Tourst travel information website sa ibat-ibang wika “Mie Travel Guide” 「Mie Travel Guide」の閲覧方法について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/10/23 Friday Kultura at Libangan Ang bagong tourist information website na「Mie Travel Guide」ay naka-link sa Trip Advisor kung saan naka-publish dito ang mga travel information facilities na matatagpuan sa Mie. Saan makikita ang「Mie Travel Guide」 (1) Homepage: (URL:http://www.travel.pref.mie.lg.jp/) maaring pumili sa wikang English, Intsik (traditional chinese character or simplified chinese character) at Koreano. (2) Piliin ang impormasyon nais alamin. (3) Kung sa website ng Trip Advisor kayo magsi-search, piliin kung anong wika ang nais ninyong i-search. ( Kung sa website ng PC, makikita sa kanang itaas ng monitor ang bandila ng mga bansa kung saan maari piliin ang wikang nais.) Ang 「Mie Tourism Guide」website (http://welcome.kankomie.or.jp/) na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga travel information sa Mie ay isinara noong katapusan ng Septyembre at ang ipinalit dito ay ang「Mie Travel Guide」. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tanggapin ang libreng Rubella Antibody Test! Nagsisimula nang ipatupad ang My Number system! » ↑↑ Next Information ↑↑ Tanggapin ang libreng Rubella Antibody Test! 2015/10/23 Friday Kultura at Libangan 風疹抗体検査が無料で実施します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Para maiwasan ang pagkakaroon ng Congenital Rubella Syndrome, ang Mie Prefecture ay kasalukuyang nagsasagawa ng libreng rubella antibody test, lalong lalo na sa mga kababaihang nagnanais mabuntis o magkaroon ng anak Para kanino: Rehistradong residente ng Mie na…. (1) Nais mabuntis o magkaroon ng anak (2) Naninirahan kasama ang taong nagnanais mabuntis o magkaroon ng anak. (3) Naninirahan kasama ang isa nagdadalang-tao at mababa ang resistensya laban sa tigdas *Maliban na lang sa mga sumusunod na taong hindi angkop sa pamantayang ito. Para sa mga detalye, sumangguni sa leaflet na nasa ibaba. Panahon ng Aplikasyon: Mayo 1, 2015 (Biyernes) hanggang Pebrero 29, 2016 (Lunes) Halaga ng Test: Libre Paano ang Pag-apply ・Dalhin sa health center ng prepektura ang application form at ID na may nakasulat na pangalan at address ng aplikante katulad ng driver’s license o residence card (kumpirmahin ang application form) ・Para sa mga detalye, sumangguni sa impormasyon na nasa ibaba. [*Maaaring kailanganin ang tulong ng isang Japanese para sa pagpoproseso ng aplikasyon] Paalala ・Para sa mga taong nakatanggap ng resulta at nakasaad na mababa ang resistensya ng katawan labas sa tigdas, imimungkahi ang pagpapabakuna laban dito. ・May ilang siyudad na sakop nila ang gastos sa pagbabakuna laban sa tigdas ・Pangalagaan at itago ang resulta ng eksaminasyon na ito. Maaring gagamitin ito sa pag-aasikaso ng gastos para sa pagpapabakuna. Home Page (Mie Prefecture Pharmaceutical Affairs and Infectious Disease Prevention Division) http://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/fusin/fusin.htm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp