11th Athletic Marathon sa pagitan ng mga lungsod ng Mie, Isang Magandang Bansa!

「第11回美し国三重市町対抗駅伝」を開催します

2018/02/02 Friday Seminar at mga events

Upang mapasigla at mapalakas ang competetive spirit sa larangan ng sports sa lahat ng mamamayan na “makita”, “magsanay” at “tumulong” sa sports at turuan ang mga nakababatang henerasyon, lalong lalago at magiging mabuti ang pakikipagtulungan at pakikipag-collaborate sa pagitan ng munisipalidad ng lalawigan, isasagawa ang ika-11 Athletics Marathon sa pagitan ng Mie Municipalities, Isang Magandang Bansa (Dai 11kai Umashikuni Mie Shicho Taiko Ekiden).

Sa araw ng marathon, madami sa mga kalsada ang inaasahan na nakalaan para sa marathon. Ang organisasyon ay humihiling ng pag-unawa ng lahat.

Araw

Pebrero 18, 2018 (Linggo) Magsisimula sa 8:45 ng umaga (Hindi maka-cancel kahit na umulan)

Marathon Course

Mie Government (Tsu) hanggang sa Ise Athletics Stadium (Mie KoutsuG Sports no Mori Ise Rikujou Kyogijou)

42.195km (relay na nasa 10 sections)

Tagapangasiwa

Organizing Committee ng Dai 11kai Umashikuni Mie Shicho Taiko Ekiden (Pangulo / Alkalde ng Mie Suzuki Eikei)

Mga kalahok

Representative team ng kada munisipalidad ng Mie.

Mga regulasyon sa pangunahing kalsada

  • 9:00 AM to 11:45 AM – Isasara ang daanan sa magkaparehong Toba at Matsusaka Line Provincial Highway (Sa pagitan ng Matsusaka’s Miya-cho intersection at sa Watarai Bridge intersection). Mangyaring dumaan sa Nansei Bypass (Japan National Route 23)
  • 10h00 AM to 11h15 AM- Ipagbabawal ang pagdaan sa interval sa pagitan ng Gekuu, Ise Jingu, at ng Ujiurata-cho intersection (Mikimoto Avenue). Ang oras ng pagbabawal ay maaaring mabago depende sa takbo ng marathon.
  • Ang mga opisyal ng pulisya at mga miyembro ng samahan ay dapat magbigay ng mga tagubilin tungkol sa sitwasyon ng paghahatid at mga magagamit na ruta.
  • Mangyaring huwag mag park sa mga lugar na sakop ng course ng marathon.

Ito ay gaganapin kasabay ng Municipal exchange fair (exhibition ng mga produkto) sa Athletics Stadium na kung saan ang siyang pasukan ng lugar.

Duration: 10:00 a.m. hanggang 2:00 p.m.

Ang mga karaniwang pagkain ng Mie ay ibebenta sa lugar! Mangyaring tangkilikin ang lokal na gastronomy kasama ng inyong mga kamag-anak!

* Tingnan ang iba pang impormasyon at mga detalye ng mga regulasyon ng trapiko at municipal exchange fair sa link sa ibaba (Japanese lamang)
https://www.kankomie.or.jp/lsc/upfile/event/65/86/36586_1_file.pdf?1516683585

Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Chiiki Renkei-bu Sports Suishin-kyoku Sports Suishin-ka

〒514-8570 Tsu-shi Komei-cho 13 banchi (Ikalawang palapag ng main office)
TEL  059-224-2986     FAX  059-224-3022  E-mail  sports@pref.mie.jp

Lumalaganap ang impeksyon ng sakit na Influenza (Warning Level)

2018/02/02 Friday Seminar at mga events

インフルエンザの感染が拡大しています(警報レベル)

Ayon sa mga ulat mula sa 72 na itinalagang mga institusyong medikal sa Prefecture, sa pagitan ng Enero 15, 2018 at Enero 21, ang bilang ng mga pasyente na may influenza sa bawat institusyong medikal ay 62.4. Ang bilang na ito ay nasa itaas ng “30 katao” sa bawat institusyong medikal ayon sa National Institute of Infectious Diseases Research Institute Infectious Disease Epidemiology Center ay isang basehan ito upang mag-issue ng “Warning Level”. Malakas ang posibilidad na ang epidemya na ito ay magpapatuloy pa ng mahabang panahon.

Ngayong alam na natin ang tungkol sa influenza na umaabot na sa peak ng epidemya, ipapaalam namin sa inyo kung paano haharapin ang mga ito at ano ang mga hakbang upang maiwasan ang sakit na ito.

  1. Ano ang diperensya ng trangkaso at Influenza
  Trangkaso Influenza
Sintomas Normal na sintomas tulad ng sipon at pananakit ng lalamunan. Lagnat na nasa 38 ℃ o mas mataas, ubo, pananakit ng lalamunan, Systemic symptoms tulad ng pananakit ng buong katawan at mga joints.
Tagal ng sakit Sa loob ng isang taon, minsang maaaring magkasakit. Ang Peak at tuwing Enero hanggang Pebrero. Gayunpaman, maaari din itong mangyari hanggang Abril at Mayo.
  • Upang makasigurado, kapag nagkaroon ng biglaang pagtaas ng lagnat na mahigit sa 38 ° C, malaki ang posibilidad na kayo ay nahawaan ng influenza lalo na pag may naramdamang kasamang ubo, sakit sa lalamunan at pananakit ng buong katawan. Kapag may naramdamang ganitong sintomas, magpacheck-up agad sa ospital sa lalong madaling panahon. (Internal Medicine o sa Pediatrics Department).
  1. Paano magagamot ang Influenza

May mga anti-influenza virus drugs para sa paggamot ng influenza.

・Ang mga gamot ay inirereseta lamang kung kinakailangan ng doktor sa mga nangangailangan, kaya mangyaring sundin ang mga tagubilin tulad ng inireseta.

・ Hangga’t ang mga sintomas ay hindi nawawala, kinakailangang uminom ng madaming tubig upang hindi maubusan ng tubig sa katawan. Damihan ang paginom upang maiwasan na ma-dehydrate.

  1. Paraan ng pag iwas sa sakit para sa sarili

・ Siguraduhin na palaging maghuhugas ng kamay.

・ Kumain ng balanse at mga masusustansyang pagkain at matulog ng sapat na horas.

・ Hangga’t maaari, iwasan ang paglabas kung hindi naman importante.

・ Gumamit ng proteksyon, gawin ang tamang manners. Palaging magsuot ng mask. Kapag walang mask, takpan ang bibig at ilong ng tisyu o panyo lalo na kapag babahing at uubo.

・ Kung nararamdaman mong ikaw ay magkakasakit, huwag huhusgahan ang sakit ng sarili, humingi ng opinyon at medikal na pagsusuri sa lalong madaling panahon.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Influenza (mga nakaraang artikulo)

http://mieinfo.com/en/highlights/influenza/index.html

Ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga nakakahawang sakit tulad ng Influenza ay nakalagay sa website ng Mie Ken Kansensho Joho Center (Mie Prefecture Infectious Disease Information Center). (Sa wikang hapones lamang)

http://www.kenkou.pref.mie.jp/