Vehicle Tax 2021: Huwag kalimutang magbayad hanggang sa nakatakdang deadline 2021年・自動車税は納期限までに納めましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2021/05/17 Monday Anunsyo Ang deadline sa pagbayad ng buwis sa sasakyan ngayong taon ay hanggang Mayo 31 (Lunes). Ang buwis sa sasakyan ay dapat bayaran nang isang beses sa isang taon ng sinumang may-ari ng sasakyan. Ang buwis na ito ay ginagamit sa iba’t ibang mga serbisyong pang-administratibo sa Mie Prefecture tulad ng: edukasyon sa paaralan, pagpapabuti sa kalusugan, medical care at welfare, mga imprastrakturang pangpubliko ng transportasyon, seguridad sa trabaho, mga hakbang sa pag-iingat laban sa natural na mga sakuna, atbp. Magpapadala ang Mie Prefecture ng isang asul na sobre sa lahat ng mga may-ari ng sasakyan. Dalhin ang “payment invoice” (noufusho-納付書) na nakapaloob sa natanggap na envelope sa isang financial institution o convenience store para makapagbayad. Bilang karagdagan, maaari ding bayaran ang buwis sa pamamagitan ng credit card (eksklusibo para sa pagbabayad sa Internet) o mga aplikasyon sa pagbabayad para sa mga smartphone. Kung ang pagbabayad ay hindi nagawa hanggang sa takdang petsa, ang “late payment (entaikin – 延滞金)” ay sisingilin kasama ng halagang tinukoy sa invoice. At, para sa mga hindi nagbabayad kahit na makatanggap ng mga babalang sulat at iba pang mga dokumento, ang parusa na tinutukoy ng batas ay ilalapat, na kasama, halimbawa, ang pag-kuha o seizure ng mga sasakyan, suweldo, mga kagamitan, mga ari-arian, atbp. Huwag kalimutang magbayad hanggang Mayo 31 (Lunes). Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Special Exhibition sa Mie Art Museum: “Jakuchu at ang Fine Arts ng Kyoto – Masterpieces mula sa Hosomi Collection” Mga Pagbabago sa Impormasyon ng Emergency Evacuation!! » ↑↑ Next Information ↑↑ Special Exhibition sa Mie Art Museum: “Jakuchu at ang Fine Arts ng Kyoto – Masterpieces mula sa Hosomi Collection” 2021/05/17 Monday Anunsyo 三重県立美術館企画展「若冲と京の美術 ― 京都 細見コレクションの精華」 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Mie Arts Museum (Mie Kenritsu Bijutsuka-三重県立美術館) ay magsasagawa ng exhibit sa 15 na obra ni Ito Jakuchu (伊藤 若冲), ipinanganak noong 1716 at namatay noong 1800, mula sa koleksyon na kabilang sa Hosomi Museum of Arts sa Kyoto. Ang museo ay magpapakita din ng maraming mga sinaunang artifact na maghahayag ng kasaysayan at kultura ng metropolis (Miyako- 京) kung saan ipinanganak at lumaki si Jakuchu. Mangyaring sumali at lumahok sa eksibisyon na ito at kilalanin ang mga kagandahan ng sining ni Ito Jakuchu, isang tanyag na pintor ng panahon ng Edo era. Exhibibition period April 10 (Sabado) hanggang May 23 (Linggo) 2011 Opening hours 9:30 am hanggang 5:00 pm (magpapa-pasok hanggang 4:30 pm) Saradong mga araw Tuwing lunes (maliban sa May 3), at May 6 (Huwebes) Entrance fee Adults: ¥1.000 Students: ¥800 Mga students na below high school ang edad (koko): Libre Dapat magpakita ang mga estudyante ng kanilang identification card o student ID. *Sakop din sa bayad ang limited-time exhibition na tinatawag na “Shohaku and the Beauties of Ise” (Shohaku to Ise no Bijutsu – 蕭白(しょうはく)と伊勢の美術), at ang regular na exhibition na “Museum Collections” (Bijutsukan no Colection – 美術館のコレクション) at “The Art of Yanagihara Yoshitatsu” (Yanagihara Yoshitatsu no Geijutsu- 柳原義達(やなぎはらよしたつ)の芸術). Links at mga Kaugnay na Articles (tingnan ang mga detalye sa mga link sa ibaba) Mie Art Museum: “Jakuchu at Fine Arts sa Kyoto” (Jakuchu to Miyako no Bijutsu – 若冲と京の美術), in Japanese https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/000248057.htm Mie Art Museum: “Jakuchu at Fine Arts sa Kyoto”, sa wikang English https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/000248072.htm Impormasyon tungkol sa “Jakuchu at Fine Arts sa Kyoto” (sa wikang Japanese) – 5MB https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000937746.pdf Press Release para sa “Jakuchu at the Fine Arts sa Kyoto” (sa wikang Japanese) – 5MB https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000937747.pdf Makipag-ugnayan sa Mie Arts Museum 〒514-0007 Mie-ken Tsu-shi Otani-cho 11 TEL: 059-227-2100 FAX: 059-223-0570 http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/index.shtm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp