Mie Prefecture Multicultural Coexistence Awareness Event + Iga City International Exchange Festival 2017 三重県多文化共生啓発イベント+伊賀市国際交流フェスタ2017 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/09/22 Friday Seminar at mga events Sa Mie Prefecture, ang mga tao na may iba’t ibang nasyonalidad, ethnic groups at iba pa ay kinikilala ang iba’t-ibang pagkakaiba sa kultura at bumubuo ng isang komunidad na magkakasama sa ilalim ng pantay na pag-uugnayan, “creating a multicultural coexistence society”. Bilang bahagi nito, gaganapin ang Mie Prefecture Multicultural Coexistence Awareness Event. Sa taong ito ay gaganapin nang sabay ang Iga City International Exchange Festival 2017, at inaasahang madaming mga foreigners ang lalahok. Ito ay isang pagkakataon upang makipag-ugnayan at malaman ang mga kultura ng iba’t ibang bansa. Mangyaring pumunta at huwag mag-atubili na sumali sa amin. ※FREE ADMISSION Petsa at Oras: Oktubre 8, 2017 (Linggo) 10am ~ 3pm Lugar: Iga Shi Hirano Nishi-Cho 1-1 (とれたて市ひぞっこtore-tate ichi hizokko) Nilalaman: Multicultural Coexistence experience booth: Traditional clothes ng buong mundo trial experience (handog ng JICA) National costume ng Peru at musical instrument experience (handog ng Mie International Exchange Foundation) Introduction ng UNICEF activities (handog ng Mie Prefecture UNICEF Association) Quiz tungkol sa motherland ng foreigners na nakatira sa Mie prefecture Pagsali sa pagdikit ng seal sa pagsusuri ng Multicultural Awareness Ang pagdating ng malaking “Pinata” sa stage: Ang Piñata ay isang papel na Kusudama doll na puno ng mga sweets, laruan, atbp. Ito ay madalas na ginagamit sa mga children’s festivals sa Latin America (katulad ng birthdays). kailangang paluin ito ng stick para mabasag ito at mahulog ang mga lamang premyo. International Exchange Stage: Hula Dance, Acer, Country Dance, Belly Dance, Marinella, Bon Odori. Maaaring makisayaw ang mga participants! International Exchange Food Village: Maaring makabili ng mga folk crafts at pagkain galing sa mga bansang tulad ng Brazil, Peru, Thailand, Philippines, China, Japan atbp. Stamp rally para makatanggap ng Iga rice Surpresang Raffle draw ※May nakahandang Interpreter kasama ng Moderator Makipag-ugnayan sa: 【Mie Ken Tabunka Kyosei Keihatsu Event (Mie Awareness Multicultural Event)】 Mie Ken Daibashiti Shakai Suishin-ka Tabunkakyōsei han (Mie Prefecture Diversity Social Promotion Division, Multicultural Team) TEL: 059-222-5974 Email: tabunka@pref.mie.jp 【Iga Shi Kokusai Koryu Fesuta 2017 (Iga City International Exchange Festival 2017)】 Iga Shi Kokusai Koryu Kyokai (Iga City International Association) TEL: 0595-22-9629 Email: mie-iifa@ict.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tayo’y maghanda sa paglisan kapag may sakuna! Gaganapin ang Sports Festa 2017 » ↑↑ Next Information ↑↑ Tayo’y maghanda sa paglisan kapag may sakuna! 2017/09/22 Friday Seminar at mga events 避難に関する情報の意味と非常持ち出し品・備蓄品について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Japan ay may mataas na bilang ng sakuna. