[Tsu] Museum Art Exhibit

三重県立美術館で「戦後70年記念 20世紀日本美術再見 1940年代」の展示会が開催されます

2015/08/04 Tuesday Kultura at Libangan

“70th Anibersaryo Pagkatapos ng Digmaan Paggunita sa taong 1940 ng

20th Century Japanese Art”

Sa Mie Prefectural Art Museum, bubuksan ang art exhibit kung saan ipakikita ang mga aspeto at katangiang taglay na mayroon sa sining ng Japan, mula sa malaking pagbabago sa taong 1940 mula sa hanay ng mga kilalang likha at materyales katulad ng pagguhit gawa sa pintura, paglililok, paghuhulma, potograpiya, arkitektura at ilang pang mga kilalang likha na nagpapahiwatig ng malaking epektong dulot ng digmaan.

Petsa: Hulyo 11, 2015 (Sabado) hanggang Septyembre 27, 2015 (Linggo)
Oras: 9:30-17:00 (Entrance Admission hanggang hapon ng 16:30 )
Araw ng Pahinga : Kada Lunes (Bukas ng ika-21 ng Septyembre), Sarado ng ika-24 (Huwebes)

Admission Fee:  
Regular: ¥1,000  (¥800)
Estudyante: ¥800  (¥600)
Senior high school pababa : Libre

※Ang halagang nasa loob sa ( ) grupong mahigit 20 katao na bumili ng mas maaga
※Para sa mga nais bumili ng ticket in advance maaring bumili sa Ticket Pia, Circle K, Sankus, 7-eleven at iba pa
※ Sa admission fee na ito ay maari ding makita ang mga permanenteng exhibit na nakadisplay
※ Sa mga estudyante, dalhin ang gakusei techo o ipakita ang anumang I.D. magpapatunay na estudyante
※ Libre ang admission fee sa taong may kapansanan at ang kasama nitong 1 tao kung ipapakita ang Disabled Booklet.
※ Sa araw ng Family Day (Agosto 16 at Septyembre 20 ) discounted price ang babayaran.

Transportation:10 minutong lakad mula Kintetsu o Tsu JR west exit. Sa mga nais magpunta sa gusali, gamitin ang mga public transportation.

Homepage:http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/index.shtm

Koishi Kiyoshi

Koishiki Yoshi 《Photo Collection mula『Half World』Dancing Inflation》  Year 1940 International Art Museum

Yokoyama Taikan

Yokoyama Taikan《Natsu No Reiho= Summer’s Sacred Mountain》 mula 1941 ay nakadisplay na ito sa National Art Museum ng Yamanashi Prefecture (mula Hulyo 11, Sabado hanggang Agosto 23, Linggo ay scheduled para sa Art Exhibit

Tomimoto Kenkichi

Tomimoto Kenkichi 《painting chintz pattern at hex-head na lalagyan》  Taong 1949 Kyoto National Modern Age Art Museum

 

Sagutan ang survey para sa 2015 National Census!

2015/08/04 Tuesday Kultura at Libangan

2015年の「国勢調査」が行われます

Censo demografico-2015

Ngayong darating na Oktubre 1, ang National Census Survey ay isasagawa sa lahat ng parte ng Japan

Ang National Census na ito ay isinasagawa kada 5 taon, para sa lahat ng mga taong naninirahan sa buong Japan kasama na ang mga dayuhang mamamayan.  Ang pagsasagawa ng survey na ito ay base ayon sa batas na ipinapatupad ng 「Statistics Act」, kung kaya’t ang lahat ay obligadong sagutan ito at ipasa sa kinauukulan.

Ang nilalaman ng survey ay binubuo ng 17 tanong tungkol sa mga miyembro ng pamilya, pangalan, kasarian, kapanganakan, nasyonalidad, uri ng trabaho, uri ng paninirahan at iba pa.

af0150015158Simula sa buwan ng Septiyembre, ang mga tauhan ng National Census ay bibisita sa bawat tahanan para ibigay ang survey form. Pagpasok ng buwan ng Oktubre, muling bibisita ang mga tauhan ng National Census para kolektahin ang mga survey form na sinagutan. Sa pagkakataon ito, ang survey form ay maari ding sagutan sa pamamagitan ng internet access na nakasulat sa Nihongo at English, kaya’t maari ninyo itong sagutan gamit ang inyong computer o smart phone.

Ang mga tauhan ng National Census ay mga casual na empleyado ng goberyerno, may nakasabit na I.D. kasama ang litrato ng mukha at mayroon ding arm band, kung kaya’t sa kanilang pagbisita ay maaaring ninyong makumpirmi kung sila nga ay mga tauhan ng gobyerno.

Maari ding ninyong ilagay ang survey form sa loob ng sobre para sa oras na kolektahin ito ng empleyado ay hindi nila makikita kung ano ang nakasulat dito. Maaari ding itong ipadala sa pamamagitan ng post office. Kung ayaw ninyong personal na ibigay ang survey form sa empleyado, maaari ninyong gamitin ang mail envelope at ipadala sa post office box para makarating ng direkta sa kinauukulan.

Ang mga sagot na isinulat ninyo sa survey form ay gagamitin lamang para sa paggawa ng bagong statistics at analysis at naway maging mapanatag sa pagsagot dahil hindi-hinding ito ilalabas para gamitin ng iba (katulad ng imigrasyon, buwis o enforcement data).

Ang resulta ng survey na ito ay gagamitin para sa kapakanan ng mga mamamayan, para sa maayos na pagtatrabaho at mga hakbang para makaiwas sa kalamidad, kung kaya’t kinakailangan ito para sa ikagaganda ng pamumuhay ng lahat.

Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at nawa’y sagutan ang 2015 National Census Survey.