(Enero/2020) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

(2020年1月)県営住宅の定期募集

2020/01/07 Tuesday Paninirahan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng January
January 1 (Martes) ~ January 31 (Biyernes), 2020

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa), (mga patakaran sa pag-upa) atbp.
http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Enero 31.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703

 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe disctrict, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city, Nabari city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Mihama district) TEL: 059-222-6400

Hinihiling ng Mie Prefecture ang Inyong Pakikipagtulungan sa Pagsagot ng isang Questionnaire tungkol sa Mga Panggabing Klase para sa Mga Matanda (Yakan Chugaku)

2020/01/07 Tuesday Paninirahan

夜間中学(やかんちゅうがく)についてのアンケート(あんけーと)に協力(きょうりょく)してください

Ang Komite ng Edukasyon ng Mie (Mie-ken Kyouiku Iinkai) ay naghahanap kung may mga taong nais mag-aral ng edukasyon sa gabi (yakan kyouiku).  Hinihiling ng lalawigan ang mga makakabasa nito na makipagtulungan sa pagsagot ng questionnaire.

< Narito ang questionnaire para sa mga nais mag-aral sa mga panggabing klase (yakan chugaku)>

< Questionnaire para sa mga may kakilalang gustong makapag aral as panggabing klase (yakan chugaku)>

Questionnaire para sa mga interesado

* Para lamang sa mga taong nakatira sa Mie Prefecture.

* Ang deadline para sa pagsagot ng questionnaire ay sa Pebrero 14, 2020.

* Kung wala kang access sa internet, mangyaring tawagan ang contact sa ibaba.

<Ano ang panggabing klase (yakan chugaku)>

Ito ang mga paaralan na may mga klase sa gabi para sa mga taong hindi nakumpleto ang kanilang highschool na edukasyon (chugakko).  Maaari silang mag-aral pagkatapos ng  trabaho o pagkatapos ng kanilang gawaing bahay.  Sa kasalukuyan walang mga klase sa gabi sa Mie.

 Makipag-ugnayan sa

Mie Education Committee Office (Mie-ken Kyouiku Iinkai) – Shochugakko Kyouiku-ka Shouchugakkyo Kyouiku-han

〒514-8570 Tsu-shi Komei-cho 13 (7th floor)
TEL: 059-224-2963
FAX: 059-224-3023
E-mail: gakokyo@pref.mie.lg.jp
HP: http://www.pref.mie.lg.jp/GAKOKYO/HP/m0205100062.htm