BAGONG PATAKARAN SAKALING HINDI KAYANG BAYARAN NG ISAHANG BAYAD ANG PREFECTURAL TAX 納税の猶予制度について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2016/03/10 Thursday Nilalaman, Selection ~Pagbabago sa Patakaran ng Pagbabayad ng Buwis~ Ayon sa request ng mga taxpayer, may bagong sistemang ipapatupad tungkol sa pagpapaliban ng pag-embargo at pagkumpiska sa ari-arian ng mga taong hindi nakakabayad sa kaukulang buwis Mabigat para sa ilang tao ang magbayad ng isahang bayad para sa prefectural tax at maaaring may ilang kaso na nahihirapang magpatuloy sa kanilang pagnenegosyo o maaaring mahirapan sa pagtawid sa pang-araw araw na pamumuhay, at ayon sa batas, sa ganitong kondisyon, binibigyan sila 1 taong palugit para makabayad. Subalit bilang patakaran kinakailangan nilang magbigay ng collateral. Para sa mga detalye, bisitahin ang homepage ng Mie Prefecture (Japanese only) Mieken Kenzei Homepage 「Pagpapaliban ng pagbabayad ng tax sa Mie」 http://www.pref.mie.lg.jp/ZEIMU/HP/000125829.htm ※Sa paparating na Abril 1, 2016, sisimulan na ang pagpapatupad ng sistemang ito hinggil sa pagbabayad ng prefectural tax. Para sa mga katanungan Mieken Soumubu Zeishukakuhoka (Mie General Affairs Departmant Tax RevenueSecurity Division) TEL: 059-224-2131 Homepage: http://www.pref.mie.lg.jp/ZEIMU/HP/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mie Prefectural Art Museum Exhibit UMABOT SA 41,625 ANG DAMI NG BILANG NG MGA DAYUHAN SA MIE » ↑↑ Next Information ↑↑ Mie Prefectural Art Museum Exhibit 2016/03/10 Thursday Nilalaman, Selection 2016年2月9日(火)~4月10日(日)の期間中に三重県立美術館で企画展が開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp “Mr. Katsura Funakoshi Art Exhibit” at “Julio Gonzalez Art Exhibit” Magkasabay na pagtatanghal ng dalawang art exhibit. Si Katsura Funakoshi ang kumakatawan bilang manlililok ng Japan at kilala sa loob at labas ng bansa bilang isang mahusay na manlililok. Si Julio Gonzalez naman na taga-Espanya ang kumakatawan bilang isang sikat na manlililok ng Espanya at humahanay sa mga sikat na pintor sa Europa katulad ni Picasso at Miro. 【Schedule ng Pagbubukas】 2016, Pebrero 9 (Martes) ~ Abril 10 (Linggo) Sarado ang Venue: Sarado kada Lunes at sarado rin sa Marso 22 *Bukas sa Marso 21 【Bukas mula sa oras ng】 9:30 ~ 17:00 (Huling oras ng admission 16:30) 【Admission fee】 Isang Art Exhibit (Mamili sa 2, kahit ano): Regular ¥1100 (¥900), Kolehiyo: ¥900 (¥700), Senior HS pababa Libre Dalawang Art Exhibit: Regular prize ¥1500, Kolehiyo ¥1300, Senior Highschool pababa libre *( )Group entrance: Lagpas 20 katao *Para sa mga estudyante, ipakita ang student card o student ID *Sa halagang ito ay maaari ring makapasok sa regular art gallery. *Family day (Pebrero 21 at Marso 20) Maaring makapasok katulad ng admission fee para sa group entrance 【Lugar】Mie Prefectural Art Museum (〒514-0007 Mieken Tsu shi Otanicho 11 TEL: 059-227-2100) 【Homepage】 (Japanese) http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/index.shtm (English) http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/en/index.htm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp