2021 Tsu Advanced Vocational Technical Training School Open Campus 2021年 津高等技術学校 オープンキャンパスを開催します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2021/06/15 Tuesday Anunsyo, Edukasyon, Karera Ang Tsu Advanced Vocational Technical Training School ay isang propesyonal na paaralan sa pagpapaunlad ng mga kasanayan sa Mie Prefecture na nagsasanay at kinakwalipikado ang mga tao na magtrabaho sa pang-industriya na merkado. Sa Tsu Advanced Vocational Technical Training School, bilang karagdagan sa mga mag-aaral na natututo mula sa pangunahing kaalaman sa paglalapat ng mga kinakailangang skills at kasanayan, hinihikayat ng paaralan ang pagkuha ng iba’t ibang mga sertipiko na kinakailangan para sa job market at pambansang sertipikasyon ng pagsusulit ayon sa uri ng trabaho. Ang Open Campus na ito ay gaganapin din ngayong taon. School Tour (hindi kinakailangang magparehistro at walang limitasyon sa kapasidad) Target na madla: mga taong interesado sa mga manu-manong aktibidad at paggawa ng mga bagay Mga detalye ng tour: introduction ng paaralan, pagbisita sa mga pasilidad at praktikal na silid-aralan, pagpapakita ng kagamitan at sesyon ng pagtatanong. Petsa: June 12 (Sabado) / August 24 (Martes) Oras ng pagdating: 1:00 pm hanggang 1:30 pm Horas ng tour: 1:30 pm hanggang 3:00 pm Practical Classes (kailangan magpa-register. Maximum na kapasidad ng 10 katao sa umaga at hapon na alternate para sa bawat kurso) Target na madla: students o high school graduates (koko) Nilalaman ng practical classes (plano) Machine control systems course (Kikai Seigyo Shisutemu-ka): experimental classes sa metal processing, 3DCAD at numerical control machines. Information course sa electrical controls (Denshi Seigyo Joho-ka): experimental classes sa augmented reality, production ng IoT equipment at development ng line trace robots. Automotive technician course (Jidousha Gijutsu-ka): experimental classes sa pag assembly ng automotive engines at inspection at diagnosis ng automobiles. Metallurgy course (Metal Craft-ka): experimental classes sa painting automotive metal plates at producing objects using numerical control machines. Mga Petsa: Agosto 3 (Martes), Agosto 4 (Miyerkules) at Agosto 5 (Huwebes) Klase sa umaga Paliwanag, pagpapalit ng damit at transportasyon sa praktikal na silid aralan: mula 9:00 ng umaga Praktikal na klase: mula 9:30 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga Klase sa hapon Paliwanag, pagpapalit ng damit at transportasyon sa praktikal na silid aralan: mula 1:00 ng hapon Praktikal na klase: mula 1:30 ng hapon hanggang 3:30 ng hapon Registration Kailangan ang pagpaparehistro para sa mga praktikal na klase. Punan ang mga kinakailangang item sa application form, at ipadala ito sa pamamagitan ng FAX o email. Ang panahon ng pagpaparehistro ay nasa pagitan ng Hunyo 1 (Martes) at Hulyo 14 (Miyerkules) hanggang 5 ng hapon. * Lahat ng nilalaman at mga paliwanag ay nasa wikang Japanese. Walang taga-translate. Link para makita ang Open Campus (as Japanese na wika lamang): https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/entrance/kengaku.html I-click dito upang mabuksan ang flyer ng Open Campus I-click dito upang mabuksan ang Application Form Contact information Mie Kenritsu Tsu Koutou Gijutsu Gakkou (Tsu Advanced Vocational Technical Training School) Address: 〒514-0817 Tsu-shi Takachaya Komori-cho 1176-2 (along route no.165) TEL: 059-234-2839 FAX: 059-234-3668 E-mail: kikaku@kr.tcp-ip.or.