(My Number) Para sa Mga Dayuhan na Nakarehistro bilang Mga Residente sa Japan

「My Numberの通知」についてのお知らせ

2015/08/28 Friday References, Selection

Simula Oktubre 2015 ay ipapadala na ang abiso tungkol sa inyong sariling numero o “My Number” na may 12-digit para gamitin sa inyong social security at tax number.

mynumber-0

 

 

◆Ipapadala ng munisipyo ang abisong ito sa address na inyong ipinarehistro.

Kung magkaiba ang inyong tinutuluyang tirahan at ang address na nakasaad sa inyong residence certificate, may posibilidad na hindi ninyo matanggap ang abisong ito.

Mangyaring kumpirmahin ang inyong tirahan.

 

◆Pagdating ng Oktubre , ang nakapaloob sa sobre para sa “My Number “ na abiso ay para sa buong pamilya at ipapadala sa pamamagitan ng registered mail. Ang dokumentong ito ay napakahalaga dahil ito ang magpapatunay para maayos ang inyong buwis at social security. Huwang magkakamaling itapon ang dokumentong ito.

 

◆Kung sa hindi inaasahang dahilan at hindi ninyo ito maaring tanggapin sa inyong ipinarehistrong address, mangyaring dalhin o ipadala sa inyong kinabibilangang munisipyo ang「Aplikasyon para sa pagpaparehistro ng inyong kinaroonan」mula Agosto 24~Septyembre 25.

Dito nakasaad ang mga detalye:

(Japanese) http://www.soumu.go.jp/main_content/000370650.pdf

(English) http://www.soumu.go.jp/main_content/000374091.pdf

 

Impormasyon sa Filipino (Click here)

Para sa Mga Dayuhan na Nakarehistro bilang Mga Residente sa Japan

Ano ang Indibidwal na Numero (tinatawag ding “Aking Numero”)?

 

Ibinibigay  ang  Mga   Indibidwal   na  Numero  sa  ilalim  ng  Social  Security  at  Tax  Number System,  na  batayan  sa  pag-uugnay  at  pagsasama-sama  ng  personal  na  impormasyong ibinibigay  sa  maraming  ahensya  sa  ilalim  ng  pangalan  ng  taong  nagmamay-ari  nito.  Ang System  ay  nagsisilbing  social  infrastructure  upang  pagbutihin  ang  pagiging  epektibo  at transparent  ng  mga  social  security  at  tax  system,  padaliin  ang  mga  bagay-bagay  para  sa publiko at gumawa ng patas at makatarungang lipunan.

Ang   mga   dayuhan   na   nakarehistro   bilang   mga   residente   sa   Japan   (mga   mid-term   na residente, espesyal na permanenteng residente, atbp.) ay makakatanggap din ng kanilang Mga Indibidwal na Numero.

 

Kailan gagamitin ang Indibidwal na Numero

  •  Ipapakita  mo  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  sa  iyong  employer  upang  magamit  sa paggawa  ng  mga  certificate  ng  kita  at  withholding  tax,  na  kinakailangan  para  sa  mga pamamaraan sa buwis at social security.
  • Ipapakita  mo  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  sa  mga  security  firm  at  kumpanya  ng insurance   upang   ilagay   sa   mga   legal   na   dokumentong   ginagamit   para   sa   mga pamamaraan sa buwis.
  • Ipapakita mo  ang iyong  Indibidwal  na  Numero sa  tanggapan  ng pensyon  upang kunin ang iyong mga benepisyo ng pensyon para sa empleyado.
  • Ipapakita mo ang iyong Indibidwal na Numero sa tanggapan ng iyong munisipyo upang tumanggap ng mga benepisyo para sa kapakanan.

