2017/12/03 Linggo Mie Info
Kultura at Libangan
おもいやり駐車場利用証の更新手続きについて
Simula noong July 2017, nawala na ang expiration date ng Omoiyari Chuusha-jo Riyo-sho o “Omoiyari Parking Certificate” na binibigay sa mga taong may kapansanan, matanda na nangangailangan ng long-term care, at sa mga taong may sakit na walang lunas.
Sa mga gumagamit nito, kapag ninanais na maipatuloy na magamit ang kasalukuyang certificate, kinakailangang magpa-renew. Ang proseso ng pag-renew ay maaaring gawin ng tatlong buwan bago dumating ang expiration date. Mangyaring dalhin ang inyong personal identification card at ang application certificate sa kinauukulang tanggapan.
Ano ang ibig sabihin ng sistema ng Omoiyari Chuusha-jo Riyo o “Omoiyari Parking Certificate”?
Ito ay ang sistema na nagbibigay ng certificate of usage sa mga parking lot na para sa mga disabled. ipinagkakaloob ito sa may mga nangangailangang tao katulad ng mga taong may kapansanan, mga buntis, may mga injuries, mga matatanda na hindi na makalakad, nahihirapang maglakad o may mga sakit. Ito ay matatagpuan sa mga iba’t-ibang pasilidad katulad ng mga pampublikong pasilidad at pangkomersyal na pasilidad at ginagamit itong certificate upang makapag-parking.
Mangyaring tignan ang sumusunod na URL para sa certificate application / renewal window at mga requirements (Japanese only)
http://www.pref.mie.lg.jp/UD/HP/73426012526.htm
Makipag ugnayan sa:
Mie Ken Kenko Fukushi-bu Chiiki Fukushi-ka (Mie Prefecture Health and Welfare Department Community Welfare Section)
TEL 059-224-3349
FAX 059-224-3085
2021/02/12 Biyernes
2021/02/10 Miyerkules
2021/01/25 Lunes
2020/11/03 Martes
2020/08/05 Miyerkules
2015/04/21 Martes
2017/02/07 Martes
2019/06/18 Martes
2021/02/12 Biyernes
2021/02/10 Miyerkules
2021/01/25 Lunes