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mga Pagbabago sa Impormasyon ng Emergency Evacuation!! Mga pagbabago sa petsa ng holiday sa taong 2021 dahil sa Tokyo Olympics » ↑↑ Next Information ↑↑ Mga Pagbabago sa Impormasyon ng Emergency Evacuation!! 2021/06/15 Tuesday Anunsyo, Edukasyon, Karera 災害時の避難情報が新しくなりました。あわせて、「三重県多言語避難所マップ」で災害の基本を確認してください。 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang impormasyon tungkol sa paglilikas o pag-evacuate tuwing may nagaganap na isang sakuna ay binago. Mangyaring tignan din ang pangunahing impormasyon tungkol sa mga sakuna ” Mapa ng mga Evacuation Site sa Mie Prefecture sa Iba’t-ibang Linguwahe”. (Mie-ken Tagengo Hinan-jo Map – 三重県多言語避難所マップ). Noong Mayo 2021, Ang Disaster Countermeasures Basic Law (Saigai Taisaku Kihon-ho – 災害対策基本法) ay binago upang mapabuti ang impormasyon sa paglisan sa sakaling magkaroon ng isang sakuna. Ang pangunahing binago ay ang Evacuation Advisory na “Hinan Kankoku” at ang Evacuation Order (emergency) na “Hinan Shiji”, ito ay pinag-isa at tatawagin na lamang bilang “Evacuation Order (Hinan Shiji)”. Hanggang ngayon, ang pagkakaiba sa pagitan ng mga evacuation advisory at mga evacuation order (emergency) ay hindi lubos na naintindihan ng marami, at iyon ang dahilan kung bakit maraming mga tao ang naapektuhan sa panahon ng mga sakuna dahil sa pagkaantala sa paglisan dahil hindi sila lumikas sa oras ng mga evacuate advisory kung saan dapat na sana silang lumikas. Sa lahat ng mamamayan ng Mie Gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang iyong sarili alinsunod sa impormasyon tungkol sa paglikas na inihayag ng mga munisipalidad. Alert Level 3 – Paglikas ng mga matatanda, atbp. Ito ay isang sitwasyon kung may panganib na maganap ang isang sakuna at ang mga taong nangangailangan ng mas maraming oras upang lumikas, tulad ng mga matatanda at mga taong may kapansanan, ay dapat tumakas palayo sa mga mapanganib na lugar at lumikas. Alert Level 4 – Evacuation Order Ito ay isang sitwasyon kung saan mataas ang peligro ng isang sakuna. Ang bawat tao ay dapat tumakas palayo sa mga mapanganib na lugar at lumikas. Alert Level 5 – Mga hakbang uang masiguro ang kaligtasan Ito ay isang sitwasyon kung saan ang isang sakuna ay nalalapit na o naganap na at ang mga buhay ay nasa peligro. Humanap kaagad at pumunta sa ligtas na lugar. Government Office: “Mag evacuate ng alinsunod sa Evacuation Order. Ang Evacuation Recommendation natapos na” (ang pamphlets ay sa wikang Japanese lamang) Probinsya ng Mie: “The Evacuation Information has been updated” https://www.pref.mie.lg.jp/STAISAKU/HP/000249704.htm Mie Prefecture Evacuation Sites Map as Iba’t-ibang Linguwahe Sa Mie Prefecture Multilingual Evacuatio Site Map, may mga impormasyong tungkol sa mga sakuna at kung ano ang gagawin kapag nangyari ang isang sakuna. Ang lokasyon ng mga evacuation site ay maaaring suriin sa pamamagitan ng Google Maps. 三重県多言語避難所マップ Mapa de abrigos multilíngue da Província de Mie TỈNH MIE BẢN ĐỒ HƯỚNG DẪN KHI CÓ TRƯỜNG HỢP KHẨN CẤP 三重县多国语言避难所指南 Ibat ibang Bersyon ng Lengwahe ng Mapa ng lugar na Paglilikasan sa Mie Prefecture Mapa multilingüe de refugios de Mie ken Multilingual Versions of Mie Prefecture Evacuation Sites Map Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp