Ang Pagtatapos ng taon at bagong taon na Special Warning Enforcement Period 年末・年始特別警戒取締り期間について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2016/12/12 Monday Kaligtasan, Nilalaman, Selection Ang Mie Prefectural Police ay nagpasya ng 41 days na “Pagtatapos ng taon at bagong taon na special warning period”, simula December 1, 2016 (Thu) hanggan January 10, 2017 (Tue). Ito ay ang pagpapalakas ng pag-focus sa mga patroling activities. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Para sa pagpigil sa mga krimen na nangyayari tuwing gabi sa mga sales stores katulad ng banko, large cash handling stations, convinience store, mga lugar ng kainan at inuman. Pagpigil ng mga krimen sa mga bata at mga babae at mga akyat-bahay na krimen. Pag-iwas sa pagkamatay sanhi ng aksidente sa sasakyan. Upang maprotektahan ang sarili sa mga krimen, at makapagdiwang ng mapayapa at ligtas na pagtatapos ng taon at ng bagong taon na holidays, ay ipapaalam namin sainyo ang tatlong bagay na kailangang mabigyan ninyo ng atensyon. Pag-was sa pinsala ng mga akyat-bahay na krimen. ・Siguraduhing i-lock ang pinto kapag umalis ng bahay at bago matulog. ・Maglagay ng matibay na lock sa bintana at pintuan. Pag-iwas sa pinsala ng Carnaping ・Siguraduhing i-lock ang pinto paglabas ng sasakyan. ・Huwag mag-iwan ng importanteng bagay sa loob ng sasakyan. Pag-iwas mabiktima sa mga panloloko. ・Mag-ingat sa mga nagpapanggap na anak, apo o mga kamag-anak sa telepono at nanghihingi ng pera na may estilo na “nawala ko ang sweldo ko” o di kaya “nakabuntis ako ng babae” atbp. ・Pag-iingat sa mga nagpapanggap na tawag galing sa mga government officials at nagsasabing may refund sa medical expenses at kailangan magpadala ng pera sa ATM. ★Ang mga ganitong klaseng tawag ay isang uri ng panloloko kaya mag-ingat! ◎Kapag may mga ganitong insidente o di kaya naka-witness ng ganitong krimen at gustong papuntahin ng mabilisan ang police sa lugar ng krimen, mangyaring tumawag sa emergency call na 110. ◎Kapag sa mga konsultasyon na hindi kailangan ang emergency na pagresponde at ibang bagay maliban sa insidente o aksidente, tumawag sa ( #9110) Mie Prefectural Police Headquarters Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Gaganapin sa Kuwana City ang Disaster Prevention Seminar para sa mga Residenteng Dayuhan Pinapaki-usap din na sa winter ng taon na ito na magtipid at mag-conserve ng kuryente » ↑↑ Next Information ↑↑ Gaganapin sa Kuwana City ang Disaster Prevention Seminar para sa mga Residenteng Dayuhan 2016/12/12 Monday Kaligtasan, Nilalaman, Selection 桑名市で開催される「外国人のための防災セミナー」について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa Mie Prefecture, ay gaganapin ang disaster prevention seminar para sa mga residenteng dayuhan at sa mga interesadong magbigay ng suporta sa mga dayuhan, para mapag-aralan ang paraan upang maprotektahan ang sarili tuwing may mga sakuna. Sa loob ng prefecture, madaming residenteng dayuhan ang mga nakatira kung saan ang mga sakuna ay hindi madalas mangyari. Ang mga residenteng dayuhan ay maaaring makatulong sa pag-assist tuwing may sakuna, kaya’t para mapalalim ang kaalaman sa paraan upang maprotektahan ang sarili, mapag-aralan ang countermeasures tuwing may sakuna at para sumuporta para sa mga biktima tuwing may sakuna, Layunin namin na maipamulat ang disaster prevention awareness. Petsa at Oras December 17, 2016 (Sabado) 14:00~16:00 Lugar Kuwana City Fire Department (Kuwana Shi Oaza Eba 7) Nilalaman: (1) Lektura: Paano protektahan ang sarili laban sa lindol, winsdstorms, at baha. (2) Workshop: First Aid Fire Fighting (Interpretation available) Participants Mga residenteng dayuhan, sa mga sumusuporta sa mga residenteng dayuhan Bayarin Libre ※May ibibigay na regalong disaster friendly goods! Kapasidad higit na 40 katao Paraan ng pag-apply mag-apply sa pamamagitan ng pag-fill up ng kinakailangan impormasyon sa application form sa separadong PDF File at ipadala ito thru fax o e-mail. Deadline ng pag-apply December 15, 2016 (Thursday) hanggang 5pm. *Kapag umabot na sa capacity ang participants, ay ititigil na ang pag-apply kahit hindi pa petsa ng deadline. Contact・Application Public Interest Foundation Mie International Exchange Foundation Lugar : Tsu Shi Hadokoro Cho 700 UST Tsu 3F TEL: 059-223-5006 (Reception: Weekdays 9:00 am hanggang 17:00 pm) FAX: 059-223-5007 Email: mief@mief.or.jp Paki-tignan ang link na nakasaad sa ibaba para sa Application form at iba pang mga detalye. Disaster Prevention Seminar para sa mga residenteng dayuhan (Japanese Flyers) At iba pa Magbibigay din ng foreign supporter training para sa mga dayuhan na marunong mag Japanese. Petsa at Oras: January 29, 2017 (Sun) 10;00 am hanggan 15:00 pm Lugar: Kuwana shi Oyamada Community Plaza Naghihintay din kami ng mga gustong mag-participate sa training na ito. (Para sa ibang mga detalye magtanong sa International Exchange Foundation.) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp