2015 Accreditation Examination Para mapahintulutan na makumpleto ang compulsory education sa Junior High School

平成27年度 就学義務猶予免除者等の中学校卒業程度認定試験について

2015/08/28 Friday Edukasyon, Selection

H27-Chugakko-Nintei-Shiken

Ang eksaminasyon na ito ay para sa mag-aaral na dahil sa hindi inaasahang dahilan katulad ng karamdaman at iba pang dahilan ay hindi naipagpatuloy ang pag-aaral o may pahintulot na lumiban sa pagsusulit at hindi nakapagtapos ng junior high school.  Ang mga makakapasa sa eksaminasyon na ito ay maaring magpasa ng aplikasyon para makapag enrol sa High School.

Para sa mga nagnanais kumuha ng eksaminasyon na ito, kuhanin ang test guidelines ayon sa nakasaad sa ibaba at ipasa ang aplikasyon sa Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology.

 

1. Paraan kung paano makakuha ng「Test Guidelines」

Makukuha ito sa sumusunod na tanggapan (mula 9:00~17:00, maliban sa Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal)

・Mie Board of Education High School Education Division Career Education Section (Prefecture Office 7th Fl.)

・Makukuha rin ito sa ibat ibang tanggapan ng Municipal Board of Education.

※Mangyaring tumawag muna bago magsadya sa tanggapan para kumuha ng test guidelines.

<Contact> Mie Board of Education High School Education Division Career Education Section

TEL:059-224-2913

 

2. Araw ng Eksaminasyon

Oktubre 28, 2015 (Miyerkules) 10:00~15:40

 

3. Lugar ng Eksaminasyon

Mie Prefecture Office Auditorium Bldg (Koudoutou 3rd Floor Meeting Room 131 at 132

(Mieken Tsu shi Komei cho 13)

 

4. Mga subject ng eksaminasyon

Japanese, Social Studies, Math, Science at Foreign Language (English)

 

5. Panahon ng pagtanggap ng aplikasyon

2015, Agosto 24 (Lunes) ~ Septyembre 11 (Biyernes) validity ng postmark

 

6. Anunsyo ng Resulta ng Eksaminasyon

Disyembre 7, 2015 (Lunes) Schedule ng pagpapadala ng sulat

※ Direktang ipapadala sa taong kumuha ng exam.

(My Number) Para sa Mga Dayuhan na Nakarehistro bilang Mga Residente sa Japan

2015/08/28 Friday Edukasyon, Selection

「My Numberの通知」についてのお知らせ

Simula Oktubre 2015 ay ipapadala na ang abiso tungkol sa inyong sariling numero o “My Number” na may 12-digit para gamitin sa inyong social security at tax number.

mynumber-0

 

 

◆Ipapadala ng munisipyo ang abisong ito sa address na inyong ipinarehistro.

Kung magkaiba ang inyong tinutuluyang tirahan at ang address na nakasaad sa inyong residence certificate, may posibilidad na hindi ninyo matanggap ang abisong ito.

Mangyaring kumpirmahin ang inyong tirahan.

 

◆Pagdating ng Oktubre , ang nakapaloob sa sobre para sa “My Number “ na abiso ay para sa buong pamilya at ipapadala sa pamamagitan ng registered mail. Ang dokumentong ito ay napakahalaga dahil ito ang magpapatunay para maayos ang inyong buwis at social security. Huwang magkakamaling itapon ang dokumentong ito.

 

◆Kung sa hindi inaasahang dahilan at hindi ninyo ito maaring tanggapin sa inyong ipinarehistrong address, mangyaring dalhin o ipadala sa inyong kinabibilangang munisipyo ang「Aplikasyon para sa pagpaparehistro ng inyong kinaroonan」mula Agosto 24~Septyembre 25.

Dito nakasaad ang mga detalye:

(Japanese) http://www.soumu.go.jp/main_content/000370650.pdf

(English) http://www.soumu.go.jp/main_content/000374091.pdf

 

Impormasyon sa Filipino (Click here)

Para sa Mga Dayuhan na Nakarehistro bilang Mga Residente sa Japan

Ano ang Indibidwal na Numero (tinatawag ding “Aking Numero”)?