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang mga sakuna katulad ng lindol, tsunami, landslides na dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo, baha, atbp. Upang maprotektahan ang ating buhay at mabawasan ang pinsala, mahalaga na maunawaan ang tamang impormasyon, makapag handa sa emerhensiyang sitwasyon, at kalmadong gumawa ng aksyon tuwing may darating na sakuna. Para sa layuning ito, oras na para ipaalam ang tungkol sa kahulugan ng mga impormasyon sa mga evacuation at emergency items at pag stock ng mga bagay. Unawain ang tamang impormasyong ipapahayag tungkol sa evacuation Ang pinakamahalagang bagay sa paglisan tuwing may magaganap na sakuna ay ang paglisan ng maaga base sa inyong sariling paghuhusga kung makakaramdam ng panganib. Sa oras ng kalamidad, ang alkalde ng lungsod ay mag-aanunsyo ng impormasyon tungkol sa paglisan. Sa pamamagitan ng pag-unawa ng tama sa kahulugan ng mga impormasyong ito, maaari kang makakilos ng kalmado. ① Paghahanda para sa paglisan ・ Simula ng paglisan para sa mga matatanda atbp Ipapahayag ito kapag ang posibilidad ng pinsala sa tao ay tataas. ・ Mangyaring simulan ang paglisan para sa mga taong may pisikal na kapansanan, matatanda, sanggol, atbp. na nangangailangan ng oras upang lumikas at ang kanilang mga tagasuporta. ・ Para naman sa ibang tao mangyaring maghanda para sa paglisan. ② Rekomendasyon ng evacuation Ito ay ipapahayag kapag ang posibilidad ng pinsala sa tao ay tataas. Dagdag pa dito, ・ Sa mga makakapag-evacuate ng normal, mangyaring lumikas agad sa lugar ng evacuation. ・ Sa mga sitwasyon kung saan mapanganib ang pagpunta sa labas o kapag nasa labas, mangyaring lumikas sa isang kalapit na ligtas na lugar o mag evacuate sa mas ligtas na parte ng iyong tahanan. ③ Mga instruction ng paglisan (emergency) Ipapahayag ito kapag natukoy na ang panganib ng pinsala sa tao ay napakataas. ・Ang mga taong hindi pa lumilikas ay dapat na lumisan agad sa lugar ng evacuation. ・Sa mga sitwasyon kung saan mapanganib ang pagpunta sa labas o kapag nasa labas, mangyaring lumikas sa isang kalapit na ligtas na lugar o mag evacuate sa mas ligtas na parte ng iyong tahanan. Ang antas ng panganib ng mga impormasyong ito ay mas mataas na pahayag para sa pag evacuate. Gayunpaman, pakitandaan na hindi kinakailangang ipahayag sa order na ito. I-check ang mga items na dadalhin at mga kailangang i-stock na bagay Ang mga emergency items na dadalhin ay ang mga importanteng bagay na kinakailangang sa paghahanda sa panahon ng paglisan. Piliin kung ano ang kailangan mo ayon sa indibidwal na kalagayan at ng pamilya. Gayundin, i-check ito nang hindi bababa sa isang beses sa isang taon at ilagay ito sa isang lokasyon na madaling dalhin. Isama sa items ang mga kinakailangang gamot, pagkain at iba pa alinsunod sa kalagayan ng pamilya, tulad ng mga matatanda, taong may allergies at mga sanggol. Halimbawa ng mga emergency items: Mangyaring i-click dito upang ma-download ang “emergency item check list” (PDF file). Ilagay ang mga emergency items sa backpack o bag, Siguraduhin lang na makakagalaw ng malaya ang dalawang kamay habang bitbit ang bag. Sa mga evacuation center, may posibilidad na ang pamimigay ng pagkain at iba pa ay maantala pagkatapos ng kalamidad. Maghanda tayo ng mga pagkain at inuming tubig atbp. para sa 3 araw o higit pa bawat tao. Maghanda tayo ng mga stockpile (pagkain, tubig at iba pa) na maaaring maimbak ng mahabang panahon. Ang mga sakuna tulad ng lindol, tsunami, baha at iba pang mga kalamidad na nagdudulot sa atin ng pinsala ay tiyak na magaganap. Lalo na kapag nakatira sa Mie Prefecture, hindi mo maiiwasan ang ganitong sakuna. Mag handa ng lubusan para sa pang araw-araw at para sa mga sakuna, panatilihing isaisip ito. Ito ay ang “Kasanayan sa Disaster Prevention”. Upang maprotektahan ang mahalagang buhay at mga bagay, mangyaring isulong sa pang-araw-araw ang pag-iwas sa sakuna Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp