Medical Interpreter Training Course 2018

2018年度医療通訳育成研修の受講者を募集します

2018/06/01 Friday Kalusugan at kapakanan

Magsasanay kami ng mga medical interpreter na makakatulong sa komunikasyon sa pagitan ng mga dayuhang pasyente at mga doctor at nurse. Sa pagsasanay, maaari kang matuto ng praktikal na kaalaman, teknolohiya, etika, atbp na kinakailangan upang maging isang medical interpreter.

  1. Target language

Portuguese and Chinese

  1. Sino ang maaaring sumali

Sa mga estudyante na makakapasa sa mga sumusunod na kondisyon

  • May kakayahang makipag-usap ng mga mahihirap na topic sa Portuguese o sa parehong Chinese at Japanese.
    Para sa mga tao na hindi Japanese ang mother tongue pero may Japanese Language Proficiency Test N2 o mas mataas.
    Kapag hindi Portuguese ang kanilang native language, kailangan may intermediate level o mas mataas.
    Kapag hindi Chinese ang kanilang native language, kailangan may HSK 4 grade o mas mataas
  • Sa mga makakapagtrabaho bilang isang medical interpreter tuwing weekdays sa prefecture
  • Makakapag-participate sa attendance examination at sa lahat ng apat na training sessions
  • Sa mga makakapag-register bilang isang medical interpreter sa Mie Prefecture International Exchange Foundation atbp.
  • Sa mga makakapasa ng attendance test (na isasagawa sa Hunyo 24)
  1. Oras at Araw (pareho sa lahat ng linguwahe)

Course examination  Hunyo 24 (Linggo) 2pm hanggang 3pm

ika-1          Hulyo 22 (Linggo) 10am hanggang 4:15pm

ika-2          Augosto 26 (Linggo) 10am hanggang 4:15pm

ika-3          Setyembro 23 (Linggo) 10am hanggang 4:15pm

ika-4          Oktubre 28  (Linggo) 10am hanggang 4:15pm

  1. Lokasyon

Attendance Exam      Training room A at UST Plaza (Tsu-shi, Hadokoro-cho, 700 – UST TSU 4th floor)

Ika-1 hanggang ika-4  UST PLAZA Training Room A, Conference Room 1 (Scheduled)

  1. Tuition fee

Libre

  1. Paraan ng pag-apply

Mangyaring kumpirmahin ang mga detalye mula sa link sa ibaba at mag-apply. Ang deadline ay sa Miyerkules, Hunyo 20.

http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000782822.pdf

  1. Application / inquiries (business trustee)

Mie International Exchange Foundation (Koeki Zaidan Houjin Mie-ken Kokusai Kouryu Zaidan)

Tel: 059-223-5006  Email: mief@mief.or.jp

 

Sanggunian

Mie-ken Diversity Shakai Suishin-ka Tabunka Kyōsei Han page:
http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0011500108.htm

Related link: Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan page:
http://www.mief.or.jp/jp/iryou.html#kenshu

Asia 2&4 Motorsports Month at Suzuka Circuit – Ang admission fee ng mga dayuhan sa Suzuka Circuit ay magiging libre!

2018/06/01 Friday Kalusugan at kapakanan

Asia 2&4 Motorsports Month at Suzuka Circuit 外国人の鈴鹿サーキット入場が無料になります!

Ang Suzuka Circuit ay binuksan noong 1962 bilang isang ganap na international racing course sa Japan at nagsasagawa ng event ng iba’t-ibang racing at motor sports kabilang na dito ay ang F1.

Sa pagpapatuloy mula sa nakaraang taon, sa dalawang race na kung saan ang Asian players ay aktibo sa Suzuka Circuit mula Hunyo hanggang Hulyo, maglalaan ng isang lugar para sa mga tao ng iba’t-ibang mga nationalities sa loob at labas ng prefecture upang makipag-ugnayan at naglalayong magbigay ng pagkakataon para sa exchange ng Japanese motor sports culture.

Ang mga dayuhan na may residence card ay maaaring pumasok sa Suzuka circuit nang walang bayad sa pamamagitan ng pagkuha ng reservation nang maaga. Bilang karagdagan, ang mga dayuhan na may residence card ay maaaring bumili ng mga ticket na may special discount sa Amusement Park “Motopia” at Pool “Aqua Adventure” mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 20.

Mangyaring tignan ang homepage para sa event poster (i-click dito para sa PDF File)

(http://www.suzukacircuit.jp/en/asia_month/)

 

Schedule

June 2 at 3  “2018 FIM Asian Road Race Championship Series Round 3” (2 wheel race)

Isang road race ang gaganapin kung saan may higit sa 70 na manlalaro mula sa 12 na bansa sa Asya at Oceania ang lalahok

June 30 at July 1 “SUZUKA Race of Asia 2018” (4 wheel race)

Mga iba’t-ibang category tulad ng “Blancpain GT Series Asia” at “LAMBORGHINI SUPER TROFEO ASIA” ang gaganapin.

 

Lugar

Suzuka Circuit – 〒510-0295  Mie-ken Suzuka-shi Ino-cho 7992

 

Target audience

Ang mga dayuhan na may residence card at limang bisita (kabilang ang mga Japanese national) ay libreng makakapasok.

*Ang advance registration ay kinakailangan!

*Mayroong mga karagdagang bayad kapag ginamit ang parking lot at iba pang attractions.

Mangyaring gamitin ang sumusunod na link o QR code mula sa application form (English at Japanese)

http://www.suzukacircuit.jp/en/asia_month/

 

Contact Information

Suzuka Circuit–JigyouKikaku-ka (Business Planning Division)

〒510-0295  Mie-ken Suzuka-shi Ino-cho 7992

TEL 059-378-1111  http://www.suzukacircuit.jp

E-mail: english_info@mobilityland.co.jp