Kayo ba ay nakakaranas ng karahasan sa inyong tahanan o domestic violence?

DV(ドメスティック・バイオレンス)で悩んでいませんか?

2021/03/17 Wednesday Anunsyo

Mga halimbawa ng domestic violence:

  • Nasusuntok, nasisipa at binabato ng mga bagay
  • Sinisigawan; pinagsasabihan ng masasama at masasakit
  • Palaging hindi pinapansin
  • Linilimitahan ang pakikipag-ugnayan sa mga pamilya at kaibigan
  • Sinusuri ang iyong mga tawag sa telepono at email nang walang pahintulot
  • Hindi binibigyan ng panggastos sa pang araw-araw na pangangailangan

Kung nararanasan mo ang mga problemang ito, hindi mo kailangang mag-alala mag-isa, mag-iskedyul ng appointment at humingi ng tulong.

Tingnan ang mga call center

DV Sodan + (Government Office – Naikakufu)

Kunsultasyon sa telepono (sa wikang Japanese lamang)

0120-279-889 (24-hour service)

Kunsultasyon sa e-mail (sa wikang Japanese lamang)

https://form.soudanplus.jp/mail (24-horas)

Kunsultasyon via social media (available sa iba’t-ibang linguwahe)

https://form.soudanplus.jp/tl (mula 12 ng tanghali hanggang 10 pm)

 

Referência: Naikakufu DV Sodan + (内閣府DV相談+)

https://soudanplus.jp/index.html

Ang bilang ng mga dayuhang residente sa prefecture ay bumaba sa 54,854 (- 0,6% noong nakaraang taon)

2021/03/17 Wednesday Anunsyo

県内の外国人住民数が54,854人(前年比-354人、-0.6%)に減少しました

Resulta ng citizenship ng mga dayuhang residente / Panrehiyong Survey ng Populasyon (as of December 31, 2020)

Ang Mie Prefecture ay nagsasagawa ng mga survey nang isang beses sa isang taon sa bilang ng mga dayuhang residente.

Ang balangkas ng mga resulta ng survey ay ang mga sumusunod. Para sa mga detalye, tignan ang website ng Mie Ken Diversity Shakai Suishin-ka (lamang sa japanese).

https://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0011500302.htm

Resulta ng Survey

  1. Bilang ng mga dayuhang naninirahan sa Mie Prefecture sa katapusan ng 2020
    54,854 katao (pagbaba ng 354 katao, -0,6% kaysa sa nakaraang taon)
  2. Porsyento ng mga dayuhang residente sa kabuuang populasyon ng prefecture
    3.05% (+0,01 sa nakaraang taon)
    * Ito ay lumampas sa talaan ng 3.04% noong 2019.
  3. Bilang ng mga dayuhang residente sa nasyonalidad / rehiyon
Ranggo Bansa Residentes Ratio Dagdag/
Bawas ng bilang
Dagdag/
Bawas
Ratio
1 Brasil 13.219 24,1% -81 -0,6%
2 Vietnã 9.156 16,7% 846 10,2%
3 China 7.390 13,5% -887 -10,7%
4 Filipinas 7.266 13,3% -49 -0,7%
5 Coreia do Sul 4.128 7,5% -181 -4,2%
6 Peru 3.094 5,6% 41 1,3%
7 Indonésia 1.871 3,4% -6 -0,3%
8 Tailândia 1.711 3,1% 18 1,1%
9 Nepal 1.476 2,7% -35 -2,3%
10 Bolívia 988 1,8% 18 1,9%
Outros 4.555 8,3% -38 -0,8%
Total 54.854 100,0% -354 -0,6%
  1. Bilang ng mga dayuhang naninirahan sa pamamagitan ng lungsod at bayan Top 10 Munisipalidad
Ranggo Lungsod Residentes Ratio Dagdag/
Bawas ng bilang
Dagdag/
Bawas
Ratio
1 Yokkaichi 10.618 19,4% 92 0.9%
2 Tsu 8.894 16,2% -340 -3.7%
3 Suzuka 8.764 16,0% 106 1,2%
4 Iga 5.575 10,2% -140 -2,4%
5 Kuwana 4.699 8,6% 57 1,2%
6 Matsusaka 4.556 8,3% -39 -0.8%
7 Inabe 2.130 3,9% -86 -3,9%
8 Kameyama 2.031 3,7% -58 -2,8%
9 Ise 1.155 2,1% 60 5,5%
10 Nabari 1,046 1,9% -42 -3,9%
  1. Porsyento ng bilang ng mga dayuhang residente sa pamamagitan ng lungsod at bayan Top 10 munisipalidad
Ranggo Pangalan ng munisipalidad Residentes Bilang ng dayuhan residente Bilang ng populasyon ng hapon
1 Kisosaki 8,47% 525 5.670
2 Iga 6,21% 5.575 84.196
3 Inabe 4,69% 2.130 43.263
4 Suzuka 4,40% 8.764 190.328
5 Kameyama 4,10% 2.031 47.525
6 Kawagoe 4,07% 620 14.613
7 Yokkaichi 3,41% 10.618 300.733
8 Kuwana 3,33% 4.699 136.592
9 Tsu 3,22% 8.894 267.178
10 Matsusaka 2,81% 4.556 157.442
Total 3,05% 54.854 1.745.866