Nagsisimula nang ipatupad ang My Number system! 重要:2015年から適用するマイナンバー制度についての情報ビデオ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/10/27 Tuesday Araw-araw na Pamumuhay at Batas, Impormasyon Simula ngayon Oktubre 2015 ay ipapamahagi na ang inyong 12 digit individual number para gamitin sa social insurance, tax at iba pa . Bawat tao ay magkakaroon ng indibidwal na numerong maaaring kailanganin sa pag-aasikaso ng mga papeles sa cityhall. Alamin natin ng lubos ang tungkol sa sistemang ito. 【Interbyu sa Mie General Affairs Strategic Planning Division Officer Mr. Hiroto Nakai】 Ano ang My Number? 「Ang My Number ay 12 digit na numerong itinalaga sa bawat mamamayan para gamitin sa mas maayos na pamamalakad ng lipunan at maging matiwasay ang sistema sa pagpoproseso ng social insurance, buwis at iba pang mga bagay na may kinalaman paghahanda para sa kalamidad. Dahil sa taglay na impormasyo ng My Number, maaaring kumpirmahin ng sangay ng pamahalaan ang mga impormasyong nakapaloob sa My Number na ito para sa iisang tao, dahilan upang mapabilis ang pagpoproseso at magdulot ng ibat-ibang merit para sa lahat.」 Mga prosesong paggagamitan ng My Number 「Ang My Number ay gagamitin para sa pensyon, medical insurance, unemployment insurance, public assistance, child-care allowance, social insurance at pagpa-file ng income tax. Sa pagsasaayos ng papeles sa buwis at social insurance, may pagkakataon na hihilingin nang kompanya at banko ang inyong indibidwal na numero.」 Kailan ibibigay ang notice para sa My Number? 「Ang notice na ito para sa My Number ay nakasulat sa notification card at ipapadala sa tirahang nakasaad sa residence certificate at magkakasunod na ipapadala ito simula Oktubre 20 hanggang katapusan ng Nobyembre sa pamamagitan ng registered mail. Para sa mga nagnanais na lagyan ng litrato ang kanilang My Number Card, dumulog at mag-apply sa kinabibilangang munisipyo at ang issuance ng card na may litrato ay bandang Enero ng susunod na taon.」 Sakaling hindi natanggap ang notification card 「Kung sakaling lumagpas ang buwan ng Nobyembre at hindi pa rin natatanggap ang notification card, magtanong sa inyong kinabibilangang munisipyo.」 Proseso para mapagkalooban ng My Number Card 「Ang libreng My Number Card ay matatanggap kung ipapadala ang notification card at ang aplikasyon form na nakalakip sa sulat sa pamamagitan ng post office. Maaari ding mag-apply ng Card sa pamamagitan ng smartphone o computer. Sa pagkuha ng inyong My Numbecr Card, kinakailangan ibalik ang notification card na ipinadala sa inyo para mapalitan ng tunay na My Number Card.」 Mga paalala tungkol sa My Number Card 「Ang harapan ng My Number Card ay maaaring gamitin bilang personal ID. Subalit dahil sa ang indibidwal na numero ay nakasulat sa likod ng card, hindi ito maaaring kopyahin o i-xerox maliban na lang kung ito ay gagamitin sa mga sangay ng pamahalaan na sinang-ayunan ng batas o ayon sa artikulo. Pag-ingatan ang mga bagay na ito. Higit sa lahat, huwag magpadalos-dalos, ingatan na hindi maituro sa iba ang inyong My Number. Itong mga nakalipas na araw, dumarami ang bilang ng kasong fraud o panlilinlang. Tandaang mabuti, walang tatawagan o magpupuntang tao sa bahay ninyo para lang magtanong tungkol sa My Number. Kung ito ay mangyayari huwag huwag magbibigay ng anumang impormasyon. Kung sakaling nawala ang notification card o My Number Card 「Kung ang inyong notification card o My Number Card ay nawala, ipagbigay alam agad ito sa kinabibilangang munisipyo para sa posibilidad na issuance ng panibagong card.」 Kung may babaguhing impormasyon (panglan o tirahan) sa inyong rekords 「Halimbawang nagpakasal o lumipat ng tirahan at nagbago ng pangalan o tirahan, ipagbigay-alam agad ito sa kinabibilangang munisipyo dahil kailangan din palitan ang impormasyon nakasaad sa inyong card.」 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tourst travel information website sa ibat-ibang wika “Mie Travel Guide” [Yokkaichi] North Central Park 2015 Autumn Park Festival » ↑↑ Next Information ↑↑ Tourst travel information website sa ibat-ibang wika “Mie Travel Guide” 2015/10/27 Tuesday Araw-araw na Pamumuhay at Batas, Impormasyon 「Mie Travel Guide」の閲覧方法について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang bagong tourist information website na「Mie Travel Guide」ay naka-link sa Trip Advisor kung saan naka-publish dito ang mga travel information facilities na matatagpuan sa Mie. Saan makikita ang「Mie Travel Guide」 (1) Homepage: (URL:http://www.travel.pref.mie.lg.jp/) maaring pumili sa wikang English, Intsik (traditional chinese character or simplified chinese character) at Koreano. (2) Piliin ang impormasyon nais alamin. (3) Kung sa website ng Trip Advisor kayo magsi-search, piliin kung anong wika ang nais ninyong i-search. ( Kung sa website ng PC, makikita sa kanang itaas ng monitor ang bandila ng mga bansa kung saan maari piliin ang wikang nais.) Ang 「Mie Tourism Guide」website (http://welcome.kankomie.or.jp/) na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga travel information sa Mie ay isinara noong katapusan ng Septyembre at ang ipinalit dito ay ang「Mie Travel Guide」. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp