Training Course para sa mga Medical Interpreters 2022

2022年 医療通訳育成研修の受講者を募集します


Maraming dayuhan ang nahihirapang makipag-usap nang maayos sa mga doktor at nurse. Mahalaga ang mga medical interpreter sa pagtulong sa magkabilang panig na makipag-usap.

Sa kursong ito, ituturo ang kinakailangang kaalaman para sa medical interpretation at etika sa ospital, gayundin ang mga diskarte sa pag-interpret ng harap-harapan at mga konsultasyon sa telepono.

Matatapos ang pagpaparehistro sa Agosto 10 (Miyerkules), at libre ang bayad sa kurso.

Mga wika kung saan isasagawa ang kurso

Portuguese, Vietnamese, Filipino, Spanish

Selection test

Agosto 20 (Sabado), mula 2pm hanggang 3:30pm

Ang pagsusulit ay gagawin online sa pamamagitan ng Zoom.

Pakitingnan ang link sa ibaba (serbisyo sa Japanese lang) para sa mga detalye tulad ng target na audience, petsa at oras ng pagsasanay, at kung paano mag-apply.

Tignan dito para sa explanatory pamphlet

Tignan dito para sa registration form

Contact

Mie International Exchange Foundation (MIEF) – Person-in-charge: Uto (宇藤) at si Ito (伊藤)

Address: 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 (UST Tsu 3F)

TEL: 059-223-5006

FAX: 059-223-5007

E-mail: mief@mief.or.jp

http://www.mief.or.jp

Source: Mie Prefecture Homepage

Seminar para sa Pag-aaral ng Electric Arc Welding para sa mga Dayuhan

外国籍の方対象 アーク溶接特別教育の受講者を募集します

Petsa

  • Ika-unang beses: Setyembre 12 hanggang 14, 2022 (3 araw)

8:40 am hanggang 5:00 pm
*Panahon ng pagpaparehistro sa pagitan ng Agosto 1 at Setyembre 1, 2022

  • Ikalawang beses: 15 to 17 March 2023 (3 days)

8:40 am to 5:00 pm
* Panahon ng aplikasyon sa pagitan ng ika-1 ng Pebrero at ika-1 ng Marso, 2023

Sino ang maaaring mag-apply

  1. Mga taong nangangailangan ng pagsasanay sa kaligtasan sa paggamit ng electric arc welding equipment
  2. Mga dayuhan na may stay visa nang walang restriction pagdating sa pagta-trabaho

* Gayunpaman, kakailanganin marunong magsulat at magbasa ng hiragana at nakakapagsalita ng daily conversational Japanese.

Capacity

5 katao kada session (first come first serve)

Registration fee

¥8,000 (kasama ang textbooks atbp.)

Nilalaman ng training

Ang mga klase sa espesyal na edukasyon ay gaganapin alinsunod sa Occupational Safety and Hygiene Laws. Matututuhan mo kung paano gumamit ng electric arc welding equipment. Kapag nakapagtapos, makakatanggap ka ng certificate of completion “Ark Yousetsu Tokubetsu Kyouiku Shuryo-sho (アーク溶接特別教育終了証)”.

Paraan ng enrollment

  1. . Tawagan ang “Mie-ken Jinzai Kaihatsu Center (三重県人材開発センター)” sa panahon ng aplikasyon (TEL: 059-234-6883), bukas mula 9:00 hanggang 16:30 sa mga karaniwang araw (sa wikang Japanese lamang)
  2. Pagkatapos tumawag, pumunta sa Mie-ken Jinzai Kaihatsu Center at kumpletuhin ang mga pamamaraan ng pagpaparehistro (〒514-0817 Mie-ken Tsu-shi Takachaya Omori-cho 1176-2).

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Jinzai Kaihatsu Center, sa loob ng Tsu Technical School – Mie Kenritsu Tsu Koto Gijutsu Gakko (三重県立津高等技術学校)

Address: 〒514-0817 Mie-ken Tsu-shi Takachaya Omori-cho 1176-2

TEL: 059-234-6883

E-mail: jcenter@kr.tcp-ip.or.jp

Mga flyer sa ibaba: