
Ang Herpangina ay lumlaganap sa Mie Prefecture, lalo na sa mga bata kaya mag-ingat sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay ng maigi at pagmumog.
Ano ang herpangina?
Ang Herpangina ay isang viral pharyngitis na kadalasang laganap sa mga batang may edad na 0 hanggang 6 na taong gulang, mula bandang Mayo hanggang mag summer. Ito ay isang tipikal na trangkaso sa summer.
Mga sintomas
Ang sintomas ng sakit ay lagnat at isang paltos o pantal sa oral mucosa.
Lagnat at namamagang lalamunan. Lumilitaw ang mga sugat sa oral cavity.
Ang lagnat ay maaaring may kasamang febrile seizure, ngunit ang prognosis sa karamihan ng mga kaso ay hindi naman malala
Ruta ng impeksyon
Pakikipag-ugnayan at contact sa pamamagitan ng mga droplet ng virus sa tae, ubo at pagbahin ng mga pasyente.
Paggamot
Symptomatic na paggamot para sa lagnat at iba pang sintomas. Mahalaga ang pag-iwas dahil walang mabisang bakuna.
Mga hakbang na maaaring gawin sa bahay
Ang mga virus ay maaaring mailabas sa dumi ng mahabang panahon (2 hanggang 4 na linggo) pagkatapos ng paggaling. Ang masusing paghuhugas ng kamay at pagmumog ay mabisang paraan upang maiwasan ang impeksiyon. Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga taong may mga sintomas at huwag mag share ng mga tuwalya o iba pang mga bagay.