 

Kinakailangang pamamaraan

  • Magpapadala  ang  tanggapan  ng  munisipyo  ng  card  ng  abiso  sa  iyong  nakarehistrong address.
    Maaaring  hindi  mo  matanggap  ang  card  ng  abiso  kung  hindi  nakarehistro  ang  iyong kasalukuyang  address.  Pakikumpirma  ang  iyong  nakarehistrong  address  nang  mas maaga.
  • Simula sa Oktubre 2015, makakatanggap ang bawat sambahayan, sa pamamagitan ng nakatalang paghahatid, ng sobre na naglalaman ng mga card ng abiso na nagpapakita ng Mga Indibidwal  na Numero ng mga miyembro ng sambahayan. Mahalaga ang card na  ito  dahil  pinapatunayan  nito  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  sa  mga  pamamaraan sa buwis at social security.
    Mag-ingat upang hindi magkamaling maitapon ito.
  • Maaari kang mag-apply para sa isang Card ng Indibidwal na Numero.
    May ilang  opsyon  sa  pag-a-apply,  gaya  ng  pagpapadala  sa  pamamagitan  ng  koreo  ng aplikasyon para sa Card ng Indibidwal na Numero na may kalakip na larawan ng iyong mukha, o pag-a-apply online nang may larawan ng iyong mukha na kinunan gamit ang isang  smartphone.  Ilalarawan  ang  mga  detalyadong  pamamaraan  ng  aplikasyon  sa materyal  para  sa  tagubilin  na  kalakip  ng  sobreng  ihahatid  bago  ang  o  pagkalipas  ng Oktubre 2015.
  • Pagkatapos nito, matatanggap mo na ang iyong Card ng Indibidwal na Numero.
    Sa  Enero o mas  huling bahagi  ng 2016,  makakatanggap ka  ng  abiso na maaari  nang ibigay ang iyong Card ng Indibidwal na Numero. Kung pipiliin mong kunin ang Card sa tanggapan   ng   munisipyo,   pakidala   ang   sumusunod   na   tatlong   bagay.   Ang   unang pagbibigay ay libre.
    – Card ng abiso
    – Abiso ng pagbibigay (natanggap pagkatapos ng aplikasyon)
    – Personal na ID (lisensya sa pagmamaneho, passport, card ng residente, atbp.)

 

Ano ang Card ng Indibidwal na Numero?

  • Pinapatunayan  ng  card  na  ito  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  at  pagkakakilanlan  sa anumang  mga  pamamaraan  na  nauugnay  sa  Indibidwal  na  Numero.  Nagsisilbi  rin  ito bilang iyong opisyal na ID card.
  • Maaari  kang  magdagdag  ng  electronic  na  certificate  sa  Card  nang  libre  at  magagamit mo ito para sa mga online na pagbabalik ng buwis.
  • Maaari mo ring gamitin ang Card upang tumanggap ng mga serbisyong inaalok ng iyong lokal  na  pamahalaan  gaya  ng  nakasaad  sa  mga  ordinansa  nito  (hal.,  mga  serbisyo  sa pampublikong library, pagbibigay ng mga certificate sa pagpaparehistro na may selyo). Pinapahintulutan ng ilang munisipyo ang mga convenience store na magbigay ng mga pampublikong certificate.
  • Mananatiling   may   bisa   ang   iyong   Pangunahing   Card   sa   Pagpaparehistro   bilang Residente  hanggang  sa  petsa  ng  expiration  nito.  Gayunpaman,  dapat  mo  itong  ibalik kapag nakakuha ka na ng Card ng Indibidwal na Numero.
  • Nasa IC chip sa Card ng Indibidwal na Numero ang iyong pangalan, address, petsa ng kapanganakan, kasarian, Indibidwal na Numero at iba pang impormasyong nakasulat sa card,   at   pati   na   rin   sa   electronic   na   certificate   kung   naaangkop.  Walang   itatalang personal na impormasyon na lubos na sensitibo, gaya ng iyong kita.

Mga pag-iingat sa pangangasiwa ng Indibidwal na Numero

  • Walang sinumang pinapayagang gumamit o mangolekta ng Mga Indibidwal na Numero maliban  na  lang  kung  pinapahintulutan  ng  batas.  Huwag  basta-bastang  ipakita  ang iyong Indibidwal na Numero sa ibang tao.
  • Papatawan  ng  parusa  ang  sinumang  kukuha  ng  Mga  Indibidwal  na  Numero  ng  ibang tao  nang  labag  sa  batas  at  sinumang  awtorisadong  tao  na  nangangasiwa  ng  Mga Indibidwal  na  Numero  ng  ibang  tao  na  magbibigay  sa  isang  third  party  ng  talaan  na naglalaman   ng   Mga   Indibidwal   na   Numero   at   iba   pang   sensitibong   personal   na impormasyon sa paraang labag sa batas.

