Special Exhibition sa Mie Art Museum: “Jakuchu at ang Fine Arts ng Kyoto – Masterpieces mula sa Hosomi Collection” 三重県立美術館企画展「若冲と京の美術 ― 京都 細見コレクションの精華」 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2021/05/02 Sunday Anunsyo, Kultura at Libangan Ang Mie Arts Museum (Mie Kenritsu Bijutsuka-三重県立美術館) ay magsasagawa ng exhibit sa 15 na obra ni Ito Jakuchu (伊藤 若冲), ipinanganak noong 1716 at namatay noong 1800, mula sa koleksyon na kabilang sa Hosomi Museum of Arts sa Kyoto. Ang museo ay magpapakita din ng maraming mga sinaunang artifact na maghahayag ng kasaysayan at kultura ng metropolis (Miyako- 京) kung saan ipinanganak at lumaki si Jakuchu. Mangyaring sumali at lumahok sa eksibisyon na ito at kilalanin ang mga kagandahan ng sining ni Ito Jakuchu, isang tanyag na pintor ng panahon ng Edo era. Exhibibition period April 10 (Sabado) hanggang May 23 (Linggo) 2011 Opening hours 9:30 am hanggang 5:00 pm (magpapa-pasok hanggang 4:30 pm) Saradong mga araw Tuwing lunes (maliban sa May 3), at May 6 (Huwebes) Entrance fee Adults: ¥1.000 Students: ¥800 Mga students na below high school ang edad (koko): Libre Dapat magpakita ang mga estudyante ng kanilang identification card o student ID. *Sakop din sa bayad ang limited-time exhibition na tinatawag na “Shohaku and the Beauties of Ise” (Shohaku to Ise no Bijutsu – 蕭白(しょうはく)と伊勢の美術), at ang regular na exhibition na “Museum Collections” (Bijutsukan no Colection – 美術館のコレクション) at “The Art of Yanagihara Yoshitatsu” (Yanagihara Yoshitatsu no Geijutsu- 柳原義達(やなぎはらよしたつ)の芸術). Links at mga Kaugnay na Articles (tingnan ang mga detalye sa mga link sa ibaba) Mie Art Museum: “Jakuchu at Fine Arts sa Kyoto” (Jakuchu to Miyako no Bijutsu – 若冲と京の美術), in Japanese https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/000248057.htm Mie Art Museum: “Jakuchu at Fine Arts sa Kyoto”, sa wikang English https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/000248072.htm Impormasyon tungkol sa “Jakuchu at Fine Arts sa Kyoto” (sa wikang Japanese) – 5MB https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000937746.pdf Press Release para sa “Jakuchu at the Fine Arts sa Kyoto” (sa wikang Japanese) – 5MB https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000937747.pdf Makipag-ugnayan sa Mie Arts Museum 〒514-0007 Mie-ken Tsu-shi Otani-cho 11 TEL: 059-227-2100 FAX: 059-223-0570 http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/index.shtm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « [2021-R03] Highschool Graduate Certification Test Vehicle Tax 2021: Huwag kalimutang magbayad hanggang sa nakatakdang deadline » ↑↑ Next Information ↑↑ [2021-R03] Highschool Graduate Certification Test 2021/05/02 Sunday Anunsyo, Kultura at Libangan 令和3年度高等学校卒業程度認定試験 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang mga nakapasa ay makakakuha ng sertipiko na magpapatunay na maari na silang kumuha ng entrance exam para mapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo, junior college at vocational course. At dahil ang hawak nilang sertipikasyon na katulad sa mga nakapagtapos ng senior highschool, maari nila itong gamitin bilang kuwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho at ibang pang pagsusulit. Kapag ninanais na kumuha ng examinasyon, mangyaring sundin ang mga sumusunod sa pagkuha ng examination guide at ipasa ang aplikasyon. (Babala) Ang pagpaparehistro sa eksaminasyon na ito ay bukas sa lahat ng mga taong nasa edad na 16 na taon o pataas pagdating ng Marso 31, 2022. Subalit, ang pinaka-final academic qualification ay hindi pang high school graduate. Panahon ng pagbibigay ng gabay tungkol sa pagkuha ng eksaminasyon Ika-1: Simula Abril 5 (Lunes) hanggang Mayo 1o (Lunes) Ika-2: Simula Hulyo 20 (Martes) hanggang Setyembro 14 (Martes) Paraan kung paano makakuha ng impormasyon tungkol sa pagsusulit Kung nais kuhanin ng direkta ang guidelines ‐Maaring kumunsulta sa Kenmin no Koe Sodan-Shitsu “Voice of the Citizen Consultation Room” (Prefectural Office Building 1st floor) ‐Mie Ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shakai Kyoiku Bunkazai Hogo-ka (Mie Prefecture Board of Education Secretariat Social Education / Cultural Property Protection Division) (Prefectural Office Building 7th floor) ‐Ken’nai Kakuken Chosha (Prefectural branch office) (para sa detalye, tingnan ang (Juken Annai Basho Ichiran) (Listahan kung saan namamahagi ng guidelines) Kapag magre-request sa pamamagitan ng internet o telephone Mangyaring siyasatin sa kaugnay na link→ “Internet de siyaku no baai” (Pagrequest sa internet) Paraan ng pagpasa Kalakip sa examination guidelines ang gagamiting sobre na susulatan at ipapadala sa post office naka-address sa Ministry of Education, Health and Sports. Panahon ng pagtanggap ng aplikasyon Ika-1: Abril 5 (Lunes) hanggang Mayo 10 (Lunes), 2021 Ika-2: Hulyo 20 (Martes) to Setyembre 14 (Martes), 2021 ※Ang mga applications nan aka-postmark simula sa ika-1 May 10 (Lunes) ay tatanggapin, Ika-2 hanggang Setyembro 14 (Martes). Araw ng Test Ika-1: Augusto 12 (Huwebes) at Augusto 13 (Biyernes), 2021 Ika-2: Nobyembre 6 (Sabado) at Nobyembre 7 (Linggo), 2021 Lugar ng test Ika-1: Tsu-shi Kinro-sha Fukushi Center (Tsu-shi Shimazaki-cho 143-6 Sun Work Tsu) Ika-2: Mie Ken Tsu Chosha (Tsu-shi Sakurabashi 3-446-34) Para sa mga katanungan: (Japanese Only) Mie Ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shakai Kyoiku Bunkazai Hogo-ka (三重県教育委員会事務局 社会教育・文化財保護課) 〒514-8570 Tsu Shi Komei Cho 13 TEL: 059-224-3322 8:30am hanggang 5:15pm (Weekdays) Para sa mga karagdagang impormasyon, mangyaring tignan ang link sa ibaba: Monbukagakusho (MEXT- 文部科学省) → http://www.mext.go.jp/a_menu/koutou/shiken/index.htm Mie Ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku (三重県教育委員会事務局) → https://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0046300184.htm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp