Hindi tumatanggap ng personal-recommendation o iba pang rekomendasyon. Kung nais mong magrekomenda ng ibang tao, mangyaring kumuha ng pag-apruba muna bago isumite ang entry. Hindi mahalaga kung ano ang nasyonalidad, lugar ng tirahan o edad. *Ang mga entry, pagsasanay, mga presentasyon atbp ay isasagaw sa wikang Hapones lamang. Entry period Agosto 31, 2018 hanggang 5pm Paraan ng pagsali Mag fill-up at i-submit ang entry form na nasa link sa ibaba: https://mie-w.com/awardform1 Kapag ibang tao ang gustong inominate: https://mie-w.com/awardform2 Tungkol sa qualifying round Ayon sa selection committee, pagkatapos na masusing suriin ang mga dokumento ay pipili ng 10 finalist. Ang resulta ng preliminary na pagsusuri ay indibiduwal na ipapaalam mula sa Setyembre 15 (Sabado). Para sa mga finalist, mabibigyan ng presentasyon sa “Challengers Award 2018” na kung saan ito ay parte ng “Mie no Kagayaku Joshi Forum 2018”, at magde-desisyon ang judging committee kung sino ang mananalo sa mismong araw. Mga awards at pa-premyo Mie Model Award (1 person) Mabibigyan ng Award Certificate, cash prize na ¥300.000. Audience Award (1 person) Mabibigyan ng Certificate of Recognition at ¥100.000 cash prize *Magbibigay din ng prizes ang ibang mga sponsors Makipag-ugnayan sa Mie no Kagayaku JoshiForum 2017 Management Secretariat (Awards representative: E Presence Co., Ltd.) E-mail:award@mie-w.com TEL: 059-336-4002 Para sa detalye at iba pang recruitment, tignan ang homepage: https://mie-w.com/award (Japanese only) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp