Bagong swimming pool na bubuksan sa Kumanonada Rinkai Park

熊野灘臨海公園に新プールがオープンします

2023/07/07 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Isang bagong swimming pool sa prefectural urban park, ang Kumanonada Rinkai Kouen (Kihok-cho), ay magbubukas sa Hulyo 16, 2023 (Linggo).  Ang “infinity pool”, kung saan tila iisa ang pool at ang langit, ay nag-aalok ng napakagandang tanawin ng dagat ng Kumanonada.  Ang pool ng mga bata ay nilagyan ng higanteng balde at maaaring tangkilikin ng mga bata at matatanda.  Halina’t bumisita!

i-click dito upang makita ang Jonohama Pool & Beach website

Lokasyon

Kitamuro-gun Kihoku-cho Higashinagashima Jonohama

Petsa at oras ng pagbubukas

Hulyo 16, 2023 (Linggo) sa ganap na 11am  (forecast)

Mga Bayad sa Pool (*Lahat ng presyo ay tax included)

  • Mga nasa hustong gulang (mga mag-aaral sa high school pataas): ¥1,100
  • Mga bata (mula edad 3 hanggang elementarya): ¥550
  • Libre ang mga batang wala pang 3 taong gulang.
  • 50% na discount para sa mga taong may sertipiko ng kapansanan (mga matatanda ¥550, mga bata ¥270, libre ang isang kasama))

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Kiinagashima Recreation Toshi Kaihatsu Kabushikigaisha: 0597-47-5371

Mag-ingat sa heatstroke!

2023/07/07 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

熱中症に注意!

Ang heatstroke ay nangyayari kapag ang balanse ng tubig at asin ng katawan ay naabala dahil sa matagal na pagkakalantad sa mataas na temperatura at halumigmig.  Ang thermoregulatory system ng katawan ay hindi gumagana nang maayos at ang init ay naipon sa katawan.

Ito ay maaaring mangyari kahit na nasa loob ng bahay.  Maaari itong magresulta sa emerhensiyang medikal na paggamot at sa ilang mga kaso, kamatayan.

Pag-iwas sa Heatstroke

  • Magsuot ng sombrero o mag payong at magsuot ng malamig at manipis na bentilasyong damit.
  • Magdala ng inumin at uminom ng tubig at electrolytes (asin) nang madalas.
  • Buksan ang mga bintana upang mapabuti ang bentilasyon.
  • Gumamit ng mga kurtina at blinds upang harangan ang araw at maiwasan ang pagtaas ng temperatura ng silid na kinaroroonan mo.
  • Gumamit ng bentilador o air conditioning system, dahil ang sakit ay maaaring mangyari sa loob ng bahay o habang natutulog.
  • Mag-ingat lalo na sa maliliit na bata at matatanda, dahil mas madaling kapitan sila ng heat stroke.

Sintomas ng Heatstroke

  • Pagkahilo, vertigo at pagduduwal.
  • Mga cramp sa mga binti at paa.
  • Sobrang pagpapawis.
  • Panghihina ng katawan
  • Sobrang pananakit ng ulo.
  • Pamamanhid ng mga braso at binti.

Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito

  • Magpahinga sa isang malamig na lugar.
  • Tumawag kaagad ng ambulansya kung hindi ka makainom nang mag-isa, masama ang pakiramdam, nahihilo o may mabagal na reaksyon.