Itinatag na ang Ordinansa para sa Kaligtasan ng Trapiko ng Mie Prefecture

三重県交通安全条例が制定されました

2021/04/07 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan

Ang ordinansa sa kaligtasan ng trapiko ng Mie Prefecture ay itinatag.  Nanawagan ang mga awtoridad sa lahat ng mamamayan na igalang ang mga hakbang sa kaligtasan ng trapiko na pabor para sa isang mas ligtas na lipunan.

  1. Mga responsibilidad ng driver ng sasakyan

Ang pag-iwas o hindi pagpapahintulot sa mga naglalakad mula sa pagtawid ay isang paglabag sa mga batas sa trapiko.

Iwasang magmaneho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol, lumabag sa mga limitasyon sa bilis ng pagtakbo, mapanganib na pagmaneho at pagmamaneho ng mga sasakyan habang gumagamit ng smartphone, atbp.

  1. Mga responsibilidad ng driver ng bisikleta

Bilang isang pangkalahatang tuntunin, ang mga bisikleta ay  minamaneho sa mga kalsada.

Iwasan ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alkohol, makagambala sa mga naglalakad at magmaneho habang gumagamit ng smartphone, atbp.

Magsagawa ng regular na inspeksyon at maintenance ng bisikleta.

  1. Responsibilidad ng mga Pedestrian

Mapanganib na maglakad sa mga kalye ng gumagamit ng smartphone.  Magkaroon ng kamalayan sa inyong paligid, mga tao at sasakyan.

  1. Pag-apply ng liability services para sa mga cyclists at pang insurance systems

Simula Oktubre 1, 2021, magiging mandatory na para sa mga sumusunod na tao na nakasaad sa ibaba upang magrehistro sa liability services para sa mga cyclists at iba pang insurance system.

1 – Cyclists (maliban ang mga menor de edad)

2 – Mga magulang at tagapag-alaga (kung ang menor de edad ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga magulang na nagbibisikleta)

3 – Ang mga tao at kumpanya na gumagamit ng mga bisikleta para sa trabaho

4 – Mga tao at kumpanya na nagbibigay ng mga serbisyo sa pautang sa bisikleta

Tignan ang link sa ibaba (sa wikang Hapon lamang) para sa higit pang mga detalye tungkol sa Ordinansa para sa Kaligtasan ng Trapiko ng Mie Prefecture.

https://www.pref.mie.lg.jp/common/02/ci500015142.htm

Kayo ba ay nakakaranas ng karahasan sa inyong tahanan o domestic violence?

2021/04/07 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan

DV(ドメスティック・バイオレンス)で悩んでいませんか?

Mga halimbawa ng domestic violence:

  • Nasusuntok, nasisipa at binabato ng mga bagay
  • Sinisigawan; pinagsasabihan ng masasama at masasakit
  • Palaging hindi pinapansin
  • Linilimitahan ang pakikipag-ugnayan sa mga pamilya at kaibigan
  • Sinusuri ang iyong mga tawag sa telepono at email nang walang pahintulot
  • Hindi binibigyan ng panggastos sa pang araw-araw na pangangailangan

Kung nararanasan mo ang mga problemang ito, hindi mo kailangang mag-alala mag-isa, mag-iskedyul ng appointment at humingi ng tulong.

Tingnan ang mga call center

DV Sodan + (Government Office – Naikakufu)

Kunsultasyon sa telepono (sa wikang Japanese lamang)

0120-279-889 (24-hour service)

Kunsultasyon sa e-mail (sa wikang Japanese lamang)

https://form.soudanplus.jp/mail (24-horas)

Kunsultasyon via social media (available sa iba’t-ibang linguwahe)

https://form.soudanplus.jp/tl (mula 12 ng tanghali hanggang 10 pm)

 

Referência: Naikakufu DV Sodan + (内閣府DV相談+)

https://soudanplus.jp/index.html