 

Ibinibigay  ang  Mga   Indibidwal   na  Numero  sa  ilalim  ng  Social  Security  at  Tax  Number System,  na  batayan  sa  pag-uugnay  at  pagsasama-sama  ng  personal  na  impormasyong ibinibigay  sa  maraming  ahensya  sa  ilalim  ng  pangalan  ng  taong  nagmamay-ari  nito.  Ang System  ay  nagsisilbing  social  infrastructure  upang  pagbutihin  ang  pagiging  epektibo  at transparent  ng  mga  social  security  at  tax  system,  padaliin  ang  mga  bagay-bagay  para  sa publiko at gumawa ng patas at makatarungang lipunan.

Ang   mga   dayuhan   na   nakarehistro   bilang   mga   residente   sa   Japan   (mga   mid-term   na residente, espesyal na permanenteng residente, atbp.) ay makakatanggap din ng kanilang Mga Indibidwal na Numero.

 

Kailan gagamitin ang Indibidwal na Numero

  •  Ipapakita  mo  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  sa  iyong  employer  upang  magamit  sa paggawa  ng  mga  certificate  ng  kita  at  withholding  tax,  na  kinakailangan  para  sa  mga pamamaraan sa buwis at social security.
  • Ipapakita  mo  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  sa  mga  security  firm  at  kumpanya  ng insurance   upang   ilagay   sa   mga   legal   na   dokumentong   ginagamit   para   sa   mga pamamaraan sa buwis.
  • Ipapakita mo  ang iyong  Indibidwal  na  Numero sa  tanggapan  ng pensyon  upang kunin ang iyong mga benepisyo ng pensyon para sa empleyado.
  • Ipapakita mo ang iyong Indibidwal na Numero sa tanggapan ng iyong munisipyo upang tumanggap ng mga benepisyo para sa kapakanan.

 

Kinakailangang pamamaraan

  • Magpapadala  ang  tanggapan  ng  munisipyo  ng  card  ng  abiso  sa  iyong  nakarehistrong address.
    Maaaring  hindi  mo  matanggap  ang  card  ng  abiso  kung  hindi  nakarehistro  ang  iyong kasalukuyang  address.  Pakikumpirma  ang  iyong  nakarehistrong  address  nang  mas maaga.
  • Simula sa Oktubre 2015, makakatanggap ang bawat sambahayan, sa pamamagitan ng nakatalang paghahatid, ng sobre na naglalaman ng mga card ng abiso na nagpapakita ng Mga Indibidwal  na Numero ng mga miyembro ng sambahayan. Mahalaga ang card na  ito  dahil  pinapatunayan  nito  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  sa  mga  pamamaraan sa buwis at social security.
    Mag-ingat upang hindi magkamaling maitapon ito.
  • Maaari kang mag-apply para sa isang Card ng Indibidwal na Numero.
    May ilang  opsyon  sa  pag-a-apply,  gaya  ng  pagpapadala  sa  pamamagitan  ng  koreo  ng aplikasyon para sa Card ng Indibidwal na Numero na may kalakip na larawan ng iyong mukha, o pag-a-apply online nang may larawan ng iyong mukha na kinunan gamit ang isang  smartphone.  Ilalarawan  ang  mga  detalyadong  pamamaraan  ng  aplikasyon  sa materyal  para  sa  tagubilin  na  kalakip  ng  sobreng  ihahatid  bago  ang  o  pagkalipas  ng Oktubre 2015.
  • Pagkatapos nito, matatanggap mo na ang iyong Card ng Indibidwal na Numero.
    Sa  Enero o mas  huling bahagi  ng 2016,  makakatanggap ka  ng  abiso na maaari  nang ibigay ang iyong Card ng Indibidwal na Numero. Kung pipiliin mong kunin ang Card sa tanggapan   ng   munisipyo,   pakidala   ang   sumusunod   na   tatlong   bagay.   Ang   unang pagbibigay ay libre.
    – Card ng abiso
    – Abiso ng pagbibigay (natanggap pagkatapos ng aplikasyon)
    – Personal na ID (lisensya sa pagmamaneho, passport, card ng residente, atbp.)

 

Ano ang Card ng Indibidwal na Numero?

