2017/12/01 Biyernes Mie Info
Anunsyo
多重債務に陥らないために
Ano ang multiple debts?
Ang resulta ng paulit-ulit na pag utang sa mga multiple financial institutions ay ang pagbabayad nito ay magiging mahirap. Lalo na kapag paulit-ulit na nangungutang sa ibang financiers upang makapagbayad ng utang. ito ay magiging isang malaking problema.
Ang sanhi ng pagkakalubog sa madaming utang o multiple debts ay hindi lamang sa pagsusugal at sobrang paggastos. Nagkakautang din dahil sa kakulangan sa panggastos para sa living expenses, education expenses, atbp. o di kaya sa sobrang paggastos gamit ang credit card hanggat sa hindi na makapag bayad at tuluyan ng malubog sa utang.
Kapag kayo ay nanganganib na malagay sa ganitong sitwasyon, bago mangutang, kailangang tignan munang mabuti ang mga gastusin at magsimula magtipid sa gastusin sa bahay. Bukod pa dito, kapag manghihiram ng pera, tignan at i-check ang mga kailangan pagkagastusan at kung magkano ang interest rate at gumawa ng repayment plan na kakayanin ninyong bayaran.
Kapag kayo ay nahihirapan sa pagbayad ng utang, huwag mag alalang mag-isa. Mangyaring ikunsulta ang inyong multiple debt sa consultation center.
※ Ang kunsultasyon ay sa Japanese lamang. Ang pagtanggap ng konsultasyon, araw at oras ay mag-iiba depende sa kada ahensya
Consultation Agency | TEL |
Tokai Zaimukyoku (Taju Saimu Sodan Madoguchi) “Tokai Treasury Bureau (Multiple debt consultation window)” | 052-951-1764 |
Shohisha hotline (Consumer hotline) | 188 |
(Ko-zai) Nihon Credit Counseling Kyokai ((Public Goods) Japan Credit Counseling Association) | 0570-031640 |
Hou Terasu Support Dial | 0570-078374 |
Mie Bengoshi-kai (Mie’s Bar Association) | 059-222-5957 |
Mie Ken Shihoshoshi-kai (Sodan yoyaku) (Mie Prefectural Judicial Scrivener Association (consultation reservation)) | 059-221-5553 |
2019/02/22 Biyernes
2019/02/18 Lunes
2019/02/04 Lunes
2021/01/25 Lunes
2020/08/05 Miyerkules
2019/06/18 Martes
2015/04/21 Martes
2017/02/07 Martes
2021/01/25 Lunes