Sa lahat ng mga dayuhan na nais pumasok sa mga high school, university at technical school 高校や大学、専門学校等で学びたい外国人のみなさんへ ~授業料の免除や奨学金について~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2020/11/17 Tuesday Edukasyon Para sa mga taong nais na pumasok sa high school (koko) Ang mga taong nakatira sa Japan ay maaaring pumasok ng libre nang hindi nagbabayad ng buwanang bayad sa pamamagitan ng Koto Gakko Shugaku Shien-kin Seido aid system (高等学校等就学支援金制度). Gayunpaman, ang mga tao na nasa ilalim ng isa sa mga sumusunod na item ay hindi makakatanggap ng tulong Ang mga tao na ang mga magulang ay may pinagsamang taunang kita na higit sa ¥ 9.1 million Ang mga taong nagtapos na sa high school Ang mga taong nag-aral na sa high school nang higit sa 36 buwan * Para sa mga pribadong paaralan, may mga kaso kung saan posible na makatanggap ng tulong depende sa kinikita ng mga magulang. Tignan ang pamphlet as pamamagitan ng pag click dito (easy Japanese). * May mga dayuhang paaralan na maaaring makatanggap ng tulong. Tingnan ang listahan i-click dito. Makipag-ugnay Tanungin ang high school na kasalukuyang naka-enrol sa iyo o balak mong magpatala. Para as mga taong gustong pumasok sa universities at technical schools Sa tulong na makapasok sa high school “Koto Kyouiku no Shugaku Shien Seido” (高等教育の就学支援新制度), posible na makatanggap ng buo o bahagyang mga scholarship para sa matrikula at mga bayarin sa pagpasok sa mga unibersidad at mga teknikal na paaralan na nakakatugon sa mga itinakdang kondisyon s (i-click dito upang makita ang link) Mga taong maaring mabigyan ng suporta Ang mga mag-aaral mula sa mga pamilya ay naibukod sa buwis sa tirahan (jumin-zei) * Sa kaso ng mga dayuhan, kinakailangang umangkop sa isa sa mga sumusunod na item: Special permanent resident (tokubetsu eijusha), permanent resident (eijusha), Japanese spouse, spouse of permanent resident, atbp. Sa kaso ng longterm residents (teijusha), ang mga tao lamang na mapapatunayan ng direktor ng institusyon na nais na magpatuloy na manirahan sa Japan. Halimbawa ng halaga ng suporta Monthly scholarship grant Para sa may pamilya na exempted mula sa type 1 residential tax. Sa kaso ng mga taong pumapasok sa mga unibersidad at nakatira kasama ang kanilang mga magulang, ¥ 66,700 para sa pampubliko at ¥ 75,800 para sa pampribado * Ang halaga ay matutukoy alinsunod sa kinikita ng pamilya Upang malaman kung ikaw ay kwalipikado, i-click dito upang mabuksan ang flyer (Japanese only) i-click dito upang mabuksan ang flyer Contact information Nihon Gakusei Shien Kikko Shougakukin Soundan Center (日本学生支援機構 奨学金相談センター) TEL: 0570-666-301 (in Japanese only) Monday hanggang Friday, mula 9 am hanggang 8 pm (except Saturdays at Sundays, holidays at New Year) Source: Japan Ministry of Education, Culture, Sport, Science and Technology homepage (Monbu Kagaku-sho) https://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/mushouka/1342674.htm https://www.mext.go.jp/a_menu/koutou/hutankeigen/index.htm Japan Student Services Organization homepage (JASSO) https://www.jasso.go.jp/shogakukin/kyufu/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Hand in Hand 2020– Multicultural Awareness Event 2021 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students » ↑↑ Next Information ↑↑ Hand in Hand 2020– Multicultural Awareness Event 2020/11/17 Tuesday Edukasyon 多文化共生理解イベント Hand in Hand 2020 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Nagsusumikap ang lalawigan ng Mie para sa “Konstruksyon ng isang multi-cultural na lipunan”, na naglalayong tanggapin ang mga pagkakaiba-iba ng kultura ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang nasyonalidad, mga pangkat etniko, atbp, at sa pag-istraktura ng isang pamayanan batay sa parehong mga relasyon. Bilang bahagi ng kilusang ito, gaganapin ang Hand in Hand 2020 – Multicultural Awareness Event. Ang tema ngayong taon ay “Fictitious Travels on the Planet – Island Countries”. Ano sa tingin mo tungkol sa paglalakbay sa Pilipinas at Palau gamit ang iyong mayamang imahinasyon? Petsa November 21, 2020 (Sabado) – 1:30 pm hanggang 4:30 pm Lugar Online (isasagawa sa Zoom) Description Pumasok sa isang kathang-isip na paglalakbay sa Pilipinas Sumailalim sa isang Fictitious Travel (haka-haka na karanasan sa paglalakbay) sa Pilipinas na may mga katutubong gabay. Alamin ang tungkol sa pang-araw-araw na buhay at kultura ng Pilipinas. Sumakay sa isang kathang-isip na paglalakbay sa Palau Kumuha ng isang Fictitious Travel (haka-haka na karanasan sa paglalakbay) sa Palau na may mga katutubong gabay. Kumonekta sa tanggapan ng JICA sa Palau at alamin ang tungkol sa ugnayan ng Japan at Palau at ang mga plano para sa pagpapanatili ng kapaligiran. Ang mga mag-aaral ng high school mula sa Palau ay lalahok din. Presentation Pacific Islands Leaders Meeting nakatakdang gaganapin sa lungsod ng Shima sa 2021. Entrance Libre Target Audience Para sa mga taong may interes sa kultura ng ibang mga bansa, kapaligiran at mga SDG. * Ang mga paliwanag ay gagawin sa wikang Hapon. Walang magkasalin. Audience capacity at registration method Limitado sa unang 50 tao na nag-sign up Mag-apply sa pamamagitan ng URL sa ibaba hanggang Nobyembre 16 (Lunes) https://www.kokuchpro.com/event/mousou2020/ Tignan ang pamphlet para as iba pang detalye. Makipagugnayan sa Mie Citizens Volunteer Activities Center (Mie Shimin Katsudo Volunteer Center) TEL: 059-222-5995 FAX: 059-222-5971 E-mail: center@mienpo.net http://www.mienpo.net/center Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp