2021 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students 令和3年度(2021年)三重県立高等学校 外国人生徒等の特別枠入学者選抜について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2020/11/18 Wednesday Edukasyon Eligibility Criteria Mga taong naninirahan kasama ang guardian o isang may dayuhang nasyonalidad na pina-planong manirahan sa Mie Prefecture, na hindi pa nakapasa sa loob ng 6 na taon as of Abril 1, 2020 mula sa petsa ng pagdating sa bansa. Impormasyon tungkol sa mga available na High School, kurikulum, at mga dokumento na isusumite Pakitignan ang 2021 Mie Prefectural High School Admissions Screening Guidelines (令和3年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項) (Japanese only), na matatagpuan sa mga sumusinod na link: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000913508.pdf Bilang ng mga aplikante Bilang isang pangkalahatang tuntunin, ang bawat prefectural high school ay tatanggap ng hanggang 5 na non-Japanese at / o returnee sa pamamagitan ng screening na ito. Gayunpaman, tatanggapin ng Japanese Communication Department ng Iino High School ang hanggang sa 10 na non-Japanese at / o returnee. Ang mga nabanggit na numero ay sumasalamin sa kabuuang bilang ng mga application na tinanggap sa panahon ng parehong una at ikalawang semestre ng admission. Ang pinakamataas na kapasidad ng bawat paaralan ay isasaalang-alang sa panahon ng proseso ng admission, at walang paaralan na lalampas sa quota ng mag-aaral. Panahon ng pagtanggap at araw ng screening (2021) Panahon ng pagtanggap Araw ng screening Unang semester admission Enero 22 (Biyernes) – Enero 27 (Miyerkules) Pebrero 3 (Miyerkules), ika-4 (Huwebes) Pangalawang semester admission Pebrero 22 (Lunes) – Pebrero 26 (Biyernes)*Hanggang sa Pebrero 25 (Huwebes ) para sa mga part-time na paaralan. (Maliban sa Sabado at Linggo) Marso 10 (Miyerkules) Mga nilalaman ng screening [Unang semester admission] Ang mga pamamaraan ng pagsusuri ay mag-iiba ayon sa paaralan at maaaring kasama ang: mga interview, pagsusuri ng self-expression, essays, at/o written tests. Listahan ng mga nilalaman ng pagsusuri ng bawat paaralan: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000913519.pdf [Pangalawang semester admission] Essay at Interview Ang pagsusuri sa essay at interview ay isasagawa sa native language ng aplikante, English, o Japanese. Ang desisyon sa pagtanggap ng isang aplikante ay nakasalalay sa punong-guro ng paaralan. Ang isang written test ay maaari ring ibigay depende sa ng punong-guro ng paaralan Listahan ng espesyal na nilalaman ng pagtatasa para sa mga dayuhang mag-aaral at iba pa mula sa bawat paaralan: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000913524.pdf Paraan ng pagpili Batay sa “survey” kung saan nakasaad ang mga resulta ng screening at ang mga resulta sa junior high school, ay magsasagawa ng komprehensibong pagpili at ang mga matagumpay na aplikante ay mapapasya. *Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa “Mie Prefectural High School Admission Entrance Examination Requirements” 「令和3年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項」 o sa Mie Prefectural Special Assistance Scholars Admission Guidelines「令和3年度三重県立特別支援学校入学者募集要項」 (Japanese only) http://www.pref.mie.lg.jp/KOKOKYO/HP/000215949_00006.htm *Para sa impormasyon tungkol sa multilingual high school systems at scholarships, atbp. (Public Good) Pakitingnan ang “High School Admission Guidance Guidebook” na inihanda ng Mie International Exchange Foundation. http://www.mief.or.jp/jp/guidance_guidebook.html Makipag-ugnay sa Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Koko Kyoiku-ka Career Kyouik-han TEL: 059-224-2913 (Japanese only) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Sa lahat ng mga dayuhan na nais pumasok sa mga high school, university at technical school Ang Unang Pag-bisita sa Ise-Jingu sa New Year’s Holiday – Anunsyo tungkol sa traffic at parking regulations (2020-2021) » ↑↑ Next Information ↑↑ Sa lahat ng mga dayuhan na nais pumasok sa mga high school, university at technical school 2020/11/18 Wednesday Edukasyon 高校や大学、専門学校等で学びたい外国人のみなさんへ ~授業料の免除や奨学金について~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Para sa mga taong nais na pumasok sa high school (koko) Ang mga taong nakatira sa Japan ay maaaring pumasok ng libre nang hindi nagbabayad ng buwanang bayad sa pamamagitan ng Koto Gakko Shugaku Shien-kin Seido aid system (高等学校等就学支援金制度). Gayunpaman, ang mga tao na nasa ilalim ng isa sa mga sumusunod na item ay hindi makakatanggap ng tulong Ang mga tao na ang mga magulang ay may pinagsamang taunang kita na higit sa ¥ 9.1 million Ang mga taong nagtapos na sa high school Ang mga taong nag-aral na sa high school nang higit sa 36 buwan * Para sa mga pribadong paaralan, may mga kaso kung saan posible na makatanggap ng tulong depende sa kinikita ng mga magulang. Tignan ang pamphlet as pamamagitan ng pag click dito (easy Japanese). * May mga dayuhang paaralan na maaaring makatanggap ng tulong. Tingnan ang listahan i-click dito. Makipag-ugnay Tanungin ang high school na kasalukuyang naka-enrol sa iyo o balak mong magpatala. Para as mga taong gustong pumasok sa universities at technical schools Sa tulong na makapasok sa high school “Koto Kyouiku no Shugaku Shien Seido” (高等教育の就学支援新制度), posible na makatanggap ng buo o bahagyang mga scholarship para sa matrikula at mga bayarin sa pagpasok sa mga unibersidad at mga teknikal na paaralan na nakakatugon sa mga itinakdang kondisyon s (i-click dito upang makita ang link) Mga taong maaring mabigyan ng suporta Ang mga mag-aaral mula sa mga pamilya ay naibukod sa buwis sa tirahan (jumin-zei) * Sa kaso ng mga dayuhan, kinakailangang umangkop sa isa sa mga sumusunod na item: Special permanent resident (tokubetsu eijusha), permanent resident (eijusha), Japanese spouse, spouse of permanent resident, atbp. Sa kaso ng longterm residents (teijusha), ang mga tao lamang na mapapatunayan ng direktor ng institusyon na nais na magpatuloy na manirahan sa Japan. Halimbawa ng halaga ng suporta Monthly scholarship grant Para sa may pamilya na exempted mula sa type 1 residential tax. Sa kaso ng mga taong pumapasok sa mga unibersidad at nakatira kasama ang kanilang mga magulang, ¥ 66,700 para sa pampubliko at ¥ 75,800 para sa pampribado * Ang halaga ay matutukoy alinsunod sa kinikita ng pamilya Upang malaman kung ikaw ay kwalipikado, i-click dito upang mabuksan ang flyer (Japanese only) i-click dito upang mabuksan ang flyer Contact information Nihon Gakusei Shien Kikko Shougakukin Soundan Center (日本学生支援機構 奨学金相談センター) TEL: 0570-666-301 (in Japanese only) Monday hanggang Friday, mula 9 am hanggang 8 pm (except Saturdays at Sundays, holidays at New Year) Source: Japan Ministry of Education, Culture, Sport, Science and Technology homepage (Monbu Kagaku-sho) https://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/mushouka/1342674.htm https://www.mext.go.jp/a_menu/koutou/hutankeigen/index.htm Japan Student Services Organization homepage (JASSO) https://www.jasso.go.jp/shogakukin/kyufu/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp