Simula noong summer ng year 2011, ang Mie Prefecture ay nakiusap sa kooperasyon ng mga kumpanya sa pagtitipid at pagconserve ng kuryente upang maiwasan ang makulangan ng supply at mahigpit na demand ng kuryente. Ang prefecture ay nagpa-plano na ipatuloy ang pag-conserve at pagtitipid ng kuryente ngayong winter ng taong ito at hikayating na sumunod ang mga kumpanya gayon ding ang mga residente ng syudad. pinapaki-usap ang kooperasyon ng lahat na makipagtulungan.
Sa karagdagan, para sa mga matatanda, mga bata, o mga pamilya na may mahinang pisikal na kondisyon ay maaari din makipagcooperate hanggang sa makakaya ngunit bigyan pa din ng halaga ang kalusugan.
<Mga halimbawa>
- Madalasang pag switch off!
Magtipid ng kuryente sa pamamagitan ng pag switch off. - Pag conserve ng kuryente sa Aircon!
I-set ang temperature sa 20℃ kapag gagamitin. - Pag conserve ng kuryente sa TV!
Patayin ang TV sa paghuhugot ng main power supply.
Iwasan ang paglakas ng volume kapag hindi naman kinakailangan. - Pag conserve ng kuryente sa Refrigerator!
I-set ang temperatura sa pinakamababa.
Palamigin muna ang mga maiinit na pagkain bago ilagay sa loob ng ref.
Iwasan ang madalasang pagbukas at pagsara ng ref.
※ Implementation Period Simula sa December 1, 2016 hanggang March 31, 2017
At isa pa, sa paggamit ng mga pasilidad ng prefecture kasama ang mga pamilya at mga grupo, maaaring makatipid ng paggamit ng heater sa bahay at magiging masaya din pag lumabas, kumbaga kill two birds with one stone. maari din gamitin ang bawat pasilidad ngayong winter.
Mangyaring tignan ang homepage sa kada pasilidad para sa winter events. halimbawa, may mga exhibition na ipapakita sa Mie Prefectural Art Museum at Saiku History Museum.
- Mie Ken Ritsu Bijutsu Kan MIE PREFECTURAL MUSEUM
(Mie Ken Tsu Shi Otani Cho 11)
◇Exhibition 『Saihakken! Nippon no Rittai』 January 24(Tue)~April 9 (Sun)
Tel: 059-227-2100
Homepage:http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/
- Saiku Reshiki Hakubutsukan SAIKU HISTORY MUSEUM
(Taki Gun Meiwa Cho Takegawa 503)
Tel: 0596-52-3800 Homepage:http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/saiku/
◇Exhibition 『Matsusaka Kisei Kaiwai Machi Kado Hakubutsukan Kikaku Ten』
January 28 (Sat)~Febuary 12 (Sun)
『Kanzo Hinten』 Febuary 25 (Sat)~March 20 (Mon・Holiday)