Ano ang Kontrata?
Ang pagbubuo ng isang kontrata ay kapag natugunan ang intensyon ng parehong partido. Ang “pag-sign at pag-stamp ng kontrata” ay ang tanging paraan upang makapagtatag ng isang kontrata. Ang mga napag-usapang kasunduan kapag inilagay sa dokumento at pinirmahan, ito ay magiging matibay na kontrata.
Sa sandaling maitatag ang isang kontrata, hindi na ito maaring mabago ng magkabilang panig maliban na lang sa mga espesyal na kaso.
Ito ay isa din kontrata
- Bumili ng snacks sa convenient store
- Magpagupit ng buhok
- Magpa-delivery gamit ang telepono
- Mag renta ng DVD
- Mag download ng music gamit ang Smartphone
Kumpirmahing mabuti ang kontrata!
Ang kontrata ay isang importanteng dokumento na nagsasaad na kailangang sundin ang pinagkasunduan ng dalawang panig. Kahit gaano pa kaliit ang mga letra na nakasulat sa kontrata ay kailangang basahin lahat ng maigi. Ang pagpirma sa kontrata ay nagkakahulugan na tinatanggap mo ang lahat ng nilalaman ng kontrata. Upang maiwasan ang magkaroon ng problema, (katulad ng kapag iba ang nakasaad sa kontrata keysa sa pinag-usapang kasunduan) suriin munang mabuti ang dokumento bago makipag-kontrata.
Mga puntos na kailangang suriin bago pumirma sa kontrata
☑ Kailan(Araw ng pag-kontrata)
☑ Kanino(Pangalan ng negosyo, Address, Contact number)
☑ Ano(Pangalan ng produkto・Uri)
☑ Ilan(Gaano kadami)
☑ Magkano(Presyo)
☑Ano ang paraan ng pagbayad (Cash, Credit Card, atbp.)
☑ Paano matatanggap ang items(Kailan, Paano)
☑ May kasunduan ba tungkol sa cancellation
☑ May kasunduan ba tungkol sa damages at penalties
Mangyaring suriin ng mabuti ang nakasulat na nilalaman at huwag mag-kontrata kung hindi ka sumasang-ayon!