 

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Impormasyon ng call center

——————————-

Para sa mga tanong tungkol sa my number system (extended ang oras at open ng Sabado, Linggo at Piyesta Opisya)

——————————-

【Nationwide hotline】0570-20-0178 (Japanese)

  • Weekdays 9:30 ~ 22:00  Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal 9:30 ~ 17:30
  • Walang pasok sa araw ng ( Disyembre 29 ~ Enero 3 )

【Nationwide hotline】0570-20-0291 para sa Ingles, Intsik, Koreano, Espanol at Portuges

  • Weekdays 9:30 ~ 20:00 Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal 9:30 ~ 17:30

(Magkaiba ang oras ng pagtanggap ng tawag para sa Japanese at sa ibang wika)

  • Walang pasok sa araw ng (Disyembre 29 ~Enero 3)

——————————-

Para sa mga tanong tungkol sa Notification card at Indibidwal na Numero (bagong pagpaparehistro)

——————————-

  • 【Nationwide Hotline】0570-783-578 (Japanese)
  • 【Nationwide Hotline】0570-064-783 para sa Ingles, Intsik, Koreano, Espanol at Portuges
  • Weekdays 8:30 ~ 22:00    Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal 9:30 ~ 17:30

(Pareho ang oras para sa Japanese at ibang wika)

  • Walang pasok maliban sa araw ng (Disyembre 29 ~ Enero 3)

※ Ang oras ng pagtanggap sa mga call center na ito ay parehong magtatapos hanggang Marso 31, 2016

 

Pakiingatan ang iyong Indibidwal na Numero.

Habambuhay na ang bisa nito.

Internasyonal na Kasal at Diborsyo

2015/08/28 Friday References, Selection

研修会「ブラジル・フィリピン・日本の国際結婚、離婚、夫婦問題について」が開催されました

Image4Alam mo ba ang salitang「internasyonal na kasal」?  Ito ay ang kasalan ng dalawang tao na may magkaibang nasyonalidad.

Sa kaso ng ganitong internasyonal na kasal, ang ipinaiiral na batas para dito ay base sa patakaran ng kanya-kanyang bansa.  Depende sa batas na pinaiiral ng bansa, ang mga kakailanging papeles o dokumento ay maaring magkakaiba.

Dito sa workshop na ito, ibinahagi ng lecturer ang mga impormasyon tungkol sa mga kakailanganing dokumento para sa pagpapakasal sa ibang nasyonalidad.

Interbyu kay Mr. Inagaki Masafumi

“Para sa pagpapakasal  sa Japanese, Filipino, Brazilian at Peruvian, iba’t ibang kondisyon ang pinaiiral ng bawat bansa. Kaya’t kinakailangang ayusin ang mga kondisyong ito. Halimbawa na lang sa bansang Japan, ang mga babae ay pinahihintulutang magpakasal sa edad na 16 anyos. Pero sa Pilipinas, 18 anyos ang edad na maaring magpakasal, kuyat hindi maaring magpakasal sa Japan ang Filipinang 16 anyos. Kahit na ang magpapakasal sa Japan ay parehong Filipino, kinakailangang lagpas 18 anyos at kailangan magpakita ng katibayan ng edad.”

Interbyu kay Mr. Ishikawa EtsuoImage5

“Ang ibig sabihin ng internasyonal na kasal ay ang pagpapakasal ng dalawang tao mula sa magkaibang nasyonalidad. Halimbawa na lang sa Japanese, kung ang pakakasalan niya ay Brazilian o Filipino, Amerikano atbp at hindi katulad nya na kapwa Japanese, ang tawag dito ay internasyonal na kasal .”

  1. Q) Anong mga proseso ang kinakailangan kung ang magpapakasal ay mula sa magka-ibang nasyonalidad?

“Magbibigay ako ng halimbawa tungkol sa pagpapakasal ng isang Japanese at Brazilian, depende sa batas ng pagpapakasal ng bawat bansa, kailangan kumpirmahin ang mga dokumento kailangan. Dito sa Japan, maaring kailanganin ang ilang dokumento na maggagaling mula sa munisipyo. Isa na dito ang birth certificate」

Kung parehong single ang magkasintahan, kakailanganin ang ilang sertipiko bilang pagpapatunay na sila ay single. Dito sa Japan, maari mapatunayan ang pagiging single dahil sa nakatala ito sa Koseki Tohon (registered family tree), madali lang kumuha.”

