Mga Pagbabago sa Impormasyon ng Emergency Evacuation!! 災害時の避難情報が新しくなりました。あわせて、「三重県多言語避難所マップ」で災害の基本を確認してください。 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2021/06/11 Friday Anunsyo, Kurso tungkol sa kalamidad Ang impormasyon tungkol sa paglilikas o pag-evacuate tuwing may nagaganap na isang sakuna ay binago. Mangyaring tignan din ang pangunahing impormasyon tungkol sa mga sakuna ” Mapa ng mga Evacuation Site sa Mie Prefecture sa Iba’t-ibang Linguwahe”. (Mie-ken Tagengo Hinan-jo Map – 三重県多言語避難所マップ). Noong Mayo 2021, Ang Disaster Countermeasures Basic Law (Saigai Taisaku Kihon-ho – 災害対策基本法) ay binago upang mapabuti ang impormasyon sa paglisan sa sakaling magkaroon ng isang sakuna. Ang pangunahing binago ay ang Evacuation Advisory na “Hinan Kankoku” at ang Evacuation Order (emergency) na “Hinan Shiji”, ito ay pinag-isa at tatawagin na lamang bilang “Evacuation Order (Hinan Shiji)”. Hanggang ngayon, ang pagkakaiba sa pagitan ng mga evacuation advisory at mga evacuation order (emergency) ay hindi lubos na naintindihan ng marami, at iyon ang dahilan kung bakit maraming mga tao ang naapektuhan sa panahon ng mga sakuna dahil sa pagkaantala sa paglisan dahil hindi sila lumikas sa oras ng mga evacuate advisory kung saan dapat na sana silang lumikas. Sa lahat ng mamamayan ng Mie Gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili alinsunod sa impormasyon tungkol sa paglikas na inihayag ng mga munisipalidad. Alert Level 3 – Paglikas ng mga matatanda, atbp. Ito ay isang sitwasyon kung may panganib na maganap ang isang sakuna at ang mga taong nangangailangan ng mas maraming oras upang lumikas, tulad ng mga matatanda at mga taong may kapansanan, ay dapat tumakas palayo sa mga mapanganib na lugar at lumikas. Alert Level 4 – Evacuation Order Ito ay isang sitwasyon kung saan mataas ang peligro ng isang sakuna. Ang bawat tao ay dapat tumakas palayo sa mga mapanganib na lugar at lumikas. Alert Level 5 – Mga hakbang uang masiguro ang kaligtasan Ito ay isang sitwasyon kung saan ang isang sakuna ay nalalapit na o naganap na at ang mga buhay ay nasa peligro. Humanap kaagad at pumunta sa ligtas na lugar. Government Office: “Mag evacuate ng alinsunod sa Evacuation Order. Ang Evacuation Recommendation natapos na” (ang pamphlets ay sa wikang Japanese lamang) Probinsya ng Mie: “The Evacuation Information has been updated” https://www.pref.mie.lg.jp/STAISAKU/HP/000249704.htm Mie Prefecture Evacuation Sites Map as Iba’t-ibang Linguwahe Sa Mie Prefecture Multilingual Evacuatio Site Map, may mga impormasyong tungkol sa mga sakuna at kung ano ang gagawin kapag nangyari ang isang sakuna. Ang lokasyon ng mga evacuation site ay maaaring suriin sa pamamagitan ng Google Maps. 三重県多言語避難所マップ Mapa de abrigos multilíngue da Província de Mie TỈNH MIE BẢN ĐỒ HƯỚNG DẪN KHI CÓ TRƯỜNG HỢP KHẨN CẤP 三重县多国语言避难所指南 Ibat ibang Bersyon ng Lengwahe ng Mapa ng lugar na Paglilikasan sa Mie Prefecture Mapa multilingüe de refugios de Mie ken Multilingual Versions of Mie Prefecture Evacuation Sites Map Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Vehicle Tax 2021: Huwag kalimutang magbayad hanggang sa nakatakdang deadline 2021 Tsu Advanced Vocational Technical Training School Open Campus » ↑↑ Next Information ↑↑ Vehicle Tax 2021: Huwag kalimutang magbayad hanggang sa nakatakdang deadline 2021/06/11 Friday Anunsyo, Kurso tungkol sa kalamidad 2021年・自動車税は納期限までに納めましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang deadline sa pagbayad ng buwis sa sasakyan ngayong taon ay hanggang Mayo 31 (Lunes). Ang buwis sa sasakyan ay dapat bayaran nang isang beses sa isang taon ng sinumang may-ari ng sasakyan. Ang buwis na ito ay ginagamit sa iba’t ibang mga serbisyong pang-administratibo sa Mie Prefecture tulad ng: edukasyon sa paaralan, pagpapabuti sa kalusugan, medical care at welfare, mga imprastrakturang pangpubliko ng transportasyon, seguridad sa trabaho, mga hakbang sa pag-iingat laban sa natural na mga sakuna, atbp. Magpapadala ang Mie Prefecture ng isang asul na sobre sa lahat ng mga may-ari ng sasakyan. Dalhin ang “payment invoice” (noufusho-納付書) na nakapaloob sa natanggap na envelope sa isang financial institution o convenience store para makapagbayad. Bilang karagdagan, maaari ding bayaran ang buwis sa pamamagitan ng credit card (eksklusibo para sa pagbabayad sa Internet) o mga aplikasyon sa pagbabayad para sa mga smartphone. Kung ang pagbabayad ay hindi nagawa hanggang sa takdang petsa, ang “late payment (entaikin – 延滞金)” ay sisingilin kasama ng halagang tinukoy sa invoice. At, para sa mga hindi nagbabayad kahit na makatanggap ng mga babalang sulat at iba pang mga dokumento, ang parusa na tinutukoy ng batas ay ilalapat, na kasama, halimbawa, ang pag-kuha o seizure ng mga sasakyan, suweldo, mga kagamitan, mga ari-arian, atbp. Huwag kalimutang magbayad hanggang Mayo 31 (Lunes). Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp