Sagutan ang survey para sa 2015 National Census!

2015年の「国勢調査」が行われます

2015/08/03 Monday Anunsyo, Selection

Censo demografico-2015

Ngayong darating na Oktubre 1, ang National Census Survey ay isasagawa sa lahat ng parte ng Japan

Ang National Census na ito ay isinasagawa kada 5 taon, para sa lahat ng mga taong naninirahan sa buong Japan kasama na ang mga dayuhang mamamayan.  Ang pagsasagawa ng survey na ito ay base ayon sa batas na ipinapatupad ng 「Statistics Act」, kung kaya’t ang lahat ay obligadong sagutan ito at ipasa sa kinauukulan.

Ang nilalaman ng survey ay binubuo ng 17 tanong tungkol sa mga miyembro ng pamilya, pangalan, kasarian, kapanganakan, nasyonalidad, uri ng trabaho, uri ng paninirahan at iba pa.

af0150015158Simula sa buwan ng Septiyembre, ang mga tauhan ng National Census ay bibisita sa bawat tahanan para ibigay ang survey form. Pagpasok ng buwan ng Oktubre, muling bibisita ang mga tauhan ng National Census para kolektahin ang mga survey form na sinagutan. Sa pagkakataon ito, ang survey form ay maari ding sagutan sa pamamagitan ng internet access na nakasulat sa Nihongo at English, kaya’t maari ninyo itong sagutan gamit ang inyong computer o smart phone.

Ang mga tauhan ng National Census ay mga casual na empleyado ng goberyerno, may nakasabit na I.D. kasama ang litrato ng mukha at mayroon ding arm band, kung kaya’t sa kanilang pagbisita ay maaaring ninyong makumpirmi kung sila nga ay mga tauhan ng gobyerno.

Maari ding ninyong ilagay ang survey form sa loob ng sobre para sa oras na kolektahin ito ng empleyado ay hindi nila makikita kung ano ang nakasulat dito. Maaari ding itong ipadala sa pamamagitan ng post office. Kung ayaw ninyong personal na ibigay ang survey form sa empleyado, maaari ninyong gamitin ang mail envelope at ipadala sa post office box para makarating ng direkta sa kinauukulan.

Ang mga sagot na isinulat ninyo sa survey form ay gagamitin lamang para sa paggawa ng bagong statistics at analysis at naway maging mapanatag sa pagsagot dahil hindi-hinding ito ilalabas para gamitin ng iba (katulad ng imigrasyon, buwis o enforcement data).

Ang resulta ng survey na ito ay gagamitin para sa kapakanan ng mga mamamayan, para sa maayos na pagtatrabaho at mga hakbang para makaiwas sa kalamidad, kung kaya’t kinakailangan ito para sa ikagaganda ng pamumuhay ng lahat.

Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at nawa’y sagutan ang 2015 National Census Survey.

Career Guide – Para sa mga dayuhang bata

2015/08/03 Monday Anunsyo, Selection

外国人の子どもに向けた[キャリアガイド]

Career Guide

Para sa mga dayuhang bata
Mga posibilidad na walang hanggan!

guia de carreiras no japao

 Ang mga impormasyon tungkol sa trabaho na nakasalin sa ibat ibang wika ay hindi sapat. Ang  manuscript  na  ito  ay  ginawa  sa  layuning  bigyang  ng  pagkakataong  makapili  ng  kursong gustong pag-aralan ng maaga at pag nakatapos ay maging isang huwaran at kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansang Japan.

Inaasahan   namin   na   kahit   isa   man   lang   sa   mga   batang   ito,   kapag   lumaki   na,   ay   maging kapaki-pakinabang sa ibat ibang aspeto ng lipunan dito sa Japan.

Mga detalye tungkol sa ibat ibang trabaho

Paglalarawan ng ibat ibang uri ng trabaho, anong uri ng trabaho ang ginagawa dito.

Mag-research  o  kaya  ay  magtanong  sa  guro  at  mga  kaibigan  sa  nais  na  maging  trabaho  o propesyon.

Course Chart

Ang  chart  tungkol  sa  trabaho  na  nangangailangan  ng  certificate  ay  ibinibigay  sa  estudyante pagkatapos maka-graduate sa junior high school o senior high school.

Lugar ng pagtatrabahuhan

Pagpapakilala ng pangunahing lugar ng pagtatrabahuhan at suweldo. Ang estimate na halaga ng annual income at initial salary ay nakasaad sa handbook at internet. Gamitin ito bilang standard reference.

Ang tungkol sa mga gastusin.

Pagkatapos  makagraduate  ng  junior  at  senior  high  school,  nagbibigay  kami  ng  impormasyon tungkol sa estimate ng halagang gagastusin kapag nagpatuloy ng pag-aaral sa university o technical at vocational school. Ang halaga ng tuition fee ay depende sa school na papasukan. Para sa mga detalye, magtanong sa school na papasukan (paaralang nais na pasukan).

Student Loan

Sa Japan Student Services Organization, maaring makahiram ng student loan.(Homepage http://www.jasso.go.jp/shougakukin/)para pambayad ng tuition fee sa senior high school at university. Para sa detalye, makipag-ugnayan sa school na nais pasukan. Bukod dito, mayroon ding ibinibigay na scholarship ang prefecture at ilang hospital sa mga nais kumuha ng nursing at medical course. Makipag-ugnayan sa school na papasukan.

Career Guide – Para sa mga dayuhang bata