Kung sa internasyonal na kasal ay maraming mga papeles ang kailangan asikasuhin, ganun din sa pagdi-diborsyo, depende pa rin sa ipinapatupad na batas ng bawat bansa at marami-rami din ang mga papeles na kakailanganin. Ang mga kadalasan nagiging problema pagkatapos ng diborsyo ay ang pagpapalit ng pangalan, paghahati ng mga ari-arian, resident status at parental authority ng bata.

Image2Interbyu kay Mr. Inagaki Masafumi

“Maging sa pagdi-diborsyo, depende pa rin sa batas na sinusunod ng  bawat bansa pero halos pareho lang proseso. Kailangan sundin ang batas na pinaiiral ng parehong bansa. Halimbawa, kung ang desisyon ng diborsyo ay tanging sa korte lamang kailangan asikasuhin, hangga’t hindi ito natatapos sa kanyang bansa ay hindi rin maari ikonsidera ang diborsyo sa Japan. Kinakailangan humingi ng payo sa abogado ng bansang ito o di kaya naman ay sa taong nakakaalam ng tungkol dito. Maari din kayong magtanong sa mga abogado dito sa Japan o sa mga katulad kong administrative scrivener at sa mga Legal Affairs Bureau.”

Interbyu kay Mr. Ishikawa EtsuoImage1

“Alaming mabuti ang mga batas tungkol sa pagpapakasal at pagkatapos ay ayusin ang mga kinakailangang papeles para dito. At kung hindi naging maayos ang pagsasama ng mag-asawa at mapupunta ito sa diborsyo, kumpara sa pagpapakasal, mas mahirap ang pag-aayos ng mga papeles para dito. Hindi makukumpleto ang proseso ng diborsyo kung sa isang bansa lamang aasikasuhin ang  papeles. Halimbawang  magdi-diborsyo ang isang Japanese at ang asawa nitong Brazilian, ayon sa batas kahit na naisagawa na nang maayos ang proseso ng diborsyo sa Japan, subalit hanggat hindi ito sinasang-ayunan ng korte sa Brazil, hindi pa rin ito diborsyado.”

Malaya tayong bumuo ng pamilya kahit pa nga ang nagustuhan nating tao ay may ibang nasyonalidad. Dito sa bansang Japan dumarami ang bilang ng mga taong kasal sa ibang nasyonalidad at sana sa hinaharap, para maiwasan ang anumang problema tungkol sa pagpapakasal at diborsyo, kinakailangang alaming mabuti ang mga batas at propeso para dito.

Image6Interbyu kay Mr. Inagaki Masafumi

「Sa hinaharap ang bilang ng populasyon ng Japan ay unti-unting kumukonti, gusto kong maraming magpuntang dayuhan dito sa Japan. Manirahan dito sa Japan ng mahabang panahon at gumawa ng maraming anak dito. At kung mangyayari man iyun, magiging kasiya-siya ang kinabukasan ng Japan. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya, magpakasal kayo sa Japan at gumawa kayo ng maraming anak dito. Goodluck. Yon lang.」

Interbyu kay Mr. Ishikawa EtsuoImage7

“Wala akong advise na maiibigay dahil para sa akin ang pagpapakasal ay natural para sa tao. Ipapanganak ka at natural din na lumaki ka. At sa ganitong natural na daloy ng buhay ay parte ang  pagpapakasal. Sa internasyonal na kasal, magkaibang kultura ang pagsasamahin sa umpisa. At sa pagkakataon na hindi maging maganda ang bunga ng pagsasamang ito, mauuwi ito sa hindi magandang direksyon at unti-unti pumapangit ang relasyon at dahil sa pagkakaiba ng kultura, unti-unti na ring nagkakaroon ng problema  hanggang sa hindi na talaga magkaunawaan ang bawat isa at mauuwi na talaga sa diborsyo. Sa ganitong pagkakataon, kumunsulta sa mga propesyonal na abugado at alaming mabuti ang tungkol sa batas at proseso nito. Tamang impormasyon ang inyong makukuha kung sa mga taong propesyonal kayo magtatanong.

Kung nais ninyong makipaghiwalay sa inyong asawa, huwag pabayaan na mangyari ito nang wala kayong ginagawa. Siguraduhing ang tatanungin ninyong tao ay propesyonal. Ito ang aking mensahe para sa inyo.”