(Hulyo 2016) Impormasyon tungkol sa palagiang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

県営住宅の定期募集について (平成28年7月募集)

2016/06/22 Wednesday Paninirahan

Check for updated informations about housing in this link.

mie ken housing

Panahon ng Aplikasyon: Hulyo 1 (Biyernes)  hanggang Hulyo 31 (Linggo), 2016

Simula Hulyo 1 ay maaring alamin sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay  (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

Kahit kailan ay maari ninyong makita sa website na nasa itaas ang tungkol sa mga kuwalipikasyon sa pag-upa at ang mga paalala tungkol sa pag-upa.

Lahat ng impormasyon ay sa salitang Hapon.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ngAplikasyon Panahon ng pagpasa ngaplikasyon sa post office Araw ng Bunutan Unang araw ng pag-upa
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Agosto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.
Sa mga katanungan: Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 (Sa salitang Hapon lamang maaring makipag-usap.)

Tulong Pangpinansyal, Medical Expenses Subsidy Program

2016/06/22 Wednesday Paninirahan

福祉医療費助成制度について

medical japan

Para sa mga tao na may mga sumusunod na kinakailangan sa prepektura, Mayroong mga tulong pangpinansyal galing sa lungsod at bayan sa pamamagitan ng welfare medical expenses subsidy program (Fukushi Iryohi Jyosei Seido), kapag sa palagay nyo kayo ay naangkop dito, mangyaring isagawa ang hakbang para sa grants na ito sa inyong lungsod.

Sa karagdagan, depende sa city at towns mayroong kaso na nagkakaroon ng mga dagdag na requirements sa subject na ito kaya para sa mga gustong malaman ang mga karagdagang detalye, Mangyaring makipag-ugnayan sa Fukushi Iryo Tanto-ka o sa Mie Ken Kenko Fukushi-bu Iryo Taisaku-kyoku Imu Kokuho-ka (Welfare Medical Department in charge o sa Mie Ken Health and Welfare Department Medical Countermeasures Stations Medical National Health Insurance Division) sa tinitirahang lungsod at bayan.(TEL: 059-224-2285 sa wikang Hapon lamang)

1 Sa mga taong may kapansanan (disability welfare)

 Ang mga pwedeng makakuha nito

・Sa mga taong may physical disability cerificate na primary, seconday o tertiary

・Kapag ang Intelligence quotient (IQ) ay natukoy na 35 o mas mababa pa o ang may Treatment and Education handbook A1 (pinaka-malubha) A2 (malubha)

・Kapag mayroong Physical Disability Certificate Quaternary na may natukoy na IQ na 50 pababa o kapag may Treatment and Education handbook B1 (moderate)

・Kapag may Mental Disability Primary (hospital visit only)

Limit ng subsidies depende sa kinikitang sahod.

Kapag ang kinita na income ng nakaraang taon ay katumbas o higit pa sa halaga ng income limit ng disability welfare ay hindi ito mabibigyan ng grant.

 

2 Single Parent,atbp. (Child Rearing Allowance)

 Ang mga pwedeng makakuha nito

・Sa mga single parent at may mga dependent na anak at ang anak ay hanggang mag 18 years of age sa araw ng March 31.

・Sa mga bata na walang mga magulang hanggang sila ay dumating sa 18 taong gulang sa March 31.

Mga limit ng subsidies depende sa kinikitang sahod

Kapag ang kinikita na income ng nakaraang taon ay katumbas o higit pa sa halaga ng income limit ng Jido Fuyo Teate o child-rearing allowance (partial payment), ay hindi ito mabibigyan ng grant.

 

3 Sa mga bata (Children Allowance)

 Ang mga pwedeng makakuha nito

・Mga batang nasa Elementary school hanggang sixth grade(hanggang sa unang araw ng taon na magiging 12 years old)

(2012 September 1 revision)

 Mga limit ng subsidies depende sa kinikitang sahod

Kapag ang kinikita na income ng nakaraan taon ay katumbas o higit pa sa halaga ng income limit ng children allowance,ay hindi ito mabibigyan ng grant.

※Hindi sakop ang pagkain kapag na admit sa ospital.