Tulong Pangpinansyal, Medical Expenses Subsidy Program

福祉医療費助成制度について

2016/06/21 Tuesday Kalusugan at kapakanan, Selection

medical japan

Para sa mga tao na may mga sumusunod na kinakailangan sa prepektura, Mayroong mga tulong pangpinansyal galing sa lungsod at bayan sa pamamagitan ng welfare medical expenses subsidy program (Fukushi Iryohi Jyosei Seido), kapag sa palagay nyo kayo ay naangkop dito, mangyaring isagawa ang hakbang para sa grants na ito sa inyong lungsod.

Sa karagdagan, depende sa city at towns mayroong kaso na nagkakaroon ng mga dagdag na requirements sa subject na ito kaya para sa mga gustong malaman ang mga karagdagang detalye, Mangyaring makipag-ugnayan sa Fukushi Iryo Tanto-ka o sa Mie Ken Kenko Fukushi-bu Iryo Taisaku-kyoku Imu Kokuho-ka (Welfare Medical Department in charge o sa Mie Ken Health and Welfare Department Medical Countermeasures Stations Medical National Health Insurance Division) sa tinitirahang lungsod at bayan.(TEL: 059-224-2285 sa wikang Hapon lamang)

1 Sa mga taong may kapansanan (disability welfare)

 Ang mga pwedeng makakuha nito

・Sa mga taong may physical disability cerificate na primary, seconday o tertiary

・Kapag ang Intelligence quotient (IQ) ay natukoy na 35 o mas mababa pa o ang may Treatment and Education handbook A1 (pinaka-malubha) A2 (malubha)

・Kapag mayroong Physical Disability Certificate Quaternary na may natukoy na IQ na 50 pababa o kapag may Treatment and Education handbook B1 (moderate)

・Kapag may Mental Disability Primary (hospital visit only)

Limit ng subsidies depende sa kinikitang sahod.

Kapag ang kinita na income ng nakaraang taon ay katumbas o higit pa sa halaga ng income limit ng disability welfare ay hindi ito mabibigyan ng grant.

 

2 Single Parent,atbp. (Child Rearing Allowance)

 Ang mga pwedeng makakuha nito

・Sa mga single parent at may mga dependent na anak at ang anak ay hanggang mag 18 years of age sa araw ng March 31.

・Sa mga bata na walang mga magulang hanggang sila ay dumating sa 18 taong gulang sa March 31.

Mga limit ng subsidies depende sa kinikitang sahod

Kapag ang kinikita na income ng nakaraang taon ay katumbas o higit pa sa halaga ng income limit ng Jido Fuyo Teate o child-rearing allowance (partial payment), ay hindi ito mabibigyan ng grant.

 

3 Sa mga bata (Children Allowance)

 Ang mga pwedeng makakuha nito

・Mga batang nasa Elementary school hanggang sixth grade(hanggang sa unang araw ng taon na magiging 12 years old)

(2012 September 1 revision)

 Mga limit ng subsidies depende sa kinikitang sahod

Kapag ang kinikita na income ng nakaraan taon ay katumbas o higit pa sa halaga ng income limit ng children allowance,ay hindi ito mabibigyan ng grant.

※Hindi sakop ang pagkain kapag na admit sa ospital.

Mag-ingat sa Heatsroke!

2016/06/21 Tuesday Kalusugan at kapakanan, Selection

「熱中症に注意!」について

nechusho

Mula ngayon ay dumadalas na mangyari ang heat stroke dahil sa pag taas ng temperatura. Ang temperatura at humidity ay mataas tuwing tanghali at mahina ang hangin, at kinakailangan ang pap-iingat lalo na kapag ang katawan ay hindi sanay sa init.

Bukod dito, ito ay pwede din mangyari kahit nasa loob ng bahay o kaya habang natutulog kaya’t kailangang maging aware sa mga pagbabago ng pisikal na kondisyon.

Ang heat stroke ay nangyayari kapag ang init ay nakukulong sa loob ng katawan, kapag nasa mainit at humid na environment ng mahabang panahon ay nagkakaroon ng imbalance sa body water at salt kaya’t nagsasanhi ng hindi paggana ng temperature regulation function ng katawan.

 

Kapag nagka-Heat stroke

Magkakaroon ng sintomas tulad ng pagkahilo, pagmamanhid ng kamay at paa, sakit ng ulo, at pagsusuka. May mga malulubha pa na epekto tulad ng pagka wala ng malay at minsan nagsasanhi pa ng kamatayan.

 

Paraan ng pag-iwas sa heat stroke

○Madalas na paginom ng tubig at salinity intake.

○Pagsuot ng manipis na damit

○Kapag lumabas, gumamit ng sombrero o payong

○Pag gamit ng pamaypay o aircon

 

Paggamot sa heat stroke

○Lumikas sa isang malamig na lugar

○Paluwagin ang damit at palamigin ang katawan

○Uminom ng tubig o pag intake ng salinity, atbp.

 

Kapag sakaling hindi magawang makainom ng tubig at may sintomas na pagkawala ng malay, tumawag agad ng ambulansya.

Kapag sa mga taong mahirap makapansin ng pagbabago sa pisikal na kondisyon katulad ng mga matatanda at mga bata ay kinakailangan ang gabay ng mga taong nakapaligid.

Magbigay pansin sa sarili, at sa mga ibang taong nakapaligid para maiwasan ang heat stroke para makapag enjoy ngayong summer.

 

Contact:

Mie Ken Kenko Fukushi-bu Iryo Taisaku-kyoku Kenko-Dzukuri-ka

Mie Ken Health and Welfare Department Medical Countermeasures Stations Health Promotion Division (Sa wikang hapon lamang)

Tel: 059-224-2334  E-mail:kenkot@pref.mie.jp