Nais Malaman ng Mie Prefecture ang Iyong Opinyon tungkol sa Junior High School Evening Class (Yakan Chuugaku)

夜間中学について皆さんの意見を聞かせてください。

2022/08/09 Tuesday Anunsyo, Edukasyon

Tinitingnan ng Mie Education Committee ang posibilidad na ma-establish ng Junior High School Evening Classes (Yakan Chugaku – 夜間中学)* sa prefecture. Ang mga opisyal ay nangangalap ng mga opinyon ng maraming tao sa pamamagitan ng survey na ito upang maghanda ng mga kaugnay na dokumento upang pag-aralan kung mag sasagawa ba ng Junior High evening classes. Hinihiling ng gobyerno ang kooperasyon ng lahat.

* Ang Yakan Chugaku ay isang junior high school kung saan ang mga klase ay ginaganap sa gabi.

Tingnan ang survey dito (i-click sa iyong gustong wika)

Survey Period

Hulyo 15 hanggang Setyembre 9, 2022

Mga taong maaaring sumali sa panggabing class

Dapat ay 15 taong gulang at:

  • Nabigong makapagtapos sa elementarya (shogakko) at/o mataas na paaralan (chugakko)
  • Mga dayuhan na hindi makapag-aral ng kolehiyo (koko) dahil wala silang sertipiko ng pagtatapos sa high school.

Tungkol sa evening class

  • Ang buwanang bayad ay libre
  • May mga klase 5 beses sa isang linggo o araw-araw
  • Ang nilalaman ng klase ay kapareho ng sa mga day school
  • Ang mga klase ay ituturo ng mga kuwalipikadong guro
  • Kung natapos ang buong kurikulum, ang mag-aaral ay magtatapos sa chugakko

Example of class schedules

  • 17:45~ (Orientation)
  • 17:55~ (First period), 40 minutes
  • 18:40~ (Second period), 40 minutes
  • 19:30~ (Third period), 40 minutes
  • 20:15~ (Fourth period), 40 minutes
  • 20:55~ End of class

* Sa kasalukuyan, ang gobyerno ng Mie ay nagtitipon ng mga kalahok para sa Manamie: Mie Teaching Night School. Mag-click dito para sa higit pang mga detalye

Contact (sa wikang Japanese lang).

Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shochugakko Kyoiku-ka

(三重県教育委員会事務局 小中学校教育課)

TEL: 059-224-2963

Training Course para sa mga Medical Interpreters 2022

2022/08/09 Tuesday Anunsyo, Edukasyon

2022年 医療通訳育成研修の受講者を募集します

Maraming dayuhan ang nahihirapang makipag-usap nang maayos sa mga doktor at nurse. Mahalaga ang mga medical interpreter sa pagtulong sa magkabilang panig na makipag-usap.

Sa kursong ito, ituturo ang kinakailangang kaalaman para sa medical interpretation at etika sa ospital, gayundin ang mga diskarte sa pag-interpret ng harap-harapan at mga konsultasyon sa telepono.

Matatapos ang pagpaparehistro sa Agosto 10 (Miyerkules), at libre ang bayad sa kurso.

Mga wika kung saan isasagawa ang kurso

Portuguese, Vietnamese, Filipino, Spanish

Selection test

Agosto 20 (Sabado), mula 2pm hanggang 3:30pm

Ang pagsusulit ay gagawin online sa pamamagitan ng Zoom.

Pakitingnan ang link sa ibaba (serbisyo sa Japanese lang) para sa mga detalye tulad ng target na audience, petsa at oras ng pagsasanay, at kung paano mag-apply.

Tignan dito para sa explanatory pamphlet

Tignan dito para sa registration form

Contact

Mie International Exchange Foundation (MIEF) – Person-in-charge: Uto (宇藤) at si Ito (伊藤)

Address: 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 (UST Tsu 3F)

TEL: 059-223-5006

FAX: 059-223-5007

E-mail: mief@mief.or.jp

http://www.mief.or.jp

Source: Mie Prefecture Homepage