Lumalaganap ang impeksyon ng sakit na Influenza (Warning Level)

インフルエンザの感染が拡大しています(警報レベル)

2018/01/25 Thursday Kalusugan at kapakanan

Ayon sa mga ulat mula sa 72 na itinalagang mga institusyong medikal sa Prefecture, sa pagitan ng Enero 15, 2018 at Enero 21, ang bilang ng mga pasyente na may influenza sa bawat institusyong medikal ay 62.4. Ang bilang na ito ay nasa itaas ng “30 katao” sa bawat institusyong medikal ayon sa National Institute of Infectious Diseases Research Institute Infectious Disease Epidemiology Center ay isang basehan ito upang mag-issue ng “Warning Level”. Malakas ang posibilidad na ang epidemya na ito ay magpapatuloy pa ng mahabang panahon.

Ngayong alam na natin ang tungkol sa influenza na umaabot na sa peak ng epidemya, ipapaalam namin sa inyo kung paano haharapin ang mga ito at ano ang mga hakbang upang maiwasan ang sakit na ito.

  1. Ano ang diperensya ng trangkaso at Influenza
  Trangkaso Influenza
Sintomas Normal na sintomas tulad ng sipon at pananakit ng lalamunan. Lagnat na nasa 38 ℃ o mas mataas, ubo, pananakit ng lalamunan, Systemic symptoms tulad ng pananakit ng buong katawan at mga joints.
Tagal ng sakit Sa loob ng isang taon, minsang maaaring magkasakit. Ang Peak at tuwing Enero hanggang Pebrero. Gayunpaman, maaari din itong mangyari hanggang Abril at Mayo.
  • Upang makasigurado, kapag nagkaroon ng biglaang pagtaas ng lagnat na mahigit sa 38 ° C, malaki ang posibilidad na kayo ay nahawaan ng influenza lalo na pag may naramdamang kasamang ubo, sakit sa lalamunan at pananakit ng buong katawan. Kapag may naramdamang ganitong sintomas, magpacheck-up agad sa ospital sa lalong madaling panahon. (Internal Medicine o sa Pediatrics Department).
  1. Paano magagamot ang Influenza

May mga anti-influenza virus drugs para sa paggamot ng influenza.

・Ang mga gamot ay inirereseta lamang kung kinakailangan ng doktor sa mga nangangailangan, kaya mangyaring sundin ang mga tagubilin tulad ng inireseta.

・ Hangga’t ang mga sintomas ay hindi nawawala, kinakailangang uminom ng madaming tubig upang hindi maubusan ng tubig sa katawan. Damihan ang paginom upang maiwasan na ma-dehydrate.

  1. Paraan ng pag iwas sa sakit para sa sarili

・ Siguraduhin na palaging maghuhugas ng kamay.

・ Kumain ng balanse at mga masusustansyang pagkain at matulog ng sapat na horas.

・ Hangga’t maaari, iwasan ang paglabas kung hindi naman importante.

・ Gumamit ng proteksyon, gawin ang tamang manners. Palaging magsuot ng mask. Kapag walang mask, takpan ang bibig at ilong ng tisyu o panyo lalo na kapag babahing at uubo.

・ Kung nararamdaman mong ikaw ay magkakasakit, huwag huhusgahan ang sakit ng sarili, humingi ng opinyon at medikal na pagsusuri sa lalong madaling panahon.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Influenza (mga nakaraang artikulo)

http://mieinfo.com/en/highlights/influenza/index.html

Ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga nakakahawang sakit tulad ng Influenza ay nakalagay sa website ng Mie Ken Kansensho Joho Center (Mie Prefecture Infectious Disease Information Center). (Sa wikang hapones lamang)

http://www.kenkou.pref.mie.jp/

Alamin muna bago sumuko! Tungkol sa batas ng kontrata ng consumer

2018/01/25 Thursday Kalusugan at kapakanan

あきらめる前に確認しよう! 消費者契約法について

Bilang karagdagan sa Cooling off System, ipakikilala namin ang batas ng kontrata ng mamimili na nagreregula ng karapatang kanselahin ang kontrata. (Ang Batas sa Kontrata ng Consumer ay sumasakop sa lahat ng mga kontrata maliban sa mga kontrata sa paggawa sa pagitan ng mga consumer at business operator.)

Maaari mong kanselahin ang kontrata kung makikipagkontrata ka sa di-makatarungang solicitation

<Halimbawa ng di-makatarungang solicitation>

・Maling impormasyon(Kapag hindi makatotohanan ang sinabi ng nagbebenta tungkol sa mga importanteng impormasyon tungkol sa produkto

Halimbawa:Taliwas sa katotohanan, sinabihan kayo na “masyado ng basa ang ilalim ng sahig ng inyong bahay, kung hahayaan ito, ang inyong bahay ay malalagay sa panganib”, at inalok kayo ng kontrata upang bumili at i-install ang isang ventilator sa ilalim ng sahig.

・Overdraft Contract(Ito ay ang pagbili ng napakadaming produkto at goods na hindi normal

Halimbawa:Para sa mga matatandang mamimili na naninirahan nang mag-isa, pinagbentahan ng napakamahal na set ng duvet habang alam naman nila na hindi kailangan ang ganon kadami.

・Non-departing

Halimbawa:Paulit-ulit na pagsolicit sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay at walang tigil na pag alok kahit ilang beses tanggihan kaya’t napilitan nalang na bumili.

Ang probisyon ng ilegal na kontrata ay mawawalan ng bisa

 Halimbawa, sa ganitong kaso, maaaring maging hindi wasto ang kontrata bilang isang hindi patas na sugnay.

<Mga halimbawa ng mga hindi makatarungang mga tuntunin ng kontrata>

・Ang mga sugnay na mage-exempt sa mga business compensation para sa mga damages

Halimbawa:Sa anumang kaso, hindi kami mananagot para sa mga pinsala sa produktong ito. “Ang operator ng negosyo ay hindi dapat magbayad sa anumang pinsala”.

・Ang pagbigay ng nakatakdang presyo sa mamimili para sa mamahaling damages.

Halimbawa“Kapag kayo ay hindi nakabayad ng upa, kailangan ninyong magbayad ng 30% yearly na delayed payment sa isang buwang upa”, ito ay upang matugunan ang nawala sa delayed na bayad na aabot sa 14.6% o ang pagsingil ng isang cancellation fee na sobrang mahal.

※Bilang karagdagan sa halimbawa sa itaas, ang pagkansela ng kontrata at mga tuntunin ng kontrata ay maaaring maging invalid.

※Ang paggamit ng mga karapatan sa pagkansela ay may limitasyon ng 1 taon o 5 taon depende sa uri nito.

Homepage ng Consumer Agency (Japanese lamang)

http://www.caa.go.jp/policies/policy/consumer_system/consumer_contract_act/

Kumunsulta at huwag mag alalang mag-isa

Kung mayroon kang anumang mga alalahanin o alalahanin tungkol sa kontrata, mangyaring sumangguni sa iyong Consumer Desk o Consumer Living Center sa iyong lungsod. (Japanese lamang)

Consumer hotline TEL:188

※Kapag tumawag, makakarinig ng announcement at gagabayan kayo sa inyong lokal na Shicho Shohi Seikatsu Soudan Madoguchi (Municipal Consumer Affairs Consultation Counter) o sa Mie Shohi Seikatsu Center (Mie Prefecture Consumer Life Center).