Inihahandog ang ingredients ng Mie sainyong tahanan! “Halina’t gumawa ng Mie gourmet!” Gaganapin ang ikaunang online processing plant tour at cooking class 三重県産の食材をもっと身近に! 「三重グルメをつくろう!」第1回オンライン加工場見学&料理教室を開催します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2021/08/11 Wednesday Anunsyo, Kultura at Libangan Ang oras na ginugol sa loob ng bahay ay lalong humahaba dahil sa coronavirus pandemic. Ito ay isang event na maaaring gawing mas masaya ang iyong oras na ginugugol sa loob ng bahay, na may higit na kaugnayan at upang higit na malaman ang tungkol sa mga produkto ng Mie Prefecture. Ang mga cooking class gamit ang produkto ng Mie at isang tour sa mga pabrika sa pagproseso ng pagkain sa Mie ay nahahati sa 4 na mga online ckass sa pamamagitan ng Zoom. Makilahok sa iyong kusina sa bahay online nang libre. Ang tema ng unang klase ay ang tatak ni Mie na “Isse-cha” Petsa Agosto 28, 2021 (Sabado), mula 11 am hanggang 12 pm Event realization Online (Zoom) * Hinihiling ng organizers sa mga kalahok na ihanda ang kanilang koneksyon sa Internet at mga computer, tablet, atbp. Bilang ng participants 30 katao (kung maraming interesadong kalahok, isang loterya ang gaganapin) Participation fee Libre * Ang pangunahing sangkap (Isse-cha) ay ibabahagi nang walang bayad sa mga kalahok. Gayunpaman, dapat ihanda ng mga kalahok ang iba pang mga sangkap at kagamitan na kinakailangan para sa mga cooking classes. Nilalaman Ito ay isang kaganapan upang malaman, uminom, magluto, kumain at maranasan ang mga kagandahan ng Isse-cha. 1 Alamin: Mag-online na pagbisita sa Shinryoku Sabo (深緑 茶房), Matsusaka-shi Iinancho network, at tingnan kung paano ang ani ay naiani, naproseso at inihurno. 2 Pag-inom: Alamin kung paano gumawa ng isang masarap na tasa ng tsaa 3 Pagluluto at Pagkain: Mga Recipe ng Pagluluto ng tsaa kasama ang mga Cooking Teachers Paano mag-apply I-access ang website sa ibaba at punan ang registration form para sa unang event. Huling araw ng aplikasyon: Agosto 15, 2021 (Linggo) https://www.mietv.com/gourmet/ Contact Mie-ken Norin Suisan-bu Food Inovation0ka Brand Kyoso-han TEL: 059-224-2395 (sa wikang Japanese lamang) Email: foods@pref.mie.lg.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Naghahanap kami ng mga kumpanya at organizations na nais lumahok sa “Mie Prefecture Food Provision System” (na kilala bilang “Mie-ru”) Ang Mie Prefecture Partnership Oath System » ↑↑ Next Information ↑↑ Naghahanap kami ng mga kumpanya at organizations na nais lumahok sa “Mie Prefecture Food Provision System” (na kilala bilang “Mie-ru”) 2021/08/11 Wednesday Anunsyo, Kultura at Libangan 「三重県食品提供システム」(通称「みえ~る」)の参加企業・団体を募集します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Mie Prefecture ay nagbuo ng “Mie Prefecture Food Provision System” (Mie-ken Shokuhin Teikyo System – 三重県食品提供システム), na kilala bilang “Mieru” (みえ~る), para sa supply ng pagkain at maayos na komunikasyon as pagitan ng companies at food bank organizations. Ang layunin ay upang matulungan ang mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng mga aktibidad ng food banks at mabawasan ang food waste. Ang prefecture ay naghahanap ng mga kumpanya at organizations na lumahok bilang mga supplier at recipient ng mga produktong pagkain. Ang mga aktibidad sa food bank ay tumutukoy sa mga aktibidad na hindi kumikita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain na ibis na itapon ay mapupunta sa mga taong nangangailangan. 1 – Ano ang Mieru Pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa supply ng pagkain (pagpasok ng data ng pagkain ng mga supplier, pagtingin at pagpili ng mga tatanggap o recipients) Ang pagtataguyod ng koneksyon (matching) Mutual contact tungkol sa pagtanggap ng mga form at iba pang mga detalye Pagbabahagi ng sitwasyon sa pamamahagi ng pagkain (pagpapasok ng mga supplier,at pagsuri ng mga recipient) 2 – Paano mag-apply Paraan ng pag apply Ang application requests ay maaaring gawin sa Mieru’s homepage (https://www.miefood.jp/). Matapos aprubahan ng gobyerno ng Mie, posible na gamitin ang serbisyo (magagamit sa pamamagitan ng mga computer, tablet at smartphone). Sino ang maaaring mag apply Supplier Food companies at organizations (food production companies, retail stores, wholesale stores), disaster food stock ownership organizations and companies. Recipients Food bank organizations, children’s canteens, social welfare associations, etc. (Mga organisasyon na nagbibigay ng pagkain sa mga taong nangangailangan sa Mie). Amg mga regular na indibidwal ay hindi maaaring makapag apply bilang suppliers o recipient. 3 – Contact (sa wikang Japanese lamang) Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Haikibutsu Taisakukyoku Haikibutsu Recycling-ka Recycling Suishin-han 〒514-8570 Tsu-shi Komei-cho 13 TEL: 059-224-2385 FAX: 059-222-8136 E-mail: haikik@pref.mie.lg.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp