Mag-ingat sa heatstroke!

熱中症に注意!

2023/07/05 Wednesday Anunsyo, Kalusugan at kapakanan

Ang heatstroke ay nangyayari kapag ang balanse ng tubig at asin ng katawan ay naabala dahil sa matagal na pagkakalantad sa mataas na temperatura at halumigmig.  Ang thermoregulatory system ng katawan ay hindi gumagana nang maayos at ang init ay naipon sa katawan.

Ito ay maaaring mangyari kahit na nasa loob ng bahay.  Maaari itong magresulta sa emerhensiyang medikal na paggamot at sa ilang mga kaso, kamatayan.

Pag-iwas sa Heatstroke

  • Magsuot ng sombrero o mag payong at magsuot ng malamig at manipis na bentilasyong damit.
  • Magdala ng inumin at uminom ng tubig at electrolytes (asin) nang madalas.
  • Buksan ang mga bintana upang mapabuti ang bentilasyon.
  • Gumamit ng mga kurtina at blinds upang harangan ang araw at maiwasan ang pagtaas ng temperatura ng silid na kinaroroonan mo.
  • Gumamit ng bentilador o air conditioning system, dahil ang sakit ay maaaring mangyari sa loob ng bahay o habang natutulog.
  • Mag-ingat lalo na sa maliliit na bata at matatanda, dahil mas madaling kapitan sila ng heat stroke.

Sintomas ng Heatstroke

  • Pagkahilo, vertigo at pagduduwal.
  • Mga cramp sa mga binti at paa.
  • Sobrang pagpapawis.
  • Panghihina ng katawan
  • Sobrang pananakit ng ulo.
  • Pamamanhid ng mga braso at binti.

Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito

  • Magpahinga sa isang malamig na lugar.
  • Tumawag kaagad ng ambulansya kung hindi ka makainom nang mag-isa, masama ang pakiramdam, nahihilo o may mabagal na reaksyon.

Herpangina outbreak sa mga bata (Hunyo 2023)

2023/07/05 Wednesday Anunsyo, Kalusugan at kapakanan

子どものヘルパンギーナが流行しています(2023年6月)

Ang Herpangina ay lumlaganap sa Mie Prefecture, lalo na sa mga bata kaya mag-ingat sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay ng maigi at pagmumog.

Ano ang herpangina?

Ang Herpangina ay isang viral pharyngitis na kadalasang laganap sa mga batang may edad na 0 hanggang 6 na taong gulang, mula bandang Mayo hanggang mag summer.  Ito ay isang tipikal na trangkaso sa summer.

Mga sintomas

Ang sintomas ng sakit ay lagnat at isang paltos o pantal sa oral mucosa.

Lagnat at namamagang lalamunan.  Lumilitaw ang mga sugat sa oral cavity.

Ang lagnat ay maaaring may kasamang febrile seizure, ngunit ang prognosis sa karamihan ng mga kaso ay hindi naman malala

Ruta ng impeksyon

Pakikipag-ugnayan at contact sa pamamagitan ng mga droplet ng virus sa tae, ubo at pagbahin ng mga pasyente.

Paggamot

Symptomatic na paggamot para sa lagnat at iba pang sintomas.  Mahalaga ang pag-iwas dahil walang mabisang bakuna.

Mga hakbang na maaaring gawin sa bahay

Ang mga virus ay maaaring mailabas sa dumi ng mahabang panahon (2 hanggang 4 na linggo) pagkatapos ng paggaling.  Ang masusing paghuhugas ng kamay at pagmumog ay mabisang paraan upang maiwasan ang impeksiyon.  Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga taong may mga sintomas at huwag mag share ng mga tuwalya o iba pang mga bagay.