Naghahanap kami ng mga kumpanya at organizations na nais lumahok sa “Mie Prefecture Food Provision System” (na kilala bilang “Mie-ru”)

「三重県食品提供システム」(通称「みえ~る」)の参加企業・団体を募集します

2021/08/06 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang Mie Prefecture ay nagbuo ng “Mie Prefecture Food Provision System” (Mie-ken Shokuhin Teikyo System – 三重県食品提供システム), na kilala bilang “Mieru” (みえ~る), para sa supply ng pagkain at maayos na komunikasyon as pagitan ng companies at food bank organizations.

Ang layunin ay upang matulungan ang mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng mga aktibidad ng food banks at mabawasan ang food waste.  Ang prefecture ay naghahanap ng mga kumpanya at organizations na lumahok bilang mga supplier at recipient ng mga produktong pagkain.

Ang mga aktibidad sa food bank ay tumutukoy sa mga aktibidad na hindi kumikita sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain na ibis na itapon ay mapupunta sa mga taong nangangailangan.

1 – Ano ang Mieru

  1. Pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa supply ng pagkain (pagpasok ng data ng pagkain ng mga supplier, pagtingin at pagpili ng mga tatanggap o recipients)
  2. Ang pagtataguyod ng koneksyon (matching)
  3. Mutual contact tungkol sa pagtanggap ng mga form at iba pang mga detalye
  4. Pagbabahagi ng sitwasyon sa pamamahagi ng pagkain (pagpapasok ng mga supplier,at pagsuri ng mga recipient)

2 – Paano mag-apply

  1. Paraan ng pag apply
    Ang application requests ay maaaring gawin sa Mieru’s homepage (https://www.miefood.jp/). Matapos aprubahan ng gobyerno ng Mie, posible na gamitin ang serbisyo (magagamit sa pamamagitan ng mga computer, tablet at smartphone).
  2. Sino ang maaaring mag apply
  • Supplier

Food companies at organizations (food production companies, retail stores, wholesale stores), disaster food stock ownership organizations and companies.

  • Recipients

Food bank organizations, children’s canteens, social welfare associations, etc. (Mga organisasyon na nagbibigay ng pagkain sa mga taong nangangailangan sa Mie).

  • Amg mga regular na indibidwal ay hindi maaaring makapag apply bilang suppliers o recipient.

3 – Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Haikibutsu Taisakukyoku Haikibutsu Recycling-ka Recycling Suishin-han

〒514-8570 Tsu-shi Komei-cho 13

TEL: 059-224-2385

FAX: 059-222-8136

E-mail: haikik@pref.mie.lg.jp

Tuklasin ang kasaysayan at sining ng Mie! Ipapakilala namin ang 3 na mga exhibition upang inyong bisitahin at tangkilikin ngayong summer!

2021/08/06 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

三重県の歴史やアートに触れてみませんか? 夏休みに楽しめる3つの展示を紹介します。
(感染症対策を徹底して、お出かけください)

Kapag lalabas sa inyong bahay, mangyaring gawin ang mga kinakailangang hakbang sa pag-iingat laban sa Covid-19.

  1. Exhibition “Paglikha ng kapaligiran na ginagalawan ng mga prinsesa ~ Ranasin ang maluho at makinang na mundo ng mga dynasties~” (Saigen! Hime-gimi no Kukan ~Ouchou no Hanayagi to Kagayaki no Sekai he~ – 再現!姫君の空間~王朝の華やぎと輝きの世界へ)
  • Lugar
    Saiku Rekishi Hakubutsukan Special Exhibition Room (斎宮歴史博物館) – Mie-ken Taki-gun Meiwa-cho Takegawa 503)
  • Period
    July 10 (Sabado) hanggang September 5 (Linggo) 2021

9:30 am hanggang 5:00 pm (ang admission ay hanggang 4:30 pm)

Satadong araw: tuwing Lunes, maliban sa August 9th at August 10th

  • Nilalaman

Maaaring maranasan na makita at maramdaman ang mga kapaligiran kung saan ang mga prinsesa ay nanirahan sa pamamagitan ng paggawa mga gamit at paggawa ng damit para sa mga kababaihan mula sa Heian era ayon sa mga kwento at imahe, at paggawa ng mga ng Uchide (打出).

Ang Uchide ay ang kilos ng pagulong ng hems at manggas ng mga damit ng prinsesa sa ilalim ng mga blinds (sudare – 簾).

Para sa iba pang detalye: https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/saiku/)

  • Makipag-ugnayan sa
    Mie-ken Saiku Rekishi Hakubutsukan
    Tel: 0596-52-3800 (sa wikng Japanese lamang)
  1. Exhibition na nilaan para sa special exhibition hall: “Exhibition ng mga sketches at drawing ng mga bata ni Uranaka Kouichi – Ang simula ng animation” (Uranaka Kouichi Ehon Genga-tem Wakuwaku no Hajimari – 浦中こういち絵本原画展 わくわくのはじまり)
  • Lugar

Mie Kenritsu Kumano Kodo Center Special Exhibition Room (三重県立熊野古道センター) – Mie-ken Owase-shi Mukai 12-4)

  • Period

June 26 (Sabado) to September 12 (Linggo) 2021, mula 10am hanggang 5pm

  • Entrance fee
    Libre
  • Nilalaman

Exhibition ng mga films, paper plate theaters at drawing na mula sa children’s story writer at illustrator na si Uranaka Kouichi, isang native ng Odai sa Mie.  Tuklasin ang mundo ng sining ni Uranaka, mga inspirasyon ng pakikipag-ugnayan sa mga bata.

Mie Kenritsu Kumano Kodo Center

Tel: 0597-25-2666 (sa wikang Japanese lamang )

  1. Exhibition ni Miquel Barceló, isang Spanish genius na kinamamanghaan ng mundo
  • Lugar
    Mie Kenritsu Bijutsukan (三重県立美術館) – Mie-ken Tsu-shi Odai-cho 11)
  • Period
    August 14 (Sabado) hanggang October 24 (Linggo) 2021

9:30 am hanggang 5:00 pm (ang admission ay hanggang 4:30 pm)

Saradong araw: tuwing Lunes maliban sa September 20 at September 21s (Martes)

  • Entrance fee
    Adults: ¥1.000 – Students: ¥800 – Students na mas mababa sa high school level: Libre
  • Nilalaman

Ang unang retrospective exhibition na ginanap as Japan ng dynamic st creative na likha na inspired sa nature ni Miquel Barceló.  Bilang karagdagan sa pagpapakita ng kanyang gawa sa chronological order, higit sa 90 na mga piraso ng sculpture at ceramic arts ang ipapakita iba`t ibang mga masining na gawain ng artist.

Para sa iba pang detalye: https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/)

  • Makipag-ugnayan sa

Mie Kenritsu Bijutsukan
Tel: 059-227-2100 (in Japanese only)

Kapag lalabas sa inyong bahay, mangyaring gawin ang mga kinakailangang hakbang sa pag-iingat laban sa Covid-19.