  • Pinapatunayan  ng  card  na  ito  ang  iyong  Indibidwal  na  Numero  at  pagkakakilanlan  sa anumang  mga  pamamaraan  na  nauugnay  sa  Indibidwal  na  Numero.  Nagsisilbi  rin  ito bilang iyong opisyal na ID card.
  • Maaari  kang  magdagdag  ng  electronic  na  certificate  sa  Card  nang  libre  at  magagamit mo ito para sa mga online na pagbabalik ng buwis.
  • Maaari mo ring gamitin ang Card upang tumanggap ng mga serbisyong inaalok ng iyong lokal  na  pamahalaan  gaya  ng  nakasaad  sa  mga  ordinansa  nito  (hal.,  mga  serbisyo  sa pampublikong library, pagbibigay ng mga certificate sa pagpaparehistro na may selyo). Pinapahintulutan ng ilang munisipyo ang mga convenience store na magbigay ng mga pampublikong certificate.
  • Mananatiling   may   bisa   ang   iyong   Pangunahing   Card   sa   Pagpaparehistro   bilang Residente  hanggang  sa  petsa  ng  expiration  nito.  Gayunpaman,  dapat  mo  itong  ibalik kapag nakakuha ka na ng Card ng Indibidwal na Numero.
  • Nasa IC chip sa Card ng Indibidwal na Numero ang iyong pangalan, address, petsa ng kapanganakan, kasarian, Indibidwal na Numero at iba pang impormasyong nakasulat sa card,   at   pati   na   rin   sa   electronic   na   certificate   kung   naaangkop.  Walang   itatalang personal na impormasyon na lubos na sensitibo, gaya ng iyong kita.

Mga pag-iingat sa pangangasiwa ng Indibidwal na Numero

  • Walang sinumang pinapayagang gumamit o mangolekta ng Mga Indibidwal na Numero maliban  na  lang  kung  pinapahintulutan  ng  batas.  Huwag  basta-bastang  ipakita  ang iyong Indibidwal na Numero sa ibang tao.
  • Papatawan  ng  parusa  ang  sinumang  kukuha  ng  Mga  Indibidwal  na  Numero  ng  ibang tao  nang  labag  sa  batas  at  sinumang  awtorisadong  tao  na  nangangasiwa  ng  Mga Indibidwal  na  Numero  ng  ibang  tao  na  magbibigay  sa  isang  third  party  ng  talaan  na naglalaman   ng   Mga   Indibidwal   na   Numero   at   iba   pang   sensitibong   personal   na impormasyon sa paraang labag sa batas.

 

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Impormasyon ng call center

——————————-

Para sa mga tanong tungkol sa my number system (extended ang oras at open ng Sabado, Linggo at Piyesta Opisya)

——————————-

【Nationwide hotline】0570-20-0178 (Japanese)

  • Weekdays 9:30 ~ 22:00  Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal 9:30 ~ 17:30
  • Walang pasok sa araw ng ( Disyembre 29 ~ Enero 3 )

【Nationwide hotline】0570-20-0291 para sa Ingles, Intsik, Koreano, Espanol at Portuges

  • Weekdays 9:30 ~ 20:00 Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal 9:30 ~ 17:30

(Magkaiba ang oras ng pagtanggap ng tawag para sa Japanese at sa ibang wika)

  • Walang pasok sa araw ng (Disyembre 29 ~Enero 3)

——————————-

Para sa mga tanong tungkol sa Notification card at Indibidwal na Numero (bagong pagpaparehistro)

——————————-

  • 【Nationwide Hotline】0570-783-578 (Japanese)
  • 【Nationwide Hotline】0570-064-783 para sa Ingles, Intsik, Koreano, Espanol at Portuges
  • Weekdays 8:30 ~ 22:00    Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal 9:30 ~ 17:30

(Pareho ang oras para sa Japanese at ibang wika)

  • Walang pasok maliban sa araw ng (Disyembre 29 ~ Enero 3)

※ Ang oras ng pagtanggap sa mga call center na ito ay parehong magtatapos hanggang Marso 31, 2016

 

Pakiingatan ang iyong Indibidwal na Numero.

Habambuhay na ang